APOLLO ZAPATA XIII

137 12 6
                                    

“Lahat naman ng bagay pwedeng ayusin e. Pero hindi ibig sabihin na naayos na ay kagaya pa rin kayo ng dati.” Natahimik silang lahat nang sabihin iyon ni Hector.

"Bro, para saan naman iyong hugot mo?" natatawang tanong sa kanya ni Achilles.

"May pinagdadaanan ka rin ba gaya nitong si Zapata?" sunod na tanong sa kanya ni Khaos.

Inirapan lang sila ni Hector.

Nawala naman ang atensiyon nila kay Hector nang tumayo si Apollo.

"I have to go. May pupuntahan pa ako." Hindi na niya hinintay pa na makasagot ang mga kaibigan niya at lumabas na lamang ito.

Pagkalabas niya sa café na iyon ay agad siyang sumakay sa motor niya at pinaharurot ng mabilis sa lugar na iyon.

Mabilis ang pagpapatakbo niya kaya ramdam ni Apollo ang pagdami ng hangin sa balat niya. Alas-dose pa lang ng tanghali kaya ramdam niya ang init na tumatama sa balat niya ngayon.

Papunta siya ngayon sa lugar kung saan namatay ang kapatid ni Astraea. Iyon lang kasi ang kaisa-isang lugar na alam niyang pwede niyang puntahan kung may iniisip siya kagaya na lamang ngayon.

Nang makarating siya sa lugar na iyon ay agad siyang bumaba sa kanyang motorsiklo at tinungo ang mabuhangin na ilog.

May malaking puno na malapit sa ilog kaya doon muna siya pumunta para sumilong. Habang naka-upo siya sa lilim ng puno ng Balete ay natatanaw nito ang mala-kristal na kulay ng ilog at mala-bulak na ulap sa kalangitan.

Habang nakatingin siya sa ilog ay hindi niya maalis sa kanyang isipan ang sinabi ng dalaga sa kanya kanina.

"Mahal pa rin kita, Apollo."

Oo, kinalimutan nga kita bilang kasintahan ko pero wala akong sinabing hindi na kita mahal. Oo nga’t kinalimutan kita, pero iyong nararamdaman ko para sa'yo? Nandito pa rin. Hindi naman ibig sabihin na kinalimutan na kita bilang kasintahan ko ay kakalimutan ko na rin ang nararamdaman ko sa’yo. Inaamin ko, galit ako sa’yo, pero kahit gaano pa ako sa’yo kagalit Apollo, hindi kaya ng puso ko na alisin iyong pagmamahal na nararamdaman ko para sa’yo.”

Napabuga ito nang marahas.

"Ano nang gagawin ko ngayon?" mahinang bulong niya sa sarili at nilagay nito ang isang braso sa likod ng kanyang ulo para gawing unan.

Habang nag-iisip ito kung ano ang kanyang gagawin ay tumunog ang cellphone niya na nasa bulsa.

Isang mensahe iyon na galing sa kanyang kaibigan na si Triton.

From: Triton

Nasaan ka ngayon? May klase pa tayo.

Hindi niya ito sinagot at pinatay na lamang ang cellphone niya.

Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at lumapit sa ilog.

Habang papalapit siya sa ilog ay parang may mga litratong tumatakbo sa isipan niya. Isang litrato ng batang lalaki. Si Dwight.

Masaya itong nagtatampisaw sa ilog hanggang sa bigla siyang nawala.

Napasabunot na lamang sa kanyang buhok ang binata at saka ito umupo sa paraan na hindi mababasa ang pwetan niya ng tubig mula sa ilog.

"Dwight, kumusta ka na?" tanong niya sa malawak na ilog na nasa kanyang harapan.

"Sorry kung hindi ka nailigtas ni kuya." naiiyak na saad niya.

Napayakap naman siya sa sarili nang maramdaman niyang biglang lumamig ang simoy ng hangin.

"Dwight, nandito ako para magpaalam. Aalis na si kuya Apollo. Magpapakalayo na ako. Pero, may hiling lang ako. Sana sa pag-alis ko ay bantayan mo ng mabuti ang ate mo." pagkasabi iyon ni Apollo ay tumayo na ito at nagsimulang maglakad paalis ng lugar na iyon.

Apollo Zapata [COMPLETED]Where stories live. Discover now