Chapter 6

74 1 0
                                    

Tulong

Simula noong nalaman ko iyon ay hindi na ako ulit ako nagawi sa music room. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na sa wakas ay nalaman ko na rin kung sino siya o maiinis ako dahil sa lahat ng tao dito sa school ay siya pa talaga. Sabi nga nila expectations can lead to disappointments sana pala hindi nalang ako nag expect tungkol sakanya ito tuloy napala ko.

"Ela mauna na ako sayo ha, idadaan ko lang to kay Mam. Rivas at baka hindi niya na tanggapin dahil late na at mag uuwian na rin sila baka hindi ko na siya maabutan, ingat ka pauwi text mo ko kapag naka uwi ka na" nagmamadali niya akong beneso sabay takbo papuntang faculty.

Napagdesisyunan ko munang dumaan ng Locker Room para ilagay ang ibang gamit na di ko kakailanganin, mahirap kasi magdala ng marami. Pagkarating ko ng Locker Room ay wala ng tao rito siguro ay nakauwi na ang ilan at ang iba naman ay nagpractice pa siguro ng basketball. Kaagad kung nilagay sa loob ang mga gamit na hindi ko kailangan bukas ng may maramdaman akong dumaan, liningon ko ito para tingnan kung sino ang pumasok ngunit wala naman akong nakita. Dali dali kung linagay ang gamit ko sa loob ng locker at sinara ito agad mahirap na at baka hindi talaga tao yung naramdaman ko.

Nagmamadali akong lumabas ng locker room halos takbuhin ko na nga ito palabas. Nakahinga ako ng maluwag ng nakalabas na ako. Ngunit may biglang humila saakin papunta sa kung saan. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay kamay lang niya ang nakikita ko.
Agad niya rin akong binitawan ng nakarating na kami sa wait lang asan ba ito hindi ko matignan ng maayos ang lugar dahil sa sobrang hinggal ko mula sa pagkahatak niya saakin.

"Ok ka lang?"tanong niya saakin. Wow ha mukha ba akong okay sa lagay kong to na halos hindi na makatayo dahil sa sobrang hinggal.

"Asan ba tayo?"tanong ko sakanya tingin ko pa naman ay nasa school pa kami dahil wala naman akong matandaan na lumabas kami ng gate.

"Nasa RoofTop tayo" sagot niya saakin.

"Bakit mo ako dinala dito?" tanong ko ulit sakanya hindi ko talaga alam kung anong problema ng lalaking to at bigla nalang nanghihila sa kung saan, matapos nung insidente sa Music Room ay ngayon lang ulit kami nagkita.

"Gusto lang kitang makausap" paliwanag niya saakin. Kumunot ang noo ko sakanya ano bang dapat naming pag usapan sa pagkakaalam ko ay hindi naman kami magkaibigan o magkakilala man lang in fact kilala ko lang siya sa pangalan at kung may alam man ako tungkol sa kanya ay dahil lamang iyon sa mga sabi sabi at naririnig ko sa mga classmates ko, ni hindi pa nga kami nakakapagusap ni isang beses except lang nung nasa music room kami at nahuli niya ako.

"Tungkol saan naman?" kunot noo kung tanong sakanya. Siya naman ay nanatiling nakangiti saakin.

"About dun sa pakikinig mo saaakin sa Music Room." sagot niya saakin. Wow ha at talagang sure siya na pinapakinggan ko siya e dalawang beses niya nga lang akong nahuli.

"Bakit Naman?" nagiwas agad ako ng tingin sakanya. Siguro nga tama sila lahat ng bawal ay nakakasama kagaya nalang ng nangyari saakin ngayon I stole his private moment because of watching him secretly ito tuloy napala ko.

"Gaano katagal ka ng nakikinig saakin tuwing kumakanta ako sa music room?" naginit ang mukha ko sa hiya aaminin ko ba talaga sakanya lahat, nakakahiya naman at baka mag assume pa tong lalaking to.

"Mata...ga..l na" bakit ba ako nauutal nakakahiya tuloy sakanya baka isipin pa nito na type ko siya. Tumawa lang siya ng marinig ang pagkautal ko. Huminga ako ng malalalim siguro ay kelangan kong manghingi ng sorry sakanya kahit papano ako pa rin ang may mali invading of privacy ang ginawa ko.

"Sorry kung nahuli mo ako, kung nakikinig ako sayo doon ng walang paalam kung naistorbo kita hindi ko naman sinasadya e, sadyang na curious lang talaga ako kung ng marinig ko yung boses mo." mabilis kong paliwanag sakanya, I sound so guilty and I hate it because I really need to be. Siguro ay hindi naman siya ganoon kasama para hindi ako patawarin. Nainis ako ng bigla na lang siyang humalakhak, tignan mo tong isang to ako na nga ang nag sosorry tatawanan pa ako hindi naman ako nag jojoke e. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi pa rin siya tumigil sa pagtawa. Aalis na sana ako dahil mukhang wala naman akong mapapala sakanya ngunit pinigilan niya ako.

"Wait lang, may sasabihin pa ako. Hindi mo naman kelangan mag sorry natutuwa pa nga ako at may fangirl pala ako dito sa school" lalong Kumunot ang noo ko sa kayabangan niya sabi na bang mag aasume ang isang to. Lalong lumapad ang ngisi niya saakin tila ba lalo niya akong inaasar.

"Joke lang, ito naman hindi mabiro pinapatawa lang kita masyado ka kasing seryoso e" paliwanag niya saakin.

"Mukha ba akong natatawa?" pagmamataray ko sakanya. Lalo lamang siyang natawa sa inasal ko. Ghad i can't believe him. Aalis na sana ako ng pagilan niya lang ulit ako.

"Wait lang, uy, wait lang."tawag niya saakin sabay hawak sa paa ko. Dahil ngayon ay nakupo na siya sa lapag dahil sa kakatawa.

"Wag mo naman akong iwan may sasabihin lang ako sayo tingin ko kasi ikaw lang ang makakatulong saaakin" hindi ko mapigilang tumawa ng nag pout siya saakin at nag puppy eyes pa.

"hahahahaha, mukha kang pato" halos maluha luha na ako sa kakatawa hindi ko maimagine na ang dakilang si Austyn Mata na pinagkakaguluhan ng lahat ng babae dito sa school ay nag pupuppy eyes sa harap ko.

"Ang sama naman nito, alam mo bang dahil jan maraming naiinlove saakin" pagtatampo niya saakin.

"Sorry naman hindi ko lang talga napigilan, please lang wag mo na ulit yun gagawin ang sagwa mukha ka talagang pato, patong may cancer" sagot ko sakanya. Mas lalong na lukot ang mukha niya at halata mong inis na siya saakin.

"Ok ito na nga, kaya kita dinila dito ay dahil gusto kong hinggin ang payo mo, sasali kasi ako ng contest sa katapusan yung contest jan sa may kabilang baranggay, gusto ko sanang hinggin yung payo mo kung anong magandang kantahin, tutal ikaw naman yung First Fan ko." aniya sabay ngiti saakin na tila ba nagdadasal na sana ay tulungan ko siya. Matagal muna akong di sumagot at tinignan muna ang ekspresyon niya.

"Umm, Paano yan wala ako masyadong alam na magandang kanta"bahagyang nalukot ang mukha niya at sumigla ulit ng narinig niyang tutulungan ko siya.

"Tutulungan mo ako?"masigla at di makapaniwalang tanong niya saakin.

"Bakit Ayaw mo?" tanong ko pabalik sakanya.

"Hindi, gusto ko gustong gusto ko" parang bata niyang sabi saakin.

Natigil ang usapan namin ng bigalang tumunong ang cellphone ko hinahanap na pala ako ni Manong Rene.

"Mauna na ako Austyn hinahanap na kasi ako" paalam ko sakanya.

"O sige, ganito nalang kita tayo bukas dito ulit sa rooftop ganitong oras at tutugtugan kita ng kahit anong kanta tapos mamili ka nalang kung anong pwede kong tutugtugin sa contest" sabi niya saakin bago tuluyang nagpaalam.

"Sige mauna na ako" paalam ko ulit sakanya.

"Ingat at Salamat nga pala basta walang bawian ha" sagot niya pa balik saakin.

"Wag ka munang mag thank you wala pa nga akong naitutulong sayo e, sige bukas nalang" sagot ko sakanya bago tuluyang lumabas ng RoofTop.

The Chasing Game (Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon