APOLLO ZAPATA XVI

150 12 6
                                    

"Bakit Astraea? Nagkabalikan na ba kayo? Dahil ba naaalala na niya lahat? Kayo na ulit? Kaya ba hindi mo na ako binibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag sa'yo sa nangyari sa kapatid mo kasi, kayo na ulit? Wala na ba akong papel diyan sa buhay mo? Sa puso mo?"

Napatigil si Astraea sa kanyang paglalakad dahil sa mga sinabi ni Apollo. Hindi niya inaasahan ang mga sinabi nito sa kanya.

"A-Apollo. . ." nauutal na wika niya sa binata.

"Sige na, umuwi ka na. Alam kong may bisita ka pa." pagkasabi iyon ni Apollo ay tumalikod na ito sa kanya at nagsimula nang maglakad palayo.

Napayuko na lamang siya nang makita niyang papalayo na ang binata. Ilang segundo rin siya sa lagay na iyon nang makakita siya ng liwanag sa hindi kalayuan at palapit ito nang palapit sa kanya.

Hindi kalaunan ay napagtanto niya kung saan galing ang liwanag na iyon. Isang mabilis na sasakyan pala ang may ari ng liwag na iyon at papunta ito sa kanyang direksyon.

Hindi niya alam ang kanyang gagawin kaya naman napasigaw na lamang siya ng malakas. Ilang metro na lang ang layo ng sasakyan sa kanya nang marinig niyang may sumigaw sa pangalan niya kaya napalingon siya sa lalaking tumatakbo papunta sa direksiyon niya.

"Astraea!" buong lakas na sigaw ni Apollo sa pangalan niya at mabilis siya nitong tinulak papunta sa kabilang lane ng kalsada.

Kasabay nang pagtulak sa kanya ni Apollo ay siya rin namang pagkabangga nito.

"Apollo!" sigaw niya at napatakip na lamang siya sa kanyang bibig nang makita niyang naliligo na ito sa sarili nitong dugo.

Lalo pang lumakas ang buhos ng ulan kasabay ng kanyang pag-iyak.

Dahan-dahan naman siyang tumayo at nilapitan ang binata.

"Apollo, wake up!" Umiiyak ito habang hawak niya ang mukha ng binata na nababalutan ng maraming dugo.

"Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw niya sa gitna ng ulan.

Ang kaninang sasakyan na nakabangga sa binata ay agad na umalis kaya't silang dalawa lamang tao ngayon sa kalsada.

"Apollo!" yugyog niya sa balikat ng binata.

"Tulong! Tulungan niyo kami." ang kaninang malakas na sigaw niya ay paunti-unting humina dahil sa kanyang pag-iyak.

Nasa gano'ng posisyon si Astraea nang may isang sasakyan ang tumigil sa tapat nila.

"Anong nangyari sa kanya?!" gulat na tanong ni Hades sa dalaga kaya napatingin siya rito.

"Hades, d-dalhin natin sa hospital s-si Apollo." nanginginig ang boses niya nang sagutin niya si Hades.

Hindi na alam ni Astraea kung paano sila nakarating sa hospital. Ang alam lang niya ay tinulungan siya ni Hades na dalhin sa hospital ang walang malay na si Apollo.

Nasa labas sila ng emergency room na dalawa nang nagsidatingan naman ang mga kaibigan ni Apollo.

"Astraea!" tawag sa kanya ni Triton nang makita siya nito.

"Where's Zapata?" agad na tanong naman sa kanya ni Zeus.

"Nasa loob ng ER. Mag-iisang oras na rin nang pinasok siya roon." pinipigilan niya na huwag umiyak pero taksil ang mga luha niya.

"Ano ba kasing nangyari? Paanong nabangga siya?" mahinahong tanong ni Khaos sa kanya.

Sasagutin na sana niya ito nang bumukas ang pintuan ng emergency room kaya napatingin sila lahat dito.

"Nasaan iyong parent o guardian ng pasyente?" tanong ng babaeng kalalabas lang dito.

Magsasalita na sana siya nang unahan siya ni Hades na nakatayo malapit sa pinto ng emergency room.

Apollo Zapata [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon