APOLLO ZAPATA XVII

149 8 3
                                    

Malakas na suntok ang agad na bumungad kay Apollo nang bisitahin niya ang kanyang pinsan na si Hades sa kanilang bahay.

"Tol, anong problema mo?" hindi makapaniwalang tanong nito sa pinsan at saka niya pinunasan ang gilid ng kanyang labi kung saan pumutok ito nang suntukin siya ni Hades.

"Ikaw ang problema ko, Apollo!"

Nagulat naman si Apollo sa pagtaas ng boses ng kanyang pinsan.

"Bakit nagsinungaling ka sa akin? Bakit nagsinungaling kayo sa akin?" puno ng galit ang kanyang boses.

"Tol, anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan."

"Fuck, Apollo! Naaalala ko na lahat! Lahat ng panloloko mo sa akin, kayo ni Astraea!" nanggagalaiti sag alit ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.

"Tol, sorry hindi ko sinasadyang – "

"Bullshit! Dalawang buwan, Apollo! Dalawang buwan niyong tinago sa akin ang totoo! Lagi ko kayong tinatanong kung bakit lagi kong napapanaginipan ang girlfriend mo. Tinatanong ko kayo kung anong meron kami bago ako naajsidente dahil sa bawat panaginip ko masaya kaming magkasama. Pero, anong sinabi mo sa akin? Hindi ko siya kilala." Pagak itong tumawa.

"Iyong akala kong girlfriend ng pinsan ko, girlfriend ko pala talaga! Tangina, Apollo! Girlfriend ko iyon tapos, inagaw mo sa akin dahil lang sa hindi ko na siya maalala? Anong klaseng pinsan ka?" nanlilisik ang mga mata nito na tumingin sa direksiyon ni Apollo.

"Hades, mas nauna kong nakilala si Astraea kaysa sa'yo. Matagal ko na siyang gusto. Bago mo pa siya niligawan, gusto ko na siya." matapang na sinagot nni Apollo ang kanyang pinsan at nakipagtitigan ito rito.

"Kahit anong sabihin mo, ako pa rin ang boyfriend niya! Ako ang pinili at hindi ikaw!"

"Pero, mahal ko na siya bago mo pa siya nakilala, Hades!"

Malakas na suntok muli ang ibinigay ni Hades sa kanya.

"Umalis ka na. Simula ngayon, huwag ka ng magpapakita sa akin. Kayo ni Astraea."

"Astraea, magpahinga ka na. May exam ka pa bukas. Ako na muna ang magbabantay kay Apollo." napalingon si Astraea nang narinig niyan bumukas ang kwarto ni Apollo at nagsalita ang ina nito.

Nginitian lang naman niya ang ina ng binata at muli niyan tiningnan ang walang malay na binata sa kanyang harapan.

Mag-iisang linggo na kasi ang nakalipas simula nang madisgrasya si Apollo pero hindi pa rin ito nagigising.

"Magpahinga ka na muna, hija." hinawakan ng ginang ang balikat ni Astraea mula sa kanyang likuran.

"Okay lang po ako tita. Kayo po ang magpahinga dahil kagagaling niyo lang po sa trabaho." sagot niya sa ginang at nilingon ito at nginitian.

Kumuha naman ang ginang ng kanyang mauupuan at tumabi kay Astraea.

"Apollo," tawag ng ginang sa kanyang anak at hinawakan ang kamay nito. "gumising ka na. Nandito na kami ng papa mo tulad ng hiling mo noong kaarawan mo." hinalikan nito ang likod ng kamay ng binata at saka niyakap.

Parang may pumipiga sa puso ni Astraea habang pinapanood niya ang mag-ina.

Dahan-dahan namang iniangat ni Astraea ang kanyang kamay at saka hinawakan sa balik at ng ina ni Apollo.

"Tita..." mahinang tawag niya sa ginang.

"Astraea, ayokong mawala si Apollo. Hindi ko kakayanin." umiiyak na saad ng ginang.

Tumayo naman si Astraea at saka niyakap ang ginang.

"Tita, I'm sorry. Dahil sa akin nasa ganyang sitwasyon ngayon si Apollo. Ako dapat ang nakaratay ngayon at hindi ang anak niyo. I'm really sorry, tita." may tumulong mga luha sa pisngi ni Astraea habang yakap niya ang ginang.

"Ssshhhh... Don't blame yourself, hija." hinaplos ng ginang ang braso niya at hinawakan ito at saka siya nito pinaupo at tiningnan sa mata ang dalaga. "Hindi mo ginusto ang nangyari sa anak ko. Kung tutuusin nga nagpapasalamat pa ako sa Kanya dahil binuhay Niya pa ang anak ko. Alam kong may mga nagawang kasalanan ang anak ko at kaming mga magulang niya pero despite of those binuhay Niya pa rin si Apollo." pinisil ng ginang ka may dalawang ka may niya."Sa ating dalawa, ako nga dapat ang humihingi ng kapatawaran dahil sa nangyari sa kapatid mo noon. Alam kong kahit ilang buwan pa lang ang nakalilipas ay alam Kong masakit pa rin sa part mo lalong-lalo na sa mama mo. Please forgive us, Astraea. Lalo na si Apollo. Alam kong hanggang ngayon sinisisi mo pa rin sa kanya ang pagkawala ng kapatid mo. Kaya naman, bilang ina niya ako na ang humihingi ng kapatawaran." malungkot na ngumiti sa kanya ang ginang.

"Tita..."

Hinaplos naman ng ginang ang isang kamay niya at saka tumingin sa anak niyong nakaratay.

"Naiintindihan kita, hija. Alam kong hindi mo pa kayang patawarin ang anak ko sa ngayon pero alam kong darating din ang pagkakataon na mapapatawad mo siya dahil sa kasalanan na kanyang nagawa sa pamilya mo." pagkasabi iyon ng ginang ay sakto namang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Apollo at pumasok doon si Hades.

"Tita, mauna na rin po ako." paalam niya sa ginang at saka bago ito umalis ay hinalikan na muna niya sa noo si Apollo.

Nang magkasalubong sila ni Hades ay nginitian niya lang ito at lumabas na siya ng kwarto.

Matapos kasi ang pag-uusap nilang dalawa noon sa may hallway noong madisgrasya si Apollo ay hindi na sila muling nag-usap pa at ayaw nang masundan pa ni Astraea ang pag-uusap nilang iyon kaya hanggat kaya niya ay iiwasan niyang makausap at makita si Hades.

Apollo Zapata [COMPLETED]Where stories live. Discover now