APOLLO ZAPATA V

259 44 39
                                    

Mag-a-alas-sais na ng gabi nang maka-uwi sa kanilang bahay si Astraea. Habang tinatanggal nito ang suot niyang sapatos ay lumapit naman sa kanya ang ina nito para kunin ang naka-sabit sa balikat nitong backpack.

"Kumusta ang pag-pasok mo sa school? Mukhang madami ata kayong ginawa at ginabi ka ng uwi." saad ng kanyang ina habang nakatingin ito sa kanya habang tinatanggal nito ang kanyang sapatos. Hindi ito sumagot at pumasok na lamang siya sa kanilang bahay.

Sinundan naman siya ng kanyang ina papunta sa sala."Magpahinga ka na muna at kakain na rin tayo mamaya." pagkasabi niya iyon ay nilagay nito sa isang upuan sa may sala ang hawak na bag ng kanyang anak at pumunta sa kusina para tignan ang kanyang niluluto para sa kanilang hapunan mamaya.

Napa-buntong hininga naman si Astraea habang nakatingin sa papalayo nitong ina. Wala itong ganang kumain kaya naman pabagsak siyang humiga sa mahabang upuan nila sa sala at ipinatong nito ang isa niyang braso sa kanyang mata at saka ito pumikit.

Habang naka-pikit ito ay naalala niya iyong nangyari kanina sa ilog. Iyong sagutan nila ni Apollo at ang mga kaibigan nito.

"Don't blame him, Astraea!" galit na sigaw sa kanya ni Triton kanina at galit ang mga mata nitong nakatingin kay Astraea. "we know the truth! Kaya bakit kay Apollo mo sinisisi ang pagkamatay ng kapatid mo?" parang may kung anong bagay ang bumara sa lalamunan nito nang marinig nito ang mga binitawang mga salita ni Triton.

Habang nakikipag-titigan si Astraea sa galit na mga mata ni Triton ay may gusto itong sabihin pero sa sarili na lamang niya iyon sinabi.

'Oo! Alam kong nalunod ang kapatid ko pero, masisisi niyo ba ako kung ganoon na lamang ang galit ko kay Apollo? Pinagka-tiwala ko sa kanya ang kapatid ko pero. . .'

"Bakit hindi?" ngayon ay nagawa na rin na magsalita ni Astraea kahit ang totoo ay kinakabahan siya sa ano mga salitang pwedeng lumabas sa bibig niya dahil, sa tuwing galit ito ay hindi niya mapigilan ang mga salitang lumalabas sa bibig nito sa kausap. Wala itong pake-alam kung masaktan man niya ang kausap sa mga salitang ibinabato niya. "siya lang naman iyong taong kasama ng kapatid ko noong araw na namatay si Dwight!" sigaw nito.

"Mahal, let me explain," tawag ni Apollo sa kanya kaya napalingon ito at namaywang.

"Explain?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa binata. "For what? For what have you done to my brother? At anong sinabi mo? Mahal?" tumawa ito ng mahina at tinitigan niya ng mabuti si Apollo sa mga mata nito. "simula noong araw na nalaman kong pinatay mo ang kapatid ko kinalimutan na kita bilang kasintahan ko kaya, don't call me mahal because two months ago, I've forgotten you as my boyfriend." pagkasabi iyon ni Astraea ay naglakad na ito paalis sa harap ng anim na magka-kaibigan pero, bago pa ito makalampas kay Apollo ay binangga niya ito sa balikat at saka ito tumigil."From now on, ayoko nang makita pa ang pagmu-mukha mo kasama iyang mga limang Sperm na iyan." saad nito at tinignan ng masama ang mga kaibigan ng binata na nasa tabi ni Apollo.

"Sa tingin mo ba gusto pa rin naming makita—" Hindi natuloy ni Achilles ang pagsugod niya kay Astraea nang pigilan siya ni Hector at umiling ito na parang sinasabi nito sa kaibigan na hayaan na lang niya si Astraea. ". . . pasalamat ka't babae ka, kung hindi, nasapak na kita kanina pa." inis na saad nito sa babaeng naka-talikod sa kanila at marahas na tinanggal nito ang kamay ni Hector na pumigil sa kanya.

Napa-tsked naman si Astraea at saka muling hinarap ang mga ito. "Ano?" may ngisi sa mga labi nito nang tignan niya si Achilles. "sasaktan mo ako?" Hindi makapaniwalang saad nito at tumawa ng malakas na para bang nababaliw na ito. "ngayon malinaw na sa akin, isang grupo kayo ng mga walang kwenta at walang ginawa kundi manakit at pumatay ng tao." nang-iinis na saad nito.

