APOLLO ZAPATA XIV

140 14 6
                                    

Ilang minuto pa ang tinagal nila Astraea sa daan hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay. Agad naman na umayos ng upo si Astraea at akmang bubuksan ang pintuan ng kotse nang bumukas na ito at nakita niya si Hades na may hawak na payong.

"Halika na," inilahad ng binata ang kanyang kamay sa harap niya.

"Kaya ko na ang sarili ko!" natatawang saad naman ng dalaga at tinabig ang kamay ni Hades na nasa harap niya at saka ito tuluyang bumaba ng kotse.

"Ayaw lang kitang mabasa." wika nito at saka siya nito inakbayan para magkasiya sila sa iisang payong na hawak ni Hades.

Gusto sanang itulak ni Astraea ang binata pero naisip niya na kapag ginawa niya iyon ay mababasa siya. Sakitin pa naman siya.

Nang makarating sila ni Hades sa harap ng gate nila ay napansin niyang may dalawang payong na nasa sahig. Iyong isang payong ay nakabukas samantalang iyong isa ay nakatupi pa rin at mukhang hindi pa nagagamit. Napansin niyang iyon ang payong niya na nakalimutan niya kaninang umaga sa bahay nila.

"Bakit nandito sa harap ng gate itong mga payong na 'to?" mahinang bulong niya sa sarili.

"May problema ba?" napalingon naman siya sa kanyang katabi.

"Wala." sagot niya at saka binuksan ang gate. "Tara muna sa loob."

Pagkapasok nila sa loob ng gate ay agad nilang nakita ang mama niya na naghihintay sa harap ng pintuan ng kanilang bahay kaya naman kumaway siya rito.

"Hello po, tita." bati ni Hades dito nang makalapit sila sa ginang.

"Ikaw pala iyan." naka-ngiting saad ng ginang sa binata. "pumasok na kayo Astraea at ipaghahanda ko kayo ng ma-me-meryenda niyo."

Isinara naman muna ni Hades ang hawak niyang payong saka sila pumasok sa loob ng bahay ng dalaga.

"Maupo ka muna diyan... " itinuro niya ang mahabang sofa sa may sala. "magpapalit na muna ako." paalam niya sa binata bago siya pumunta sa kanyang kwarto para magpalit.

Habang nagpapalit siya ay napa-tingin siya sa labas ng bintana. Nakita niya muli ang dalawang payong na nasa harap ng gate nila.

"Bakit kaya nandoon iyong payong ko?" naka-kunot ang noo niya habang nakatingin dito.

Napatingin naman siya sa pintuan ng kwarto niya nang marinig niyang may kumatok dito.

"Anak..." boses ng mama niya iyon. "lumabas ka na diyan. Nakahanda na iyong meryenda."

"Sige po, lalabas na po ako." sagot niya at naglakad papunta sa pinto.

Pagkabukas niya ay nandoon pa rin ang mama niya kaya naman tinanong niya ito tungkol sa payong na nasa harap ng kanilang gate na nakita niya kaninang pagpasok niya sa kanilang bahay.

"Ma, bakit pala may dalawang payong sa labas ng gate?"

"Hindi ba kayo nagkita ni Apollo? Susunduin ka niya dapat sa labas kanina e." sagot nito.

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ng mama niya.

"Si Apollo?"

Tumango lang naman ang mama niya.

"Hindi ko siya nakita. Iyong dalawang payong lang ang nandoon-shit!" napamura naman ito nang mapagtanto niya kung bakit umalis na si Apollo.

"Ma, ikaw muna ang bahala kay Hades susundan ko lang si Apollo." saad niya at nagmadaling lumabas ng kanilang bahay.

Bago siya makalabas ay nadaanan na muna niya si Hades sa may sala at tinanong siya nito kung saan siya pupunta pero hindi na niya naisipan pang sagutin ito at tuloy-tuloy lang siyang lumabas ng kanilang bahay.

Pagkalabas niya ay agad siyang tumakbo palabas ng kanilang gate. Lakad-takbo ang ginawa niya para maabutan niya si Apollo. Basang-basa na siya pero wala siyang pake-alam. Ang nasa isip niya ngayon ay si Apollo.

Kahit nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa ulan ay hindi siya tumigil sa pagtakbo para lang makita ang binata.

"Nasaan ka na, Apollo?" mahinang saad niya habang palinga-linga siya sa daan.

Tumigil na muna siya saglit para mabawasan ang pagod niya galing sa pagtakbo nang maaninag niya kung sino iyong lalaking nasa kabilang kalsada na naglalakad habang wala itong payong.

"Apollo!" sigaw niya para kunin ang atensiyon ng binata pero mukhang hindi siya nito narinig dahil tuloy-tuloy lang itong naglalakad.

Kaya naman ang ginawa ni Astraea ay tinawid niya ang pagitan nilang kalsada para maabutan niya si Apollo.

"Apollo!" muling sigaw niya.

Napangiti naman siya nang makita niyang huminto ang binata at dahan-dahan na lumingon sa gawi niya.

Makikita mo ngayon ang pagkagulat sa mukha ni Apollo nang lumingon siya sa gawi ng dalaga.

"Anong ginagawa mo?" tanong sa kanya ng binata.

Nagkibit-balikat lang naman siya.

"Umuwi ka na, Astraea. Magkakasakit ka sa ginagawa mo." pangaral sa kanya ni Apollo.

Inirapan lang naman siya ng dalaga.

"E, ikaw? Sa tingin mo ba hindi ka magkakasakit sa itsura mong iyan?" naiinis na saad niya sa binata.

Nagsasagutan silang dalawa habang siya ay nasa gitna ng kalsada samantalang si Apollo ay nasa kabilang kalsada naman at ilang metro lang ang layo nila sa isa't isa.

"Umuwi ka na." saad nito at akmang tatalikod na ito nang pigilan siya ng dalaga.

"Bakit ka umalis?"

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko naglakad na lang ng kusa paalis iyong mga paa ko nang makita ko kayong dalawa." tipid itong ngumiti sa kanya.

Parang may mga karayom na tumutusok sa dibdib niya nang makita niya ang itsura ni Apollo. Alam niyang hindi na tubig ng ulan ang mga nasa pisngi nito. Alam niyang umiiyak ang binata pero hindi niya alam kung bakit at para saan ang iyak na iyon.

"Are you crying?" tanong niya at nagsimula na siyang maglakad palapit sa binata.

Umiling lang siya.

"Why? Why are you crying, Apollo?" buti na lang at hindi siya pumiyok nang muli niya itong tanungin.

Hindi siya sinagot ng binata sa kanyang tanong.

"Please tell me, Apollo. Bakit ka umiiyak?" nagmamakaawa ng tanong niya sa binata.

Gusto niyang marinig ang sagot ni Apollo. Gusto niyang marinig mula sa binata kung bakit ito umiiyak.

"Umiiyak ako kasi nasasaktan ako. Nasasaktan ako, Astraea. Alam mo kung bakit? Because I've seen you together! Ito na ba ang karma ko sa lahat ng mga ginawa ko sa'yo at sa kaibigan ko?"

Apollo Zapata [COMPLETED]Where stories live. Discover now