APOLLO ZAPATA X

175 27 33
                                    

"Subalit, hindi ko alam ang aking gagawin pag ika'y lumisan. Ayaw kong umalis ka Apollo. Dito ka lang." nang bitawan ng dalaga ang mga salitang iyon ay hindi makapaniwala si Apollo.

Lalo siyang nagulahan.

"Pero ang sabi mo sa'kin ayaw mo na akong makita. Kinalimutan mo na nga ako 'di ba? Hindi mo na ako mahal! Tapos, ano 'to? Ayaw mo akong umalis?" hindi makapaniwalang tanong ni Apollo sa kanya at tumawa ito ng mapakla. "Astraea, para naman sa ikakabuti nating dalawa iyong pag-alis ko. Pag nandito ako at nakikita mo pa rin ako lalo lang nating nasasaktan ang isa't isa."

"Mahal pa rin kita."

Naka-kunot ang noo ni Apollo na napatingin sa kanya.

"Anong sinabi mo?" mahinang tanong niya sa dalaga.

"Mahal pa rin kita, Apollo." Pag-uulit nito.

Umiling si Apollo.

Imposibleng mahal pa rin siya ng dalaga matapos ang kasalanan na kanyang nagawa.

"Nagpapatawa ka lang. Hindi ba sinabi mo nga sa akin kasama na ang mga kaibigan ko na kinalimutan mo na ako bilang boyfriend mo? 'Di ba hindi mo na ako mahal?"

"Oo, kinalimutan nga kita bilang kasintahan ko pero wala akong sinabing hindi na kita mahal. Oo nga't kinalimutan kita, pero iyong nararamdaman ko para sa'yo?" tiningnan siya ng dalaga. "nandito pa rin." Itinuro nito ang kanyang dibdib. "Hindi naman ibig sabihin na kinalimutan na kita bilang kasintahan ko ay kakalimutan ko na rin ang nararamdaman ko sa'yo. Inaamin ko, galit ako sa'yo, pero kahit gaano pa ako sa'yo kagalit, Apollo hindi kaya ng puso ko na alisin iyong pagmamahal na nararamdaman ko para sa'yo." Habang nakatingin ang dalaga sa kanyang mga mata at sinasambit ang mga katagang iyon ay may mga luhang naglandas sa mga pisngi nito.

Hindi alam ni Apollo ang kanyang isasagot sa dalaga kaya naman nakita na lamang niya ang sarili na inisang hakbang ang pagitan nila at saka niya hinila ang dalaga palapit sa kanya at saka niya ito niyakap ng mahigpit.

Nang niyakap niya ang dalaga ay yumakap rin pabalik ito sa kanya.

Isang yakap na para bang ayaw siyang pakawalan nito.

"Please, huwag kang umalis." Umiiyak na saad nito habang yakap siya ng dalaga at nasa kanyang dibdib ang mukha nito.

Hindi niya sinagot ang dalaga at niyakap lang niya ito at hinaplos ang mahaba at malambot nitong buhok.

Hindi pa sana sila maghihiwalay sa kanilang pagkakayakap kung hindi pa tumunog ang school bell hudyat na magsisimula na ang klase.

"Astraea. . ." tawag niya sa dalagang nakayuko at nakasandal sa kanyang dibdib ang ulo nito.

"Please. . ." mahinang bulong nito habang nakayuko. "don't leave me." Wika nito at saka unti-unti nitong iniangat ang kanyang ulo para tingnan siya.

Parang nadudurog ang puso ni Apollo habang nakatingin siya rito. Tumigil na ito sa pag-iyak pero makikita mo pa rin sa mga mata niya ang sakit na nararmdaman niya ngayon. Namumugto ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

"Please?" bumuntong hininga si Apollo nang marinig niya muli ang boses ng dalaga na parang bang nagmamaka-awa ito sa kanya.

Imbes na sagutin niya ang dalaga isang ngiti lang ang ibinigay niya rito dahil hindi niya alam kung anong isasagot niya lalo pa't naguguluhan siya sa mga sinabi sa kanya ng dalaga kanina lang.

"Let's go, magsisimula na iyong first subject natin." Nang sabihin niya iyon ay nauna na siyang naglakad papunta sa klase nila at habang si Astraea naman ay nakasunod sa kanya.

Tahimik lang silang naglalakad hanggang sa makarating sila sa klase nila.

Hindi na niya nilingon pa ang dalaga nang maka-upo siya sa kanyang upuan.

Apollo Zapata [COMPLETED]Where stories live. Discover now