APOLLO ZAPATA XX

146 5 0
                                    

Nanubig ang gilid ng mata ni Astraea nang makita niyang idinilat ng binata ang mga mata nito.

Hindi mapigilan ni Astraea ang pagpatak ng kanyang mga luha.

"Kuya Apollo, gising ka na!" masayang sambit ni Mya at lumapit ito sa kanila.

"A-Apollo..." nanginginig ang mga kamay ni Astraea na hinaplos muli ang pisngi nito.

Napangiti naman si Apollo at dahan-dahan nitong iniangat ang isang kamay niya upang hawakan ang mukha ng dalagang nasa harapan niya ngayon.

"Ssshhh... Why are you crying?" tanong nito sa kanya at saka pinunasan nito ang mga luhang naglandas sa pisngi niya.

Hinawakan naman ni Astraea ang kamay ni Apollo na nakahawak sa pisngi niya.

"Masaya lang ako dahil sa wakas gising ka na." nakangiting sagot niya sa binata habang tumutulo pa rin ang mga luha niya.

Nginitian naman siya ng binata.

"Apollo, nakikilala mo ba ako? Alam mo ba ang pangalan ko?" habang tinatagong ni Astraea ang binata ay may halo ng takot ang kanyang nararamdaman.

Paano kung hindi siya maalala ng binata? Paano kung mangyari ulit iyong nangyari sa kanya noong sila pa ni Hades?

"Astraea... "

Niyakap naman agad ni Astraea si Apollo nang mahigpit.

"Akala ko nakalimutan mo na ako. Akala ko hindi mo na ako kilala. " umiiyak na sagot niya sa binata at hinigpitan ang yakap niya rito.

Niyakap rin siya pabalik ni Apollo.

"Paano kita makakalimutan e, walang araw na hindi kita naiisip. Habang wala akong malay ikaw lang ang laman ng panaginip ko. Kaya araw-araw pinagdarasal ko na sana gumising na ako dahil alam kong ayaw mo pa akong mawala dahil hindi mo pa ako napapatawad sa nagawa kong kasalanan sa inyo ng mama mo. Kaya, puwede bang makalimutan kita?" mahinang sagot nito sa kanya.

Lumayo naman siya sa pagkakayakap nila ng binata.

"Matagal na kitang napatawad."

Kumunot ang noo ng binata.

"Iyong araw na pumunta ka noon sa bahay na lasing ka kasama si Triton? Iyong gabing iyon, napatawad na kita at tinanggap ang katotohanan na wala na nga talaga ang kapatid ko at alam kong may rason Siya kung bakit Niya kinuha ng maaga si Dwight." tipid na ngumiti si Astraea sa kanya.

"Ibig sabihin niyan hindi ka na galit sa akin?"

Umiling si Astraea.

"Thank you," inabot ni Apollo ang kamay niya.

Nginitian niya lang naman ng napakatamis ang binata.

Nawala ang mga ngiti nila sa kanilang mga labi nang marinig nilang umubo si Mya kaya napatingin sila rito.

"Nandito ako, o. May kasama kayo." inirapan ni Mya si Astraea at humalukipkip.

Natawa naman silang dalawa sa inasta ni Mya kaya tumayo na rin si Astraea mula sa pagkakaupo niya sa kama ni Apollo.

"Tawagin ko lang iyong, Doctor." paalam niya sa kasintahan pero bago pa siya makalabas ay tinapik na muna niya sa balikat si Mya. "bantayan mo muna iyang kuya mo."

Tumango lang naman si Mya bilang sagot.

Pagkalabas ni Astraea sa kwarto ay abot tenga ang mga ngiti niya. Masaya siya dahil sa wakas ay gising na si Apollo.

Habang tinatahak ni Astraea ang daan papunta sa nurse station ay napatigil siya sa paglalakad nang makasalubong niya si Hades.

"Bakit nandito ka? Di ba dapat nasa eskwelahan ka?" tanong niya rito.

Apollo Zapata [COMPLETED]Where stories live. Discover now