Chapter 36

25 0 0
                                    

Dream

Nagising akong may nakayakap saakin, I tried to move to check if everything that happened last night was real. Napangiti ako ng makita si Austyn na nakayakap saakin at mahimbing na natutulog sa tabi ko. After the talk last night I hindi na ako nakaalis ng tagaytay. Bahagya siyang gumalaw dahilan kung bakit napayuko muli ako at nagpanggap na tulog I don't know how to act after our talk last night.

" Good morning!" bati niya saakin sabay halik sa buhok ko. Agad naman akong napangiti ng dahil dito. Unti unti na siyang bumagon sa tabi ko habang ako ay busy naman sa pag check ng mukha ko kung maayos pa ba ang itsura ko.

"How was your sleep?" tanong niya saakin habang busy siya sa pagbukas ng kurtina.

"Better, I didn't expect na mas malamig pala dito pag umaga" napangiti naman siya sa sagot ko.

"This is why I like to stay here malayo sa pollution at higit sa lahat masarap ang hangin free from the toxic air of manila" natawa ako sa sagot niya, well I get his point kahit ako ay mas nanaisin kong manirahan rito kesa sa manila.

"Stop hiding your face with your hair, don't worry your still beautiful kahit may mga muta ka pa sa mata mo at may panis na laway ka pa jan sa gilid ng labi mo" napanganga ako sa sinabi niya at agad na sinipat ang mukha ngunit wala naman akong nakapa rito kaagad ay binigyan ko ng masamang tingin si Austyn na ngayon ay tawang tawa sa reaction ko.

"I'm sorry I can't help it, Come here I'll show you something" tawang tawa pa rin siya ngunit ay pinipigilan niya lang ito kaagad kong lumapit sakanya sa may bintana. Literal akong napanganga sa ganda ng view ng Taal Volcano mula rito sa bintana ng kwarto niya, if it looks beautiful on the sunset ay mas maganda pala ito kapag sunrise.

"Liking the view, that is why I like this place a lot" kaagad niyang pinulupot ang braso niya sa aking baywang at pinatong ang kanyang baba sa aking batok dahilan kung bakit bahagya akong pinamulahan ng mukha sa kanyang ginawa.

"If your waking up every morning seeing the Eiffel tower at your window, I wake up every morning seeing the beautiful sunrise of  the taal lake" Imagining him on his window staring at the beautiful scenery of taal lake makes me jealous mas gusto ko yatang ako lang ang tinitignan niya sa umaga.

I feel like everything was a dream, having him right beside me hugging me from behind my back, nakakataba ng puso but at the same time ay nakakatakot who knows baka hindi na ulit ito mauulit pa just like what happen before. Pinilit kong alisin ang luhang namumuo sa mga mata ko, I'm happy right now so happy that I don't want this to end I just wanna lock up myself in his arms forever ng sa ganoon ay hindi na matapos pa ito ng sa ganoon ay may kasiguraduhan akong akin lang siya hangang huli.

Pagkatapos namin mag breakfast ay napagpasyahan naming tumulak na ng manila, ayoko man pero hindi maari we have a life way back there I can just be selfish to lock him up by myself. Labag man sa loob ko ay pumayag rin ako, he offered to drive me home at pumayag naman ako. Buong biyahe ay pinilit kong maging gising I don't want  any moments to pass by specially when I'm with him natatakot ako na baka pagka gising ko ay panaginip lang pala ang lahat ng ito. Tahimik kami buong biyahe kung may pagkakataon ay hinahawakan niya ang kamay ko dahilan kung bakit hindi maalis ang ngiti sa labi ko hanggang sa makauwi na ako ng bahay. Pasado alas dose na nang makarating kami sa bahay agad niyang ipinark ang kotse ko sa grahe namin.

" Thank you for driving me home, gusto mo ba muna pumasok sa loob?" alok ko sakanya.

