WAKAS

220 8 0
                                    

"This Christmas let's learn to forgive and ask forgiveness to those who have hurt us and those who hurt us." sermon ng pari sa mga taong nakikinig sa kanya sa loob ng simbahan pagkatapos ng kanyang misa. "Again, Merry Christmas."

Nang matapos ang midnight mass na pinuntahan nila Apollo at Astraea ay lumabas na sila ng simbahan.

Pagkalabas na pagkalabas nila sa simbahan ay agad na bumungad sa kanila ang maingay na kalsada. May mga nangangaroling, nagpapaputok at ang iba ay nagtitinda ng iba't ibang kakanin sa labas ng simbahan.

Masaya naman ang dalawa na tinahak ang bahay nila Apollo para doon mag Noche Buena.

Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nang lumabas sa hospital ang binata at sa awa ng Diyos ay mabuti na ito at naghihilom na ang kanyang mga sugat. Sa loob ng dalawang linggo ay hindi iniwan ni Astraea kasama ang mga magulang ni Apollo at ang ibang mga kaibigan niya sa pag galing niya. Kasama niya rin ang mga ito na pumuntang simbahan para sa siyam na araw ng simbang gabi. At ngayong gabi ay si Astraea lang ang kasama niyang naki-midnight mass dahil ang mga magulang nila ay nagluto ng kanilang handa at ang kanyang mga kaibigan ay nasa kani-kanilang bahay upang sabay-sabay silang mag noche buena kasama ang kanilang mga pamilya.

"Mabuti na lang at magaling ka na. Akala ko noon hindi ka na magigising." magkahawak kamay sila habang nag-uusap.

"Bakit, payag ka ba na hindi na ako magising?" tanong ng binata.

Umiling lang naman si Astraea.

"Hindi ako papayag na hindi ka magising kasi madami akong gustong sabihin sa'yo." Saad ni Astraea at saka tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din si Apollo.

"Kagaya ng alin?" isang pilyong  ngiti ang ibinigay niya sa dalaga.

"Na mahal na mahal kita, Apollo."

Matapos sabihin iyon ni Astraea ang mga katagang iyon ay sakto namang sumabog sa madilim na kalangitan ang iba't ibang kulay ng fireworks.

Nagkatinginan naman sila at nagpalitan ng matatamis na ngiti.

"Merry Christmas." sabay na sambit nila at saka sila nagyakapan habang patuloy pa rin ang pag sabog ng iba't ibang kulay ng fireworks sa kalangitan.

"Mahal na mahal din kita, Astraea Querubin."

May ngiti sa mga labi ni Astraea nang sambitin iyon sa kanya ni Apollo. Walang pagsidlan ng saya ang nararamdaman niya ngayon. Sa wakas nagka-ayos na sila ni Apollo. Wala ng galit at hinanakit sa kanyang puso ngayong pasko.

~Wakas~

A/N:

Happy new year everyone! 💛

Apollo Zapata [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora