APOLLO ZAPATA XIX

121 7 0
                                    

Habang nag-uusap ang mga ito ay hindi nila alam na kanina pa pala nakikinig sa kanila si Apollo.

"Bakit ka pa bumalik?" boses iyon ni Zeus.

"Umalis ka na hindi ba? Bakit ngayon, bumalik ka pa?" hindi man nakikita ni Apollo ang itsura ni Zeus ay alam niya na sa tono pa lang ng pananalita nito ay galit siya.

"Sorry..."

Boses iyon ng kanyang pinsan na si Hades.

"Alam mo, ang daya mo. Kaibigan mo kami pero kinalimutan mo kami dahil lamang sa isang pagkakamali ng isang kaibigan natin. Anong klaseng utak meron ka? Tapos ngayon ang kapal ng mukha mong bumalik at magpakita sa amin?"

Gustong imulat ni Apollo ang kanyang mga mata ngunit hindi niya magawa.

"Kaya nga nandito ako para humingi ng kapatawaran. Alam kong mali ang ginawa kong paglimot sa inyong mga kaibigan ko. Ano, mapapatawad niyo ba ako?"

Gusto na niyang makita ang mga taong nagmamay-ari sa mga boses na kanyang naririnig ngunit ayaw makisama ng kanyang mga mata dahil pakiramdam niya ay mabigat ang talukap ng kanyang mga mata.

"Binibiro ka lang namin, Hades. Hindi naman kami nagalit sa'yo. Nagtampo, oo. Ang unfair mo kasi pare! Ang gwa-gwapo naman namin para makalimutan mo lang."

Napangiti siya nang marinig niya ang tawa ni Hector.

"Pero maiba tayo. Hindi ka bumalik dito para balikan si Astraea at kung ano man ang meron sa inyo dati bago mawala ang mga ala-ala mo?"

Si Achilles ang nagsalita. Ang chismosong kaibigan niya.

"Gustuhin ko mang bumalik kami ni Astraea sa anong meron man kami, alam kong malabo nang mangyari iyon. Sa bawat araw na nakikita ko siyang dumadalaw dito, nakikita ko sa mga mata niya kung gaano niya kamahal ang pinsan ko."

Parang may humaplos sa puso niya nang marinig niya ang sinabi ng kanyang pinsan.

"Ibig sabihin ba niyan hindi ka na galit kina Apollo at Astraea?" tanong ni Khaos.

"Mas galit ako sa sarili ko kasi kinalimutan ko ang babaeng mahal ko."

Ang kaninang may humaplos sa puso niya ngayon naman ay parang may tumusok. Naawa siya sa pinsan niya.

"Hanggang ngayon ba mahal mo pa rin si Astraea?" si Triton iyon. Ang matalik nitong kaibigan.

"Magsisinungaling ako pag sinabi kong hindi ko na siya mahal. Kung minahal mo o mahal mo ang isang tao hindi agad-agad mawawala iyong pagmamahal na iyon. Pero sa sitwasyon ngayon, kailangan ko ng pigilan at itigil kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya dahil wala na akong karapatan. Masaya na ako para kay Astraea at Apollo. Wala ng dahilan pa para manatili pa iyong nararamdaman ko para sa kanya."

Isang butil naman ng luha ang lumabas sa mga mata ni Apollo nang marinig niya ang sinabi ni Hades at kasabay nang pagbagsak ng kanyang luha ay ang pagbukas ng mga talukap ng kanyang mga mata.

Kulay puting kisame ang bumungad sa kanya at amoy ng iba't ibang gamot ang nanoot sa kanyang ilong.

"Mya, samahan mo akong bumili ng meryende sa canteen." rinig niyang wika ni Astraea.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya nang marinig niya ang boses ng babaeng pinakamamahal niya.

Narinig naman niya ang yabag ng kasintahan papunta sa kanyang direksiyon.

Palakas nang palakas ito hanggang sa may maaninag siyang mukha na nakatapat sa mukha niya. Hindi niya ito makita g mabuti dahil malabo ang pag tingin nito.

"A-Apollo..." sa boses na kanyang narinig ay napagtanto niyang si Astraea ito. "Tumawag kayo ng Doctor! Gising na si Apollo!"

Nakarimig naman siya ng ingay. Mukhang nagsitakbuhan ang mga kasamahan ni Astraea sa kwarto.

Sinubukan naman ni Apollo na i-angat ang kamay niya para haplusin ang mukha ng dalaga pero 'di niya nagawa dahil sa sobrang hina niya.

Naramdaman naman niyang hinawakan ng dalaga ang kamay nito at ang pisngi niya.

"Thank God gising ka na." rinig niyang sambit ni Astraea at naramdaman niyang may malambot na bagay na dumampi sa noo nito kaya napapikit na lamang siya.

Hinalikan siya ni Astraea.

"Doc, okay lang po ba ang anak namin?" tanong ng nanay ni Apollo sa Doctor na tumitingin kay Apollo.

Nang magkaroon kasi ng malay si Apollo kanina ay agad na tinawagan ni Hades ang tito't tita niya kaya agad silang umalis ng trabaho at tinungo ang hospital kung nasaan si Apollo.

"Don't worry, Mrs. Zapata. Your son is okay now. He just needs plenty of rest and he'll recover soon." sagot sa kanila ng Doctor bago ito lumabas.

Sumunod naman na nag paalam sina Triton at ang iba pa dahil may exam pa sila.

"Tita, mauna na po kami. Alas-tres na po pala e, may exam pa po kami." paalam ni Triton sa mag-asawa.

"Sige, mag-ingat kayo."

Tumango lang naman ang mga ito at saka lumabas ng silid.

Sumunod naman na nag paalam si Hades sa kanila.

"Alis na rin ako tita, tito kasi may gagawin pa ako sa school." paalam nito at lumabas na rin siya ng kwarto.

Napatingin naman ang mag-asawa sa kanila ni Mya.

"O, bakit hindi pa kayo pumuntang school? Wala ba kayong exam? Hindi ba exam mo rin ngayon Astraea?" tanong ng ginang sa kanya.

"Kaninang umaga po ang exam namin ni Mya tita. At saka half day lang naman po ako ngayon kaya dito na po ako dumeretso kanina at tinawag ko na rin po ang kaibigan ko." paliwanag niya.

"Ganoon ba? Kung ganoon puwede bang kayo na muna ang magbantay kay Apollo? Babalik din kami ng tito niyo mamayang alas-siyete mula sa trabaho. Aasikasuhin na muna namin iyong client namin na iniwan kaninang tumawag kayo ba gising na si Apollo." anito.

"Sige po, kami na po muna ni Mya ang bahala sa kanya. Ingat po kayo sa trabaho." naka-ngiting saad niya.

"Salamat, hija." tinapik siya sa balik at ng papa ni Apollo. "mauna na kami. Kayo muna ang bahala sa anak ko." pagkasabi nito ay lumabas na rin ang mga ito sa kwarto.

Nang tuluyan nang makalabas ang mga magulang ni Apollo ay lumapit naman siya sa natutulog na binata.

Umupo siya sa hospital bed ni Apollo at saka niya hinaplos ang pisngi ng binata.

Habang hinahaplos niya ang pisngi nito ay napatigil siya nang iminulat ng binata ang kanyang mga mata.

"Apollo..."

Apollo Zapata [COMPLETED]Where stories live. Discover now