Chapter 22

29 0 0
                                    

I Want To


"Are you sure your ok Ela?" nag aalalang tanong saakin ni Sue.

"I'll be fine Sue" tipid na ngiting sagot ko sakanya. Binigyan niya lamang ako ng isang mahigpit na yakap.

"Ms. Teala anjan na po sa labas si Sir. Austyn" agad akong kumalas sa pagkakayakap kay Sue upang sunduin si Austyn sa may gate. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti pagka harap ko sakanya at sunuklian niya naman ito ng isang halik sa noo. I always like the forehead kisses something that I always like about him.

"Tara na sa loob" yaya ko sakanya. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng aming bahay, sinalubong naman kami ng tingin ni Mommy na ngayon ay nasa hagdan habang kausap sa telepono ang isa sa kanyang mga Amiga.

"Good Afternoon po Mrs. Cohen" magalang na bati ni Austyn rito. Binigyan niya lamang ito ng isang tango bago binaling ulit ang atensyon sa kanyang kausap sa telepono.

"Ang taray ng Mommy mo" bulong saakin ni Austyn habang papunta kami sa garden ng aming bahay doon kasi napagpasyahan na ganapin ang practice para sa aking 18 roses. Ngumiti lamang ako sakanya at tuluyan siyang hinila papunta sa gitna kung saan nag aantay ang lahat ng mga kasali.

Paulit ulit saamin itinuro ang mga dapat gawin ang mga tamang pagikot at iba pa. Buong practice ay nakatingin saakin si Sue at paminsan misan ay pinupuntahan ako para kamustahin.

"Are you ok, kanina ka pa matamlay?" nagaalalang tanong saakin ni Austyn habang marahang hinahaplos ang noo ko. Kaagad ko naman itong hinawi ng makitang paparating si Mommy kasama ang mga designers at organizers na kinuha niya para saaking debut. Iniwan ko si Austyn ng tawagin ako ni Mommy para puntahan sila. Kaliwat kanang tanong tungkol sa designs motif at iba pa ang hinarap ko halos hindi ko na nga maimagine ang magiging kakalabasan nito dahil sa dami ng kulay na gusto nilang Idagdag. Nagulat ako ng bigla nalang sumulpot si Austyn sa aking tabi at marahang hinawakan ang aking siko upang makaharap sakanya.

"Pwede ko po bang mahiram si Ela ng saglit tutal ay mukhang pagod na rin po siya" paalam ni Austyn kay Mommy.

"Don't you see Iho were busy doing something here her debut is tomorrow, we need to make things perfect for my daughter's birthday. This is way more important sa kung saan mo man gustong dalhin ang anak ko" mataray na sagot niya dito.

"Mom, I think Austyn is right I think I need a break kahit 30 minutes lang" ilang Segundo kaming nagkatinginan ni Mommy bago niya ako binigyan ng isang tango.

"Alright be back here after 30 minutes" kaaagad kong hinila si Austyn palabas ng bahay upang makalayo dahil pakiramdam ko ay sobra na akong nasasakal sa atmospera na mayroon doon.

"Ayos ka lang ba talaga" tanong niya habang hinahaplos ang aking mukha, napapikit ako sa gaan at sarap sa pakiramdam nito para bang may mainit na humahawak saaking puso sa bawat haplos niya dito.

"Gutom na ako pwede mo ba akong bilhan ng kahit ano" utos ko sakanya upang pagtakapan ang namumuong tubig sa galid ng aking mata. Kaagad naman siyang umalis upang sundin ang aking request. Pinanood ko lamang ang kanyang likod habang pa palayo saakin, the sudden pain rush inside my heart kung kanina ay lumalundag ito sa tuwa ngayon naman ay unti unti itong nadudurog sa sakit na aking nararamdaman. The painful thing in this word is to know that no matter how you like to fight, there is always a fight you can't never win not because you aren't that strong enough to fight but simply because the odds aren't always in favor of you.

"Pasensya ka na ito lang nakita ko dito sa village niyo" sabay pakita niya saakin ng ice cream na dala niya. Bahagya akong ngumiti dahil doon, ice cream is the best comfort food and i think need one of those.

"Would you hate someone who chooses your happiness?" tanong ko sakanya. Ngumisi lamang siya sa tanong ko.

"Hindi of course bakit naman ako magagalit e, pinili niya na nga akong maging masaya" sagot niya saakin.

"E, paano kung kailangan ka muna niyang saktan para maging masaya ka eventually?" tanong ko ulit sakanya. Binigyan niya lamang ako ng isang nagtatanong na tingin.

"Ano to question and answer portion?" natatawang tanong niya saakin. Umirap nalamang ako sa sagot niya.

"Sagutin mo nalang kasi" mataray na sagot ko sakanya.

"Tungkol ba to saan at bakit gusto mong malaman ang sagot ko" balik niyang tanong saakin.

"Umm, yung narinig ko kasi sa radio kanina yung babae kasi iniwan niya yung lalaki para maging masaya ito para maging maayos yung buhay niya kasi ayaw niyang makitang nahihirapan yung lalaking mahal niya" sagot ko sakanya. Bahagya siyang tumawa bago ako tuluyang sinagot.

" At kailangan ka pa natutong makinig ng drama sa radio?" inirapan ko nalamang siya kaya napilitan siyang sagutin ang tanong ko

"Kung ako yung lalaki magagalit ako kasi hindi naman alam nung babae kung anong magpapasaya sa lalaki diba malay mo yun pala ay ang makasama lang siya. Minsan kasi akala natin maganda maging bayani sa pag ibig pero ang hindi natin alam hindi lang pala tayo ang nasasaktan kundi pati na rin ang taong mahal natin." natahimik ako sa sagot niya pilit itong prinoproseso ng utak ko, may point naman talaga ang sagot niya pero maaring hindi sa lahat ng pag kakataon hindi ba.

"Ikaw hindi mo naman ako iiwan diba?" bigla akong natahimik sa tanong niya. Sunod sunod akong lumunok bago ko siya binigyan ng isang tango bilang sagot. Kaagad naman siyang ngumiti at yinakap ako sa aking tagiliran. God knows how much I love this boy.

"I love you" bulong niya saakin.

"Mas mahal kita" sagot ko sakanya at kasabay nun ay binigyan ko siya ng isang halik sa labi. I want to feel his lips against mine, i want to feel the magical feeling once again i want to memorized every bit of it. Like it was always meant to fit mine Forever.

The Chasing Game (Game Series 1)Where stories live. Discover now