Chapter 2

99 4 0
                                    

Nahuli

"Ela, its already lunch time mamaya mo na gawin yan" tawag saakin ni sue na ngayon ay nasa pintuan na ng classroom namin.

"Susunod nalang ako Sue mauna ka na saglit na lang to." sagot ko sakanya habang sinusulat ang essay na nakalimutan kong gawin sa bahay kahapon.

Nang matapos ko ang ginagawa ko ay lumabas na rin ako ng classroom. Kagaya ng dati ay sa parehong ruta pa rin ako dumaan sa may music room malapit sa library, pagkadaan ko ng library ay may pailan ilan pa akong studyanteng nakita marahil sila yung mga nasa section one A na katapat ng section namin na madalas nagsusunog ng kilay sa pag aaral. Pagkalapit ko palang sa tapat ng pintuan ng music room ay nadinig ko na agad ang tunog ng guitar niya. Dahan dahan akong lumapit sa pintuan nito upang idikit ang aking tenga ng sa ganoon ay marinig ko ulit ang tinig niya, ngunit napansin kong bahagya pala itong nakabukas. Dala ng labis kung kuryosidad ay napagpasyahan kong pumasok, wala naman sigurong masama kong sisilip lang ako diba lihim kong tanong sa sarili ko, basta wag ka lang papahuli Ela sigaw naman ng utak ko sa kabilang banda. Bawat hakbang ko ay mabigat ramdam ko ang panginginig ng kamay at tuhod ko habang dandahang pinipihit ang pintuan. Tumbad saakin ang likod ng isang lalaki, na patuloy pa rin sa pagiistrum ang kanyang gitara. Nanayo ang balahibo ko ng nagumpisa na siyang kumanta, binalot ng malimig at malalim niyang tinig ang buong music hall. Iba pala talaga kapag malapitan mo na siyang naririnig kung noon ay hinahangaan ko siya sa galing niya ngayon ay literal na nalaglag ang panga ko sa pagkamangha.

🎶Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sa 'yo
Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa 'yo🎶

'Blag'

Agad namang naagaw ang attention niya ng aksidente kong natabig ang basong nakapatong sa itaas ng lamesa kung nasaan ako nakatayo kanina habang lihim ko siyang pinapanood.

"May tao ba jan?" agad na dumagsa ang kaba sa aking dibdib, damang dama ko ang bawat pintig ng puso ko sa sobrang kaba. Paulit ulit kung iniisip kung paano ba ako magpapaliwanag sakanya ngunit ni kahit isa ay walang pumasok rito nababalangko lamang ako. Naramdaman ko ang pagtapak ng pares ng sapatos sa tabi ng lamesang pinagtataguan ko, naku patay na. Pumikit ako at lihim na lamang na nagdasal na sana ay wag niya akong mahuli.

Mayamaya pa ay narinig ko ang pag bukas ng pinto, hudyat na lumabas na siya ng music hall nakahinga na ako ng maluwag dahil dito, grabe muntik muntik na ako doon ah sabay punas ng pawis na namuo sa noo ko.

Dali dali ako nagayos ng sarili ko at tumayo mula sa lamesang pinagtataguan ko kanina upang makalabas na, sana lang ay wala na siya sa labas. Pagpihit ko ng pintuan ay may narinig akong boses sa aking likuran.

"Sino ka?" patay nandito pa pala siya. Sa sobrang taranta ko ay muntik pa akong madulas sa pag takbo. Nang mailigaw ko na siya ay dumiretso na agad ako sa canteen.

"Ela, asan ka ba galing kanina pa kita hinahanap, wait bakit pawis na pawis ka yata?" nagtatakang tanong saakin ni Sue. Agad akong napalunok sa tanong niya, two strikes for you Ela mukhang dalawang beses ka na mag sisinungaling ngayong araw lihim kong sabi sa sarili ko.

"Ahh..Wala mainit kasi at nagmamadali akong pumunta dito sa canteen kasi alam kong gutom ka na" pilit na ngiti kong paliwanag sa kanya habang lihim na nag dadasal sa utak ko na sana ay maniwala si siya sa sinabi ko. Bahagyang tumaas ang kilay niya saakin na para bang ine-eksamin niya ako kung totoo ba ang mga sinabi ko. Pagkatapos noon ay tumango lamang siya. Hayy Salamat naman, sorry Sue next time di na talaga ako mag sisinungaling sayo lihim kong sabi sa utak ko.

Nakibitbalikat nalamang siya saakin kahit na halata sakanya na nawiwirduhan siya. Yumuko na lamang ako upang di na siya lalo pang magduda, Sue knows me well alam na alam niya kung nagsisinungaling ako o hindi.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Song Used: Torete By Moonstar88

The Chasing Game (Game Series 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant