APOLLO ZAPATA VII

215 41 30
                                    

Parang poste na naka-tayo si Astraea habang yakap siya ni Apollo. Hindi ito maka-galaw at walang boses na gustong lumabas sa bibig niya.

"Sorry. . ." paulit-ulit na bulong sa kanya ng binata habang yakap siya nito.

"A-Apollo," nauutal na sambit niya nang maramdaman niyang parang may kung anong tumulo sa balikat niya na mainit na likido. Nagulat naman siya nang makarinig ito nang mahinang hikbi mula sa binata. Umiiyak ba siya? Gusto niya itong tanungin kung umiiyak ba ito pero naunahan siya nito. "Kailan mo ba ako mapapatawad? Totoo ba lahat nang sinabi mo kanina? Kinalimutan mo na ako? Hindi mo na ako mahal, Astraea?" mahinang tanong nito na silang dalawa lang ang makaka-rinig.

"Apollo. . ." naramdaman naman niya na humigit ang pagkaka-yakap sa kanya ni Apollo.

"Can we go back?" tanong sa kanya ng binata habang naka-yakap pa rin ito sa kanya. "to the time that we're happy?"

Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Astraea nang marinig niya iyon mula sa binata.

May pag-asa pa kaya kaming dalawa na bumalik sa dati? Magiging maayos pa rin kaya kami matapos ang lahat nang nangyari sa amin?

Napalingon naman siya sa binatang naka-yakap sa kanya nang bumigat ang ulo nito sa mga balikat niya at medyo kumalas ang pagkakayakap nito sa kanya. Hindi na siya nagulat nang makita niyang nakapikit ang mga mata nito at malalim ang paghinga niya. Nakatulog na siya.

Lumapit naman sa kanila ang kaibigan ni Apollo at tinulungan siyang alisin si Apollo sa pagkaka yakap sa kanya. "Uuwi na kami. Pagpa-sensyahan mo na 'tong kaibigan ko. Alam mo naman pag nasobrahan siya sa alak, umi-iba ang takbo ng utak niya at kung ano-ano ang nagagawa niya pag lasing siya." sabi sa kanya ni Triton at nagsimula na silang mag-lakad pabalik sa motorsiklong nakaparada sa harap ng kanilang bahay.

Hindi pa nakaka-layo sa kanya ang dalawa nang tawagin niya ang mga ito kaya napatigil si Triton ganun din si Apollo na nasa tabi niyo at akay niya.

"Anong sinabi mo?" Hindi maka-paniwalang tanong sa kanya ni Triton.

Inikot lang naman niya ang mga mata nito at muli niyang sinabi ang mga katagang binitawan niya kani-kanina lang. "Ang sabi ko, dito na kayo matulog." walang emosyon na saad nito.

May ngiti naman na sumilay sa mga labi ni Triton nang marinig nito ang sinabi ng dalaga.

"Huwag ka ngang ngumiti diyan!" pagsusungit sa kanya ni Astraea. "ini-imbitahan ko kayo sa bahay ko dahil malalim na ang gabi at mukhang uulan. Baka maulanan kayo sa daan at madisgrasya." saad niya at saka nauna na itong pumasok sa loob ng gate.

Kunwari pang galit ang isang 'to pero ang totoo nag-a-alala lang naman siya kay Apollo.

Napapa-iling na lang si Triton na sumunod sa kanya habang hawak nito sa isang braso si Apollo at ang isa naman niyang kamay ay naka-hawak sa bewang ng kaibigan niya para hindi sila tuluyang matumba dahil malaki ang katawan ni Apollo.

"Dito talaga kami matutulog?" Hindi maka-paniwalang tanong ni Triton sa dalaga pagka-pasok nila sa bahay.

"Oo, kaya huwag na kayong maarte. Magpasalamat na lang kayo ng kaibigan mo at pinatuloy ko pa kayo sa bahay ko." umirap ito sa kanya. "sige na, ipahiga mo na diyan iyang lasing na Sperm na iyan at kukuha ako ng malinis na bimbo at tubig para malinisan siya." maglalakad na sana ito paalis ng tawagin siya ni Triton.

"Astraea," naka-kunot naman ang noo nito na napalingon sa binata. "ikaw ba ang maglilinis sa kanya?" tanong nito at saka nilingon niya ang naka-akbay sa kanyang si Apollo.

Inirapan naman siya ng dalaga bago ito sumagot. "Hindi niya ako katulong para pagsilbihan ko siya. Anong silbi mong kaibigan kung hindi mo siya lilinisin 'di ba?" nang sabihin iyon ni Astraea sa kanya ay nawala na ito sa harap niya kaya napa-tingin na lamang siya sa dalawang mahahabang sofa sa sala kung saan doon daw sila matutulog ng kaibigan niya.

