APOLLO ZAPATA VIII

208 41 28
                                    

Habang nakatayo at nakatingin ang dalaga sa binata na nakahiga at hawak ang kamay niya ay parang sinasakal ang puso niya. Nag-i-init ang sulok ng mga mata niya habang nakatingin siya kay Apollo na nagmamakaawang huwag siyang umalis.

"Please... " mahinang saad nito sa dalaga habang may naglalandas na luha sa gilid ng mga mata nito. "just stay, Astraea." humigit ang hawak nito sa kamay ng dalaga.

Napa-pikit na lamang ng mariin si Astraea.

"Please..." halos pabulong na saad nito. "Just this once , Astraea. Pangako... " pinisil nito ang kamay ng dalaga. "pagkatapos ng gabing ito hindi na ako magpapakita sa'yo. Kagaya nga ng gusto mong mangyari, magpapakalayo ako."

Sa hindi inaasahan nag landas sa pisngi niya ang luhang kanina niya pa pinipigilan bumagsak.

Bakit siya umiiyak? Bakit parang dinudurog ang puso niya sa sinabi ng binata sa kanya?

Hindi ba dapat nagsasaya siya dahil hindi na magpapakita sa kanya si Apollo? Pero, bakit nasasaktan siya ngayon?

"Just stay with me tonight, Astraea. Kahit ngayong gabi lang. Please?"

Wala sa sarili si Astraea na lumapit sa kanya at dumukwang ito para halikan niya sa noo ang binata.

"Promise, hindi ako aalis."

Kinaumagahan ay nagising si Apollo dahil sa biglaang paghalukay ng kanyang sikmura. Pagbangon nito ay nawala agad ang paghalukay ng kanyang sikmura nang makita niya kung sino ang nasa tabi niyang natutulog.

"Ibig sabihin hindi ako nananaginip kagabi?" tanong niya sa sarili habang ang mga mata niya ay nasa dalagang naka-upo sa sahig at ang mga kamay, braso at ulo nito ay nakapatong sa sofa kung saan siya natulog.

Agad naman siyang tumayo at binuhat ang dalaga at pinahiga ito nang maayos sa sofa. Nilagyan niya ito ng kumot at saka pinakatitigan na muna niya ang mukha ng dalaga.

Umangat ang mga kamay ni Apollo papunta sa pisngi nito. "Salamat at pinagbigyan mo ang aking hiling kagabi. Sana sa aking paglisan ay maging masaya ka na."

Nakangiti ngunit malungkot ang mga mata niya habang nakatingin ito sa natutulog na dalaga. Ilang araw na lang kasi ay aalis na siya. Aalis na siya gaya ng gustong mangyari ng dalaga. Ayaw kasi ni Astraea na makita pa muli ang presensiya na kaya naman, nagdesisyon na lamang itong umalis at magpakalayo-layo. Naisip kasi niya na sa bawat segundo ay nasasaktan pa rin ang dalaga sa tuwing nakikita siya nito dahil naaalala pa rin ng dalaga ang nangyari sa kapatid nito na siyang sinisisi nito.

Sa huling sandali ay lumapit si Apollo sa dalaga at marahan niya itong hinalikan sa noo. Sa kanyang paghalik ay may ilang butil ng luha ang lumabas sa mga mata niya.

"Paalam mahal ko."

Nang matapos magpaalam si Apollo sa natutulog na si Astraea ay kanya namang hinanap ang kanyang kaibigan na agad naman niyang nakita. Naka-upo ito sa isang mahabang sofa at matiim na nakatingin ito sa direksyon nila.

"Aalis ka?" agad na tanong nito sa kanya.

Tumango lang naman siya at saka ito tumayo at nagsimulang naglakad papunta sa pintuan ng bahay.

"Saan ka naman pupunta?" tanong nito habang nakasunod ito sa kanya.

Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko alam."

Nang makalabas sila ng bahay ay nagbubukang liwayway na. Buti na lang at hindi pa gising ang mama ni Astraea kundi makikita sila nito.

"Bro, seryoso kasi!" padabog na wika nito. "aalis ka ba talaga o nagda-drama ka na naman sa harap ng natutulog mong syota?"

"Seryoso ako, Triton." wika niya. "Mas makakabuti kay Astraea ang pag-alis ko. Para rin naman sa aming dalawa 'to. Kung patuloy akong nandito at nakikita niya ako, masasaktan ko lang siya. At ayaw kong mangyari iyon. Alam mo naman na ayaw na ayaw kong nasasaktan ang mga taong mahal ko. Kaya kung may pagkakataon aalis ako. Aalis ako dahil ayaw ko siyang masaktan pa lalo pa't alam kong ako ang dahilan ng bawat pag-iyak niya."

Nagising si Astraea nang may liwanag na tumama sa kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at napa-tingin sa bintana na nakabukas kung saan tumatawa rito ang sikat ng araw.

"Anong oras na ba?" tanong niya at saka ito humikab.

Gumuhit ang dalawang linya sa kanyang noo nang mapansin niyang wala siya sa kanyang kwarto. Napadako naman ang kanyang paningin sa kumot na nakabalot sa kanya.

Humigpit ang hawak niya rito nang maalala niya ang nangyari kagabi. Agad naman siyang umalis sa sofa at dumeretso sa kusina. Nagbabakasali itong nandoon si Apollo.

Pagtapak niya sa kusina ay bumagsak ang balikat niya. Walang Apollo sa kusina maliban sa mama nitong nagluluto ng almusal.

Naglakad naman siya palapit sa mama niya at agad niyang niyakap ang kanyang ina mula sa likuran.

"Good morning, sweetheart." masayang wika ng kanyang ina at saka ito humarap sa kanya para halikan siya sa ulo.

Ngumiti naman siya ng matipid.

"Nag-usap ba kayo ni Apollo bago siya umalis kanina?" iyon agad ang lumabas sa bibig niya.

Napansin naman niya ang pagsalubong ng dalawang kilay ng kanyang ina.

"Apollo Zapata?" kunot noong tanong nito sa kanya.

Nag-aalangan pa ito bago siya tumango.

"Wala akong nakitang Apollo Zapata kanina rito sa loob ng bahay." sagot nito at tinignan siya ng diretso ng kanyang ina sa kanyang mga mata. "May hindi ka ba sinasabi sa akin, Astraea?"

Huminga naman ng malalim si Astraea bago niya ikinuwento ang nangyari kagabi kung bakit nasa bahay nila si Apollo at ang isang kaibigan nito.

"E, ano namang sinagot mo sa mga tanong niya sa'yo kagabi?" tanong nito habang naka-upo sila sa harap ng hapagkainan.

Umiling lang siya.

"Bakit wala?!" Hindi makapaniwalang tanong sa kanya ng ina niya.

"Ma, lasing siya kagabi. Ayaw ko namang sagutin siya kung alam kong kinaumagahan ay hindi niya maalala kung ano man ang pinag-usapan namin. Kakausapin ko naman talaga siya pag handa na ako pero hindi pa sa ngayon. Hindi ko pa kaya." wika niya at saka kinuha niya ang kamay nitong hawak ng kanyang ina.

"Kailan ka pa maghahanda, anak? Pag huli na ang lahat? Pag wala na siya sa'yo?"

Napatigil siya sa pagkain sa sinabi ng kanyang ina at saka naalala niya ang sinabi sa kanya ng binata kagabi.

"Pangako... pagkatapos ng gabing ito hindi na ako magpapakita sa'yo. Kagaya nga ng gusto mong mangyari, magpapakalayo ako."

Apollo Zapata [COMPLETED]Where stories live. Discover now