Chapter 1

179 4 0
                                    

Thank you so much blackphenomena for making my cover. 😁

Simula

"Ela mag CR lang ako ha, kita nalang tayo sa Canteen" paalam saakin ng pinsan kong si Sue.

Binigyan ko siya ng tango habang nagaayos ako ng gamit ko. Pagkatapos nun ay napagpasyahan ko na lumabas ng classroom pinili ko ulit ang daan malapit sa music room kasunod ng library taliwas sa main hall kung saan halos dumadaan lahat ng mga estudyanteng patungong canteen. Sa lahat kasi ng ayaw ko ay ang attention unlike sa pinsan kong si sue who always like being on the top ako mas pipiliin kong maging simple at ordinaryo lamang, na masyadong malabo sa antas ng buhay na meron ako.

Napatigil ako sa tapat ng music room, isa ito sa dahilan kung bakit ako mas madalas dumaan dito ay dahil gusto ko na naman siyang marinig na kumanta. Nakatayo ako ngayon sa tapat ng pintuan nito gaya ng dating gawi ay papakinggan ko lang ulit siya mula rito sa pinto, idinikit ko ang tenga ko sa pintuan upang marinig ko ulit ang mala anghel niyang boses. Mula sa loob ay dinig na dinig ko ang tunog ng kanyang gitarang sumasaliw sa lamig at Lambing ng kanyang boses. Maraming beses na akong napadaan dito ngunit ni kahit minsan ay hindi ako nagtangkang silipin kung sino man siya o kung kanino man nagagaling ang mala anghel na tinig na iyon, kuntento na ako sa pakikinig lamang ayoko namang gambalain pa siya kung sakasakali.

Pagkarating ko sa Canteen ay naagaw ko agad ang attention ng lahat, ito ang pinaka ayaw ko sa lahat yung pagiging center of attraction. Everyone calls me the princess of this school pati na rin ang pinsan kong si Sue. Kung nagtataka kayo kung bakit ay isa lamang ang dahilan nito pamilya namin ang nagmamayari ng paaralang ito. Pagkita ko kay sue ay Agad akong dumiretso sakanya disregarding all the stares I get from everyone, matagal na akong sanay dito ngunit nakakailang pa rin kung minsan.

"What's with that face Princess Ela. " pagdidiin niya sa salitang Princess upang asarin pa lalo ako. Isang irap lamang ang sinagot ko sakanya. alam kasi ni Sue na pinaka ayaw ko sa lahat ay ang attention which is the thing that she loves.

"Just get used to it Ela, just enjoy it. Marami ang naiingit sayo to be on that position remember. Marami nga jan puro trying hard lang samantalang ikaw your born with it." pangaral niya saakin. Nanahimik na lamang ako, paniguradong mahabang pagtatalo nanaman ito kung kukuwestyunin ko lamang ang paniniwala niya at ipipilit ang akin. Sue and i are always opposite when it comes to this kind of things she likes attention and fame while ako i like to be just one of the ordinaries no fame no attention just simple student life. Pero kahit ganoon ay magkasundo naman kami ni Sue shes like my bestfriend and Sister shes the only friend I have here in school aside sa mga fake one of course.

Muli namang nabaling ang attention ng lahat ng pumasok ang isang lalaki, kasunod nito ang tatlo niyang pang mga kaibigan. Kung kami ay hinahanggan ng lahat sa pagiging perpekto at mayaman siya naman ay hinahanggan sa kanyang itsura at abilidad. Halos lahat yata ng kababaihan dito ay siya ang tipo aside sa pagiging gwapo ay matilino pa ito consistent siyang top one since grade seven.

Umupo siya sa kaliwang bahagi ng canteen kasama ang mga barkada niya, habang nakikipag tawanan at asaran sa mga kababaihan sa kabilang table na halos magkulay kamatis na sa kilig. The girl on the table is Anastasia Klein kasama niya ang kanyang mga alipores na walang ginawa kundi ang magpaputi ng mukha at magpapula ng labi, i dont know if he doesn't see it or he just really ignoring it kulang na lang ay mag evaporate ang babaeng iyon sa kilig.

Hanggang sa matapos ang buong lunch break ay siya lang ang naging topic ng halos lahat ng kababaihan. Kesyo ganito siya gwapo matalino at kung ano ano pang sarisaring kwento tungkol sakanya na karamihan ay puro pagpapapuri lamang. Halos lahat ng babae ay sadyang nagpapapansin pa sa kanya samatalang ang iba ay na kuntento nalamang sa pa sulyap sulyap.

The Chasing Game (Game Series 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang