APOLLO ZAPATA XV

123 13 7
                                    

"Tol, ang ganda ni Astraea no?" tanong ni Apollo sa kanyang pinsan na si Hades habang naka-upo sila sa 'di kalayuan kung saan tanaw nila ang dalagang si Astraea.

"Kaklase mo siya 'di ba?"

"Oo, bakit?" kunot noong tanong niya sa binata.

"Ipakilala mo naman ako sa kanya." wika nito at saka siya nito nilingon.

"Huh?"

Tumawa naman si Hades sa itsura ni Apollo.

"Anong huh? Tol, gusto ko siyang makilala. Gusto ko siyang ligaw an. At higit sa lahat gusto ko siyang maging girlfriend." naka-ngiting saad nito.

Hindi agad nakasagot si Apollo sa kanyang narinig.

Ibig sabihin, may gusto rin ang pinsan niya sa babaeng gusto niya?

"Ano, Apollo? Ipapakilala mi ba ako sa kanya? Wala ka naman sigurong gusto sa kanya hindi ba?" seryosong wika ni Hades sa kanya.

Wala sa sarili niya na napatango siya.

"Syempre, wala akong gusto sa kanya! Nagagandahan lang ako sa kanya pero wala akong gusto sa kanya." peke itong tumawa at saka ito tumayo sa kanyang kina-uupuan.

"Sige, mauna na ako sa'yo." paalam niya sa kasama.

Pero bago pa siya tuluyang maka-alis ay may sinabi na muna sa kanya ang kanyang pinsan.

"Apollo, ang sa akin ay sa akin lang." ma-awtoridad na saad nito.

Tumango naman siya. Alam na niya kung anong ibig sabihin ni Hades sa mga katagang iyon.

Habang naglalakad sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan si Apollo ay naaalala niya ang mga panahon na magkasama sila ng kanyang pinsan na si Hades.

Mga panahon kung saan siya ang naging tulay para magkakilala si Hades at ang babaeng matagal na niyang gusto.

"Ito na ba ang karma ko? Karma ko sa pag-agaw sa taong mahal ng pinsan ko?" mahinang sambit niya.

Habang patuloy pa rin siya sa paglalakad sa ilalim ng malakas na ulan ay muli niyang naalala ang araw na iyon.

"Astraea, anong nangyari? Kumusta si Hades?" nag-aalalang tanong niya sa dalagang umiiyak at duguan ang damit.

"Apollo. . ." iyak nito at saka siya yumakap sa binata.

"Sshhh. . .tahan na. Magiging maayos din ang lahat." sambit niya at saka hinagod sa likod ang dalaga upang pakalmahin ito mula sa kanyang pag-iyak.

Umupo muna sila sa upuan malapit sa emergency room para hintayin ang Doctor na tumingin kay Hades.

Habang naka-upo sila ay isinandal naman ng dalaga ang kanyang ulo sa balikat niya at nagsimulang nag kwento.

Habang nagkwe-kwento ito ay pabilis nang pabilis ang tibok naman ng puso niya.

"Pagkatapos niyang sagutin iyong tawag kanina ay bigla siyang lumingon sa akin at hindi tinitingnan ang daan na tinatahak namin. Nagulat na lamang ako nang isang sasakyan ang papunta sa amin kaya naman napatili ako ng malakas at niyakap naman niya ako ng mabuti. Hindi na niya nagawa pang hawakan ang manubela kanina. Basta niyakap na lamang niya ako ng mahigpit para hindi ako mapuruhan. And everything went black. Nagising na lang ako kanina na nasa hospital na ako. Apollo, anong gagawin ko? Paano kung may mangyaring masama kay Hades? Hindi ko kakayanin." umiiyak si Astraea habang nagkwe-kwento.

Apollo Zapata [COMPLETED]Where stories live. Discover now