Naikuyom naman ni Achilles ang mga binitawang salita ng dalaga. "Bawiin mo iyong sinabi mo!" matigas na saad nito at makikita mo sa mga mata niya ang galit ganun din ang ibang mga kaibigan nito.

"Bakit ko naman babawiin? Totoo naman 'di ba?" naka-taas ang isang kilay nito na napatingin sa anim na magka-kaibigan. "Tama lang iyong pangalan ng grupo niyo na Sperm Gang dahil, mga Sperm kayo na walang kwenta, walang saysay, at walang pakinabang sa mundong ito." nang matapos sabihin iyon ni Astraea ay tumalikod na ito at naglakad na siya paalis sa lugar na iyon. Habang naglalakad ito papalayo sa anim na magka-kaibigan ay narinig pa niyang pinag-mumura siya ni Achilles sa mga sinabi nito sa kanila kanina pero hindi na lamang niya ito pinansin at pinagpatuloy na lamang niya ang paglalakad.

Dahan-dahan namang tinanggal ni Astraea ang braso nitong naka-takip sa mga mata nito nang marinig niya ang boses ng kanyang ina.

"Astraea, kakain na tayo." naka-ngiti ito ngayon habang nakatayo siya malapit sa kanyang anak na naka-higa sa upuan sa kanilang sala. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang saad nito nang mapansing parang may sakit ang anak nito kaya agad niyang nilapitan ito at hinawakan ang kanyang noo.

Tinanggal naman ni Astraea ang kamay ng ina nito at saka ito umupo mula sa pagkaka-higa. "Okay lang po ako." sagot nito at saka matipid na nginitian ang kanyang ina.

Napa-buntong hininga naman ang ina nito. "Okay ka lang ba talaga?" paninigurado ng ina nito at saka ito tumabi sa upuan kung saan naka-upo ito.

Tumango lang naman ito.

"Magsabi ka nga sa akin ng totoo, anak." sabi ng ina nito at hinawakan siya nito sa kamay. "galing ka ba sa lugar na iyon?" maalumay na tanong nito. Ang tinutukoy ng kanyang ina na lugar ay ang lugar kung saan siya galing. Ang Ilog malapit sa kanila.

Napa-kagat naman sa kanyang labi ang dalaga at saka ito tumango bilang sagot. Hindi talaga ito maka-pagsinungaling sa kanyang ina.

Inayos naman ng kanyang ina ang buhok nitong humaharang sa mukha nito. "Na-mi-miss mo na ba siya?" ang tinutukoy ng kanyang ina ay ang bunsong kapatid nito na si Dwight. "ako rin, sobrang miss ko na ang kapatid mo." ngumiti ang kanyang ina at saka nito pinisil ang kamay ng kanyang anak na hawak-hawak kaya napatingin ito sa kanya.

May bahid ng lungkot at pangungulila sa mga mata ng kanyang ina nang magtama ang kanilang mga mata. "Ma," mahinang saad nito nang makita niyang may isang butil ng luha ang lumabas sa mata ng kanyang ina. Parang dinudurog ang puso niya habang nakikitang umiiyak ang kanyang ina. Agad naman niya itong niyakap para iparamdam dito na hindi ito nag-iisa.

Niyakap din siya ng kanyang ina pabalik. "Alam kong nasa mabuting kamay na ang kapatid mo ngayon at masaya siyang binabantayan tayo ngayon." pagkasabi nito ay lumayo siya sa pagkaka-yakap nilang dalawa. "Ano ba iyan!" natatawang saad ng ina nito habang pinupunasan niya ang pisngi nito.

Ngumiti naman ng tipid si Astraea at nagsalita ito habang naka-yuko ito at nakatingin sa kamay niyang magkasalikop.

"Hindi ka ba galit sa kanya?" napalingon naman ang kanyang ina. "Si Apollo. Hindi ka ba galit sa kanya?" muling tanong nito.

Malalim na paghinga naman ang ginawa ng kanyang ina bago ito sumagot. "Anak," napatingin ito nang hawakan siya nito sa kamay. "walang dahilan para magalit ako kay Apollo."

"Pero—" pinisil siya sa kamay nito kaya hindi nito natuloy ang gusto nitong sabihin.

"Wala siyang kasalanan." agad na tugon ng ina nito. "Huwag mong isisi kay Apollo ang pagka-matay ng kapatid mo. Alam natin kung paano niya protektahan ang kapatid mo kaya, huwag mo sanang sisihin si Apollo, anak. Aksidente ang nangyari, walang gustong mangyari iyon sa kapatid mo."

Apollo Zapata [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon