APOLLO ZAPATA XVIII

117 6 0
                                    

Lakad-takbo ang ginagawa ni Astraea habang papasok siya sa paaralan. Ngayong araw kasi ay kanilang pagsusulit sa lahat ng asignatura pero malas niya dahil tanghali na siyang nagising kanina kaya nagmamadali siya ngayong pumasok dahil baka hindi siya papasukin pag nauna nang pumasok ang kanilang guro.

Paakyat na siya ng hagdan nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya kaya napalingon siya rito.

Napa-irap na lamang siya sa hangin nang makita niyang si Hades pala tumawag sa kanya.

"Do you avoid me, Astraea?"

Halos mawala na ang kulay  itim sa mga mata ni Astraea nang inirapan niya ang binata.

"Can we talk?" tanong muli sa kanya ni Hades.

"Hades, we're done. Wala na tayong dapat pag-usapan pa." sagot niya at tinalikuran na niya ang binata at magsisimula na sana siyang mag lakad palayo sa binata nang magsalita muli ito.

"Hihintayin kita mamayang uwian. Whether you like it or not. We will still talk." pagkasabi iyon ni Hades ay nauna na itong umalis at naiwan siya sa may hagdan.

Napatingin naman siya sa kanyang pambisig na oras an nang marinig niyang tumunog na ang school bell.

"Shit!" napamura na lamang siya at agad na tumakbo papunta sa second floor kung nasaan ang room Nila nang maalala niyang may exam pa pala sila.

Buti na lamang at sabay silang pumasok ng kanyang guro kaya nakapag-take pa siya ng exam.

Ilang oras din ang itinagal nila sa loob ng silad bago nila tapos ang kanilang exam. Dahil half day lang sila ngayon didiretso na muna siya sa hospital para bantayan si Apollo.

Habang inaayos niya ang kanyang mga gamit ay nakatanggap siya ng text mula sa kaibigan niyang si Mya na sasama raw ito sa hospital upang matingnan ang kalagayan ni Apollo.

Nang matapos iligpit lahat ni Astraea ang kanyang gamit ay lumabas na siya. Halos mapatalon siya ng gulay nang biglang lumitaw sa harap niya si Hades.

"Tara na." Ani ni Hades.

"Mauna ka na. Kasama ko si Mya na uuwi." sagot niya at nauna nang maglakad.

Narinig niya pang napa-tsked si Hades bago ito sumunod sa kanya.

Napahinto naman si Astraea at nilingon ito.

"Huwag mo nga akong sinusundan!" inis na wika niya sa binata.

"What?" kunot noong tanong niyo sa kanya.

"I said, don't follow me." tinalikuran na nito ang binata at mulling nag lakad.

Narinig naman niyang tumawa ito na lalong ikinainis niya.

"I don't follow you, miss Querubin. Sadyang iisang daan lang ang dinadaan natin sa pasilyo na 'to. Huwag kang feeling." pinipigilan ni Hades na huwag matawa.

"Whatever, Fernandes." aniya at saka binilisan niya ang lakad pababa ng building.

Nang malapit na siya sa gate ay tinawagan naman niya si Mya. Nakakadalawang ring pa lang ay agad naman na sinagot ng kaibigan niya ang tawag.

Apollo Zapata [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon