Chapter 30

34 0 0
                                    

Forget


"Himala yata at nagyaya kang iminom gugunaw na ba ang Mundo girl?" pangaasar saakin ni Sue habang andito kami sa Spade, yinaya ko kasi siyang uminom ngayon sa kadahilanang gusto kong makalimot kahit ngayon lang.

"I just want to unwind" sagot ko sakanya pero pinaningkitan niya lamang ako ng mata.

"Unwind or Forget?" Taas kilay niyang tanong saakin. Napairap nalang ako sa kawalan, damn her reading skills I think I should give her an award for reading me correctly wala na yata along maiitago sakanya she obviously know me very well. Humagikgik siya dahil sa reaction ko.

"Sorry my dear, you can't lie to me I can read you very well." mas lalo lamang akong nainis sa sinabi niya. Mali yata ako ng yinayang tao I should just invited someone else gusto kong makalimot kahit ngayon lang and I don't think I can do that she will just ask me stuffs and turns out nagging at me dahil hindi pa rin ako makapag move on hanggang ngayon.

Sunod sunod na lagok ang ginawa ko at hindi na sinagot ang mapagasar niyang ngiti. I know she's just waiting for me to open up but I won't do that right now I wanna forget just for today. Agad kong naramdaman ang sipa ng alak saakin damn it hindi nga pala mataas ang tolerance ko sa alak but who cares ngayon lang naman ito might as well enjoy it.

Mapait akong ngumiti ng makita ko kung sino ang bagong dating. He's wearing a White long sleeves na nakatupi hanggang siko at Black maong Ripped Skinny Jeans. Nabali ang halos lahat ng leeg ng dumaan siya specially girls, malagkit na tingin ang ibinigay sakanya ng mga babaeng nakakasalubong niya ang iba pa nga' y hindi pa nakontento at lumapit pa sakanya para alukin siya ng inumin o di kaya'y yayain sumayaw sa dance floor. Napairap nalang ako sa kawalan ng halos maghubad na sakanyang harap ang babaeng lumapit sakanya at yinaya siyang sumayaw. Where's his girlfriend by the way bakit mukhang pinapabayaan niya yata ang boyfriend niyang pumunta sa ganitong lugar ng magisa. If I was his girlfriend ay hindi ko iyon hahayaan I would go with him anywhere and show all this girls who really owns the guy they are flirting with. But damn it I'm not his girlfriend anymore and never will be erase erase Ella.

Mas lalo kong dinamihan ang pagsalin at paginom. Why does he needs to be here lagi nalang siyang anjan kahit saan ako magpunta. Maybe that's the thing about reality it will slap you hard until you wake up and realize everything. Kailan pa kaya magigising sa katotohanan Itong puso ko ng sa ganon ay tuluyan na akong makalimot.

The loud music conquer the whole place mas lalo pa itong umingay hudyat na malalim na ang gabi. Everyone is busy dancing, chatting ang flirting habang ako ay narito nakatitig sa kanyang image habang nakikipagtawanan sa kanyang mga kaibigan. Inis na inis ako sa aking sarili simple lang naman ang sagot sa aking problema move on and forget dalawang bagay na sobrang hirap gawin.

Sa sobrang dami ng nainom ko ay hindi ko na namalayan na umalis na pala si Sue sa tabi ko. Cigarettes, alcohol and Mixed perfumes Fill my nose dahilan kung bakit mas lalo akong nahilo, I manage to reach the exit ng may bigla akong nabangga, dahil sa sobrang hilo ko ay muntik pa akong matumba mabuti nalang ay nasalo niya ako. His manly scent fill my nose I clung my shoulders  on his neck, inhaling his scent damn its addicting what kind of perfume is he using I wanna buy it. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bewang para suportahan ako upang hindi tuluyang bumagsak.

Kusang pumatak ang luha ko ng hindi ko alam kung bakit. Its like I missed something no I missed someone, I missed him. Pinilit kong lumayo at umalis ng tuluyan i shouldn't cry in front of a stranger, ngunit hinila niya ako pabalik at yinakap ng mahigpit. Sunod sunod bumuhos ang aking luha tila ba ay hindi ito natatapos at mas lalo lang humahapdi ang puso ko sa bigat ng bawat paghikbi ko. Unti unti kong naramdaman ang pagakay niya saakin paalis sa lugar na iyon.

Nang marating namin ang kotse niya ay agad niya akong inalalayang makasakay I'm too drunk to even manage to put the seatbelts on. Umikot siya sa kabila at tuluyan na ring sumakay.

"Ihahatid na kita." sabi niya saakin.

"No I don't wanna go home please take me somewhere yung malayo sa lahat malayo sakanya. I wanna badly forget him" muli ay tumulo na naman ang luha sa aking mga mata. I feel so helpless naawa ako sa aking sarili but at the same time I know it's the price I need to pay for breaking his heart.

"Paano ba yun? paano ba mag move on yung mabilis yung tipong bukas ok na ko wala na akong pakialam sa kanila sakanya. You know what alam kong kasalanan ko I broke his heart iniwan ko siya kasi alam ko yun yung tama, yun yung makakabuti para sakanya. And I am right sikat na siya ngayon malayo yung narating niya he made his dream come true." mapait akong ngumiti pagka sabi ko nun at umiling iling dahil masking ako ay hindi ko alam kung tama nga ba yung ginawa ko.

"Tama naman yung desisyon ko diba? I let him go for the sake of his dreams."    sinapo ko ang aking mukha gamit ang aking palad upang pigilan ang aking mga luha sa pag tulo ngunit ayaw nitong tumigil na tila ba ay may sarili itong buhay at ayaw sumunod sa gusto kong mangyari. Kung nakakamatay lang ang sakit sa pagibig marahil ay matagal na akong wala. The pain I'm feeling right now is beyond tolerable no medicine can heal it nor lessen it.
Its breaking me inside paunti unti hanggang sa wala ng matira saakin.

Naramdaman ko ang palad niya sa aking balikat hanggang sa unti unti niya akong yinakap ng mahigpit.His hug makes me feel better siguro nga ay ito ang kailangan ko ang ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko dito sa dibdib ko for the past years of pretending to be ok its suffocating. His hug is warm and gentle na tila ba ay isa akong mamahaling vase na pwedeng mabasag kapag hindi hinawakan ng maayos. Marahan niya ring hinahagod ng likod ko hanggang sa tuluyan na akong kumalma at makatulog.

The Chasing Game (Game Series 1)Where stories live. Discover now