APOLLO ZAPATA II

425 52 94
                                    

Mabilis ang pagmamaneho ni Apollo sa kanyang motor papasok sa eskwelahan noong mga araw na iyon kaya naman hindi nito napansin ang dalawang babae na naglalakad sa kalye na muntikan na niyang masagasahan.

"Ang luwang-luwang na nga ng daan tapos sa tabi ka pa namin talaga dadaan?!" rinig nitong sigaw ng isang babae na muntikan na niyang masagasahan.

Umiling na lamang siya at pinaharurot ang sakay nitong motor papunta sa eskwelahan nito dahil kanina pa siya tinatawagan ng pinsan niyang si Nyx dahil may ibibigay daw ito sa kanya.

Nang makarating siya sa eskwelahan ay malapit ng magsimula ang klase kaya naman dumeretso na agad siya sa classroom niya at ti-next na lamang si Nyx na mamaya na lamang sila magkita dahil baka pagalitan na naman siya ng guro nila pag late na naman siyang pumasok.

Halos pabagsak na binuksan nito ang pintuan ng classroom nila pagpasok niya dahil sa pagmamadali dahil baka meron na ang guro nila.

"Kumusta ang marathon?" biro sa kanya ng kaibigan niyang si Triton.

"Fuck you!"

Nagtawanan lang ang mga kaibigan nito na naka-upo sa likod. Naglakad naman siya papunta sa kinaroroonan ng mga kaibigan niya at pabagsak na umupo doon.

"Bakit late ka na naman, Zapata?" natatawang tanong sa kanya ni Achilles.

"Nanood na naman siguro siya ng porn!" malakas na saad ni Hector at humagalpak ng tawa kaya naman napatingin sa kanila ang ibang mga ka-klase nila.

Tinaas lang naman ni Apollo ang middle finger nito kay Hector dahilan para tumawa na naman sila.

"Napanaginipan ko na naman iyong kapatid ni Astraea." tumahik naman silang lahat nang marinig nila ang sinabi ni Apollo.

Hindi nila alam kung anong sasabihin nila sa kaibigan nila. Saksi kasi ang mga ito sa nangyari dalawang buwan na ang nakakalipas. Alam nila ang pinagdaanan ni Apollo at ang pamilya ni Astraea. Saksi rin ang mga ito kung paano nasira ang relasyon nila Apollo at Astraea dahil sa insidenteng iyon.

"Hanggang ngayon ba sinisisi ka pa rin niya?" napatingin naman si Apollo kay Zeus.

Nagkibit balikat lang naman ito. "Ilang buwan na rin na hindi ko siya naka-kausap. Tuwing pumupunta naman ako sa bahay nila hindi siya lumalabas sa kwarto niya. Hindi ko nga alam kung may balak pa siyang pumasok." mahinang saad nito na silang anim lang ang makakarinig.

Naiba naman ang usapan nila nang maalala ni Apollo iyong dalawang babaeng muntikan na niyang masagasahan dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito kanina. Halos matawa ang mga kaibigan nito habang nagkwe-kwento siya.

"Buti hindi ka nakipagsagutan? Baka sa mga oras na ito siguro nandoon ka pa rin at umuusok na iyang ilong mo dahil sa galit." natatawang komento ni Khaos.

Napa-iling na lamang siya. "Alam niyo bang kaboses nung kamuntikan ko nang masagasahan si Astraea?" Hindi makapaniwalang saad nito.

Nagkatinginan naman ang mga kaibigan nito at nagtawanan.

"Hay naku, Zapata na-mi-miss mo lang iyong jowa mo e!" pabirong sinuntok ni Zeus ang balikat nito.

"Sobrang miss mo na ba talaga siya at pati boses niya ay naririnig mo kung saan—" napahinto sa pagsasalita si Hector nang may tumikhim sa likod nito kaya lahat sila ay natahimik at napalingon sa kanya.

Para silang naka-kita ng multo nang makita nila na nasa harapan nila at nakatayo ngayon ang babaeng pinag-uusapan nila.

"Astraea?" naka-kunot ang noo nito at hindi makapaniwalang sambit ni Achilles.

Apollo Zapata [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon