Chapter 40

35 2 0
                                    

Austyn's POV

"Dude sinong tinitignan mo jan?" Tanong saakin ni Ken habang nasa klase kami ng Chemistry. Hindi ko siya kinibo at nagpatuloy lang ako sa pag titig dito sa labas ng bintana ng classroom.

"Hoy, chicks nanaman yan no?" Sundot niya ang tagiliran ko ng hindi ko siya kibuin sa tanong niya kanina. Kinunutan ko siya ng noo bago tuluyang sinagot.

"Baliw wag mo akong itulad sayo, di ako babaero kagaya mo" sagot ko sakanya at ang loko ay nagawa pa akong tawanan.

"Asus nag deny pa e halos lumuwa nga ang mata mo dun sa teacher natin sa English na sobrang hot." sinamaan ko siya ng tingin kahit kailan talaga ang isang to wala ng ginawang matino kundi puro kalokohan nalang.

"Sino ba kasi yan at halos humaba na ang leeg mo sa kakatitig" pang oosyoso pa niya at sumilip rin ito sa bintana para makita ang tinitignan ko.

"Nako, Nako off limits yan tol, Yari ka kapag pinormahan mo yan" Umiling iling siya na tila ba sobrang laki nga ng problema.

"Bakit naman?" kuryoso kong tanong sakanya. Tinignan niya lang ako ng parang di siya makapaniwala.

"Seriously dude di mo kilala yan?" nagtataka pa niyang tanong saakin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Napailing nalang siya at tila may biglang naalala.

"Ay oo nga pala transferee ka nga pala dito bakit ko nakalimutan yun. Well actually yang babaeng tinitignan mo ngayon ay anak lang naman ng may ari ng school na to. Kaya dude off limits yan" paliwanag niya saakin.

Ewan ko ba kung bakit ko siya sinundan ngayon. Andito lang naman ako sa library ngayon dahil nakita ko siyang pumasok dito. Umupo ako sa di kalayuang silya kung saan siya nakaupo para mapagmasdan ko siya ng maige. Syempre kumuha muna ako ng props para naman di niya ako mahalata. Habang busy siya sa pag sagot sa librong hawak niya ay di ko mapigilang mapatitig sakanya. Ang amo ng kanyang itsura na akala mo ay isang anghel, maputi rin ang kanyang balat ngunit hindi naman ito maputla na parang walang dugo ngunit para lang siyang araw araw  naliligo sa gatas sa puti at kinis ng kayang kutis halata mong di hinayaang malamukan sakanila, mapula rin ang kanyang mga labi at mapungay ang kanyang mga mata ang kanyang mahabang buhok ay malayang nakalugay. Princesa nga talaga siya, Princessa Ko. Napailing nalang ako at natawa sa sarili kong kalokohan kelan pa ako natutong mangarap ng ganito.

"Dude san ka galing kanina ka pa namin hinahanap ahh?" tanong saakin ni Jude isa sa mga tropa ko pagkarating ko sa canteen.

"Wala sa tabi tabi lang na stress lang ako Trigo" dahilan ko sakanila at ang mga walang hiya ay tinawanan pa ako.

"Aral is life ka talaga dude bahala ka baka one day mabalitaan nalang namin isa ka ng nerd na scientist na nag Iimbento ng kung ano ano." Pang aasar saakin ni Ken habang sina Jude at Ivan ay humaglpak naman ng tawa sabay kantyaw pa sakin.

"Nako dude I swear kapag nangyari yun never ko aaminin na naging tropa kita" dagdag pa ni Ivan. Sinamaan ko lang sila ng tingin.

"Alam niyo kasi mga dude. Dapat di lang puro looks e dapat may laman din ang utak.Tignan niyo daming nagkakandarapa sakin, I have not just the face but also the brains" pagmamayabang ko sakanila. Nagtawanan lang ulit ang nga loko at nagpatuloy sa pagkakantyawan.

" By the way dude kamusta na nga pala yung chicks na anak nung kumpare ng tatay mo yung nagpapaaral sayo" tanong saakin ni Ivan.

" Ahh si Becca bakit naman?" natataka kung tanong sakanya.

"Wala naman I just find her cute diba yinayaya ka niya ng date kung ayaw mo talaga dude pwede naman ako mag proksi sayo" Natawa nalang ako sa suggestion niya. Wala talaga alam ang isang to kundi ang pumorma ng mga babaeng tipo niya.

The Chasing Game (Game Series 1)Where stories live. Discover now