Agad naman niyang pinahiga sa sofa ang kaibigan nito at siya naman ay pumunta sa isa pang mahabang sofa para doon din humiga.

Napa-buntong hininga na lamang siya nang maka-higa ito. "panibagong araw na naman bukas." pagka-sabi niya iyon ay siya namang pagpikit ng kanyang mga mata at nilamon na siya ng antok.

Habang nasa kusina si Astraea para kumuha ng panlinis kay Apollo ay naalala niya ang sinabi sa kanya ng binata kanina.

"Can we go back to the time that we're happy?"

Malalim na paghinga na lamang ang ginawa niya at saka ito humawak sa sink ng lababo kaharap ang isang maliit na palanggana na nilalagyan nito ng tubig galing sa gripo.

"Ang hirap naman ng tanong mo sa akin Apollo." mahinang bulong nito at saka niya pinatay ang gripo dahil malapit nang mapuno iyong palanggana.

Nagulat naman siya nang pagka-kuha  niya sa palanggana ay biglang kumulog at sinabayan pa nito ng kidlat sa labas ng kanilang bahay. Umuulan na naman ng malakas.

Habang naglalakad siya pabalik sa kanilang sala ay tumatakbo sa isip niya ang mga tanong ni Apollo kaninang yakap siya nito.

"Kailan mo ba ako mapapatawad? Totoo ba lahat nang sinabi mo kanina? Kinalimutan mo na ako? Hindi mo na ako mahal, Astraea?"

Napa-buntong hininga na lamang siya. Ang totoo may mga sagot na siya sa ilang mga tanong sa kanya ng binata kanina pero, mas pinili na muna niyang huwag sagutin ang mga tanong nito. Mas mabuti siguro kung sasagutin niya lamang ang mga ito pag handa na talaga siyang sabihin sa binata lahat.

Nang makarating siya sa kanilang sala ay napa-iling na lang ito nang makita niyang tulog na rin si Triton. Lumapit naman ang dalaga sa kinaroroonan ng dalawa at tiningnan ang mga ito.

Umiling na lamang siya at kumuha ng dalawang kumot sa kwarto niya at kinumutan ang mga ito pero bago niya kinumutan si Apollo ay lininis na muna niya ito.

Habang pinupunasan niya ang mukha ng binata ay hindi niya maiwasang mapa-ngiti. Halos dalawang buwan niya ring hindi nakita ng malapitan ang mukha ng kasintahan. Oo, galit nga ito sa kanya pero may parte pa rin sa puso niya na na-mi-miss nito ang binatang nasa harap niya ngayon.

Nagulat naman si Astraea nang magsalita si Apollo kaya agad nitong binitawan ang kamay nitong pinupunasan niya.

"Astraea. . ." naka-hinga naman ng maluwag ang dalaga ng makitang nagsasalita ito habang natutulog. "Please," mahinang bulong nito. "please, forgive me. Huwag mo akong iiwan." habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay pabaling-baling ang ulo nito. Kaya naman ang ginawa niya ay hinawakan nito ang kamay ni Apollo para pakalmahin. Mukhang na-na-naginip ito.

"Sshhh," pagpapatahan niya sa binata at hinaplos niya ang likod ng kamay nito. Nagulat naman siya nang makita niyang may mga luhang tumulo sa gilid ng mga mata ng binata.

"Mom. . . Dad. . .," umiiyak na sambit nito habang naka-pikit pa rin ang mga mata at pabaling-baling ang ulo nito sa magkabilang direksiyon. "please," nagmamaka-awa ang boses nito. "don't leave me. I'm not a murderer."

Parang may pumupunit sa dibdib ni Astraea nang may mga ilang butil ng luha ang bumagsak sa gilid ng mga mata nito. Humigpit naman ang hawak niya sa kamay nito nang makita niyang hindi tumitigil sa pag-iyak ang binata.

"Apollo," tawag niya rito at saka niya hinawakan sa pisngi ang binata at pinunasan ang mga luhang naglandas sa mga pisngi nito.

Tumigil naman sa pag-iyak si Apollo at unti-unti nitong binuksan ang kanyang mga mata at napa-tingin ito sa direksyon ng dalaga na nasa tabi nito.

"Astraea," mapupungay ang kanyang mga mata na napatingin sa gawi ni Astraea.

Agad namang tumayo sa pagkaka-upo niya ang dalaga nang makitang nagmulat ng kanyang mga mata si Apollo.

"Ito pala ang kumot," saad ni Astraea at ibinato niya sa paanan ni Apollo ang hawak niyang makapal na kumot. "Sige, matutulog na rin ako." paalam niya at nagsimula na itong maglakad nang mapatigil siya nang pinigilan siya nito.

"Don't leave me."

Apollo Zapata [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz