APOLLO ZAPATA XII

177 23 8
                                    

Mag-aalas-siyete na ng gabi nang sunduin ng binata ang kanyang kasintahan sa kanilang bahay para ipagdiwang ang kanilang first anniversary.

Nang makalapit siya sa pinto ng bahay ng dalaga ay kumatok ito.

Pinagbuksan naman siya ng dalaga na may ngiti sa kanyang mga labi.

"Happy first anniversary, babe." naka-ngiting wika ng binata.

Ngumiti naman ang dalaga kasabay no'n ay dumako ang mga mata nito sa damit ng kanyang nobyo.

"Kaya naman pala tinatanong mo ako no'ng pumunta tayo sa mall kung bagay sa'yo iyang damit na iyan." umiiling na saad ng dalaga.

Napakamot na lamang sa kanyang batok ang binata.

"Tara na?" tanong sa kanya ng binata.

Tumango lang naman ito bago sila sabay na naglakad.

Gulat na gulat ang dalaga nang makita niya kung ano ang nasa harapan niya.

"Seryoso ka ba? Sasakay tayo diyan?" gulat na tanong nito sa kasintahan.

"Oo naman. Ayaw mo ba?"

Umiling naman ito, "Hindi naman sa ayaw pero, marunong ka bang magmaneho? Unang beses mo ako isasakay sa mamahalin mong sasakyan!"

Natawa na lamang ang binata sa inasta ng dalaga.

"Don't worry, babe. Mag-iingat ako sa pagmamaneho." sabi ng binata at saka niya hinalikan sa gilid ng kanyang ulo ang dalaga.

Habang nakasakay ang dalawa sa kotse ng binata at tinatahak ang daan papunta sa isang Restaurant kung saan nila ipagdiriwang ang kanilang unang anibersaryo ay nag-uusap ang mga ito.

"Babe, saan pala tayo pupunta?" tanong sa kanya ng dalaga.

Nilingon naman siya ng kanyang nobyo na may ngiti sa mga labi at ibinalik sa daan ang atensiyon.

"It's a surprise babe." sagot sa kanya ng binata habang sa daan pa rin ang atensiyon niya dahil ito ang nagmamaneho.

"Iyan ka na naman sa surprise mo e!" natatawamg saad ng dalaga.

Natahimik naman sa pagtawa ang dalaga nang tumunog ang cellphone ng binata.

Kinuha naman ng binata ang cellphone na nasa bulsa niya at saka niya ito sinagot.

Ang tumatawag ay ang mga kaibigan niya na naghanda para sa surpresa niya sa kasintahan.

"Malapit na kami. Huwag kayong atat diyan. Ako ang boyfriend, hindi kayo." natatawang saad niya habang nagmamaneho pa rin.

Abala ang binata sa kausap niya kaya hindi niya napansin ang dalaga na kina-kausap siya at sinisita sa paggamit niya ng cellphone habang nagmamaneho.

"Babe, ibaba mo muna iyan. Nasa daan tayo mamaya madisgrasya tayo." kinakabahan na saad ng dalaga.

Pero parang walang narinig ang binata hanggang sa matapos siyang makipag-usap sa tumawag.

Nang matapos na kausapin ng binata ang kanyang mga kaibigan ay muli nitong ibinalik sa bulsa niya ang cellphone at napa-tingin sa kanyang kasintahan habang nagmamaneho pa rin ito.

"May sinasabi ka ba kanina babe?" tanong sa kanya ng binata habang sa kanya pa rin siya nakatingin.

Umiling lang naman ang dalaga.

"Sa daan ka tumingin. Huwag sa'kin." sagot ng dalaga.

Umiling naman ang binata.

"Mas gusto kong sa'yo lang ako nakatingin-"

Apollo Zapata [COMPLETED]Where stories live. Discover now