" Nope, I better go home now and have some rest may meeting pa kami ng banda mamayang hapon" Agad ko namang pinatawag si Mang Rene upang maihatid na siya sa condo niya sa makati. I bid him goodbye bago siya tuluyang sumakay ng kotse. He just respond it with a simple kiss on my Forehead na nagpakilig naman saakin.

"I'll just text you ok" paalam niya saakin. Pinagmasdan ko ang kotseng tuluyan ng umalis ng nawala na ito sa aking paningin ay saka palang ako tuluyang pumasok sa loob.

Buong hapon lang akong natulog sa aking kwarto, Dahil alam kong wala lang akong matinong gagawin dito sa bahay buong maghapon kundi ang isipin si Austyn I don't wanna text him alam ko namang busy siya.

Alas singko na ng hapon ng napag pasyahan kong bumagon sa aking kama. I check my phone and saw a text from Austyn.

Austyn:
I'm on my way to TAC records, my meeting ang 23DA I'll text you later after the meeting. 😉

Para akong baliw na nakangiti sa cellphone ko. Biglang naputol ang pag moment ko biglang pumasok si Sue sa kwarto ko.

" You look so happy anong meron?" kuryosong tanong niya saakin.

" Wala" I replied to her ngunit pinagtaasan niya lang ako ng kilay telling me na hindi siya naniniwala sa sagot ko.

"Anong wala I just heard na hinatid ka daw ni Austyn dito, at di ka rin daw umuwi last night. Where have you been? ohh wait are you with..." Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng napansin niyan nakangiti lamang ako sakanya.

" Ouch!" sigaw ko ng bigla niya akong batuhin ng unan.

"Seriously Teala Beatrix Cohen,will you stop smiling at me and tell me what the hell really happen" singhal niya saakin ng napansin niyang tinatawanan ko lang siya sa mga reaction niya.

" Ok, Ok ikukuwento ko na just stop hitting me with that pillow" sagot ko sakanya. Nanahimik siya at interesadong nakikinig sa mga kwento ko sakanya, I tell every pieces to her simula ng kung paano ako nakarating ng tagaytay hanggang sa naging usapan namin ng gabing iyon. Tahimik lang siyang nakikinig saakin tila pinoproseso ang lahat ng sinabi ko sakanya. Pagkatapos noon ay nanatili pa rin siyang tahimik dahilan kung bakit kumunot ang noo ko sa kanya.

"Wala ka man lang bang sasabihin any comments, violent reaction come on don't just be quite tell me" yinugyog ko ang balikat niya sa frustration ko, at saka siya bumaling saakin at hinawakan ang kamay ko at seryoso akong tinignan ng puno ng pagaalala.

"Masaya ako na masaya ka Ela, all I wanted is your happiness I don't want to ruin it pero sana sigurado ka sa mga desisyon mo, I saw how you cry how you suffer from the pain of getting your heart broken nakita ko lahat ng iyon at isa ako sa mga sobrang nasaktan, I don't want to see you in that pain again." napangiti ako sa mga sinabi niya I really admire Sue for being there for me she was like the image of a sister I never had. And with that ay yinakap ko siya.

" Just be careful ok, I just wanna warn you linawin mo muna ang lahat sainyo ok hindi pwede yung ganun ganun lang ay ok na ang lahat. I'm not really a fan of love and I honestly don't believe on it pero I'm not that bad naman to influence you with my beliefs" parehas kaming natawa sa kanyang sinabi. I wonder if her beliefs were different kung hindi nagkahiwalay sina tita at tito noon. Pero kahit ano pa man I'm sure she'll find someone who will teach her how to love.

Its 6 pm when I receive another text from Austyn siguro ay katatapos lang ng meeting nila kaagad ko itong binuksan.

Austyn:
Are you free tonight, let's have a dinner I'll pick you up at 7. 😊

Agad akong napangiti sa text niya and I immediately respond to it. Wala naman sigurong masama if I try to gamble again if I try to risk my heart again it's just a matter of wining or loosing, but I just wish I can still handle to lose again.

Me:
Sure, See you 😊

The Chasing Game (Game Series 1)Where stories live. Discover now