APOLLO ZAPATA XI

153 25 8
                                    

"Babe, sa tingin mo ba bagay sa akin 'to?" tanong ng binata sa kanyang kasintahan habang hawak niya ang isang kulay maroon na damit.

Napatingin naman ang dalaga sa kanyang kasintahan nang marinig niya ang boses nito.

Agad na lumapit ang dalaga sa binata nang makita niya ang hawak nitong kulay maroon na damit.

Simple lang iyong damit na hawak ng binata. Isang kulay maroon na damit na may kulay itim sa manggas nito at sa kwelyo.

"Kahit ano namang isuot mo bagay pa rin sa'yo." Naka-ngiting wika ng dalaga at kinuha sa kamay ng kanyang kasintahan ang polong hawak nito at saka niya ito sinuri.

"Bino-bola mo na naman ako e." parang bata na wika ng binate sa kanya.

Inirapan lang naman siya ng dalaga.

"Sige na, isukat mo na para makakain na tayo." Saad ng dalaga at ibinalik sa binata ang hawak niyang damit.

Tumango naman ito at naglakad na papunta sa fitting room.

Pero bago pa makapasok ang binata sa loob ay nilingon niya muli ang kanyang kasintahan na nakatayo at nakatingin sa kanya.

"I love you." Naka-ngiting wika nito sa dalaga.

Umirap naman ang kanyang kasintahan.

"Hay nako! Isukat mo na nga iyan!" naiinis na saad niyo pero may ngiti sa kanyang mga labi.

"Babe, ang sabi ko I love you." Pag-uulit ng binate.

"I love you too!" abot tainga ang ngiti niya nang sabihin niya ang mga katagang iyon.

"Hades?" makikita sa mukha ni Astraea ang pagkagulat dahil halos lumabas na ang kanyang mga mata na dahil sa gulkat na nasa harap niya si Hades.

"Kuya Hades." Mahinang bulong naman ni Mya.

Nginitian naman sila ng binata bago ito nagsalita at napatingin sa gawi niya ang kaharap.

"How are you?" tanong sa kanya ni Hades.

"Mabuti naman." Sagot niya sa binata.

"Mabuti kung gano'n."

"E, Ikaw? Kumusta ka? Anong ginagawa mo rito?" sunod-sunod na tanong niya kay Hades.

"Ito, magka-college na. Dito nga ako mag-aaral e." naka-ngiting sagot nito.

Napapatango na lamang siya sa sagot ni Hades.

"Sige, mauna na rin kami ni Mya. May klase pa kami e." paalam niya sa binata at hinila niya ang kaibigan palabas ng canteen.

Hindi pa sila nakakalabas ng kaibigan niya nang muli niyang marinig ang boses ni Hades.

"Astraea. . ." tawag nito sa kanya.

Napatigil naman sila ng kaibigan niya sa paglalakad.

"Pwede ba tayong mag-usap mamaya? Iyong tayong dalawa lang." wika muli ni Hades.

"Astraea, may sinasabi si kuya Hades sa'yo." Bulong sa kanya ng kanyang kaibigan kaya naman dahan-dahan niyang nilingon ang binata at hinarap ito.

"Ano kasi. . ." napa-kamot siya sa kanyang ulo.

Hindi niya alam kung anong isasagot niya sa tanong ng binata.

"Okay lang kung ayaw mo. Hindi naman kita pinipilit." Saad nito at saka nginitian ang dalaga.

Napairap na lamang si Astraea sa hangin.

Alam kasi niyang pilit lang iyong ngiti ni Hades.

"Sige, mag-usap tayo mamaya. Hindi naman ako busy." Pagkasabi iyon ni Astraea ay tuluyan na silang lumabas ng kanyang kaibigan sa canteen.

Apollo Zapata [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat