Chapter 28

34 0 1
                                    

Luha




"Here drink this." abot saakin ni Sue ng isang shot ng Jim Beam. Umiling lamang ako sa bilang pagtanggi dito.

"Come on Ela, your already twenty two not Eighteen ang wine pang teenager lang yan, you should try this one" pinipilit niya pa rin saakin iniabot ang shot na kanina pa niya binibigay ngunit tinanggihan ko ulit iyon. Natigil lang siya sa pangungulit saakin ng may tumawag sa cellphone niya.

"Yes, Sunod ka dito sa Club 360... Andito kami.. Let's have some fun..Alright." yan lang ang narinig kong sinabi niya sa kausap niya bago niya ito binababa at hinila si Tessa papuntang dance floor. Umiling iling nalang ako sa ginawa ng dalawa puros sila tawa habang sumasayaw if I know they were haunting for boys again. Ibinalik ko ulit ang aking tingin sa baso na nasa harap ko lagpas kalahati na lang ang laman nito, akmang iinom na sana ako dito ng bigla akong hilahin ni Kate patungo sa kinaroroonan nila Tessa at Sue sa lakas ng pagkakahila nito saakin ay hindi na ako nakatanggi.

Pagkarating namin sa gitna ay halos hindi na ako makahinga sa sikip kaliwat kanan ang sumasayaw ang iba pa nga ay halos magkipag talik na sa dance floor sa laswa ng pagsasayaw nila dahil sa sobrang kalasingan. Binaling ko ang tingin ko sa harap at doon ay nakita ko sina Tessa at Sue na sumasayaw malapit sa groupo ng mga modelong lalaki.

"Whoooo, let's have some fun!" sigaw ni Kate habang winawagayway ang kamay nito sa ere at nag uumpisa ng sumayaw ng kagaya kina Sue at Tessa. Napailing nalang ako at nakijoin nalang dahil mukhang wala naman talaga akong magagawa kundi makisabay nalang sakanila.

Nang makaramdam ako ng pagod ay umalis na rin ako doon at bumalik sa may counter kung saan kami nakapwesto kanina, ramdam ko ang pag sunod saakin ng tatlo dahil sa pagtawag nila saakin ngunit hindi ko na lamang sila liningon at nagpatuloy ako sa pagalis sa dagat ng mga tao.

"Hayy nakakapagod, nakita mo ba yung guy kanina akala ko pa naman macho lalapitan ko na sana Leche bakla pala" inis na kwento ni Tessa habang ininom ang shot na inorder niya, isang malakas na tawa naman ang iginanti ng dalawa at patuloy pang inasar ang bad trip na si Tessa.

Inikot ko ang paningin ko sa buong lugar, mapansin kong lalong kumapal ang tao kesa kanina pagdating namin marahil ay tanda ito na malalim na rin ang gabi at ang iba ay paika ika na ring maglakad patungo sa exit habang akay akay ng kani kanilang barkada. Samantalang ang iba ay may kanya kanya naring mga mundo malamang ay lasing na rin ang mga ito. Napako ang tingin ko sa dalawang taong pumasok. Malanding nakaakap sa braso nito ang babae at nakapulupot naman ang kamay nito sa bewang ng babaeng kasama, bahagyang bumulong ang babae dahilan kung bakit ito tumawa, damn those dimples. Binawi ko agad ang tingin ko sa dalawa ramdam ko ang pagbara ng aking lalamunan at pagsikip ng aking dibdib walang pasubali kong linagok ang alak sa aking baso.

"Ohh so Rebecca Madrigal and Austyn Mata is here are they official?" tila manghang tanong ni Kate saamin, lihim akong umirap sa sinabi nito at walang pasabi na linagok ang alak na hawak ni Sue. Agad namang tumingin ang dalawa saakin, nagtataka sa ginawa ko.

"Masarap pala iyan, kuya pwedeng isa pang ganito." tawag ko sa bartender sabay bigay ng baso na hawak kanina ni Sue. Its your fault, you choose to leave him might as well face the consequences, paalala ko saaking sarili. Pinikit ko ang aking mata upang pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo at walang pasubaling ininom ang alak na binigay ng bartender.

"Easy lang Ela hindi tubig yan" paala saakin ni Kate. Ibinagkibit balikat ko nalamang ito. Nang nagyaya si Tessa sa dance floor ay hindi na ako sumama kita ko ang pagaalala sa mukha ni Sue, binigyan ko nalamang siya ng isang ngiti para i assure na ok lang ako. Pagkaalis nila ay muli akong umorder ng inumin sa bartender napairap nalang ako sa kawalan ng marinig ko ang pinaguusapan ng grupo ng mga babaeng malapit saakin. Pagkatapos kong inumin ang huling shot na inorder ko ay umalis na agad ako.

Sa may Exit ay nakaramdam agad ako ng pagkahilo, damn the alcohol. Pinilit kong makaalis sa lugar na iyon na para bang matatakasan ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Pagkapasok ko sa kotse ay padabog ko itong isinara at tuluyang isinubsob ang aking mukha sa manebela kasunod nun ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha sa aking mata na tila ba ay hindi ito na uubos kahit na pagod na pagod na ang aking mata at ang puso ko para rito. Choosing the Right thing doesn't supposed to hurt like hell because it's god's will but I know I choose the right choice that moment then why does it hurts still? Tanong ko sa aking sarili. Gustong gusto kong patigilin ang aking sarili sa pagiyak, dahil wala na talo na ako may iba ng nagmamayari sakanya hindi ko maari pang Ibalik ang nakaraan at kahit ibalik man ito ay yun at yun pa rin ang desisyon na aking gagawin hindi para magpakamartyr ngunit dahil iyon ang tama at ang nararapat. Sana ganun kadali mag move on ganun kadaling tanggapin ang lahat ng sa ganoon ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko ngayon Sana.

The Chasing Game (Game Series 1)Where stories live. Discover now