Chapter 20

32 2 0
                                    

The One I Love


"The bitches are looking at you again" bulong saakin ni Sue habang papunta kami sa canteen.

"Hayaan mo na" sagot ko sakanya. Ngumisi lamang siya at tumingin kay Austyn na nasa kaliwa ko.

"Pasalamat sila at marunong akong maawa, kung hindi ay wala na talagang mukha yang Anastasia na yan saakin pati yung mga mukhang clown niyang alipores" binigyan niya ang mga ito ng isang masamang tingin dahilan kung bakit yumuko at nag iwas rin ng tingin si Anastasia.

"Tama na yan Sue ayoko ng gulo please" pakiusap ko sakanya. Timikhim naman si Austyn sa tabi ko at nagsalita.

"Don't mind them, they won't do anything" ngumiti ng nakakaloko si Sue sa tabi ko bago nagsalita.

"Ok I shut up na, I don't think you still need me Ela. Coz I think your Night and Shining Armor will do everything to protect you." nakangisi niyang sabi habang nakatingin kay Austyn na nasa tabi ko, halatang namula siya sa sinabi ni Sue.

"Are you guys free later my game kami?" tanong niya saamin.

"Umm...." bago pa man ako makapagdesisyon ay sumagot na agad si Sue.

"Sure, sige manonood kami" masaya niyang sagot, naputol ang paguusap namin ng biglang tumunog ang Cellphone ni Sue.

"Hello My, Cge po... uuwi na po kami" yan lang ang narinig ko na sinabi niya sa kausap niya bago niya ito tuluyang ibinaba.

"Ela, we need to go home now. Your Mom and Dad, dumating na daw sabi ni Mommy." aniya. Agad na nanlaki ang mata ko.

"What? I thought next week pa sila darating." taka kong tanong sa kanya.

"Hindi ko rin alam, maybe they want to surprise us" aniya.

"Austyn I'm sorry di ko mapapanood yung game mo, we really need to go home." hinawakan niya ang kamay ko at ang kabilang kamay naman niya ay nasa baba ko.

"Its ok naintindihan ko, may next time pa naman e" sagot niya saakin. I gave him a sweet smile.

"Ehem... Ela we need to go next time nalang yang moment ninyo" sigaw saamin ni Sue na ngayon ay nasa loob na ng sasakyan at nakadungaw ito sa bitana. Natawa nalang kami ni Austyn dahil dito.

"So I think you really need to go nagagalit na si Sue." Natatawa niyang sinabi.

"Sige na mauna na kami Goodluck sa game mo mamaya" paalam ko sakanya. Bago ako tuluyang umalis ay binigyan niya muna ako ng isang halik sa noo.

"I'll text you later." I smiled widely because if his simple gestures. He really knows kung paano ako pakiligin.

"Cge alis na kami" paalam ko ulit sakanya. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti bago ako tuluyang pinakawalan. Makalipas ang ilang minuto ay nakatanggap ako ng text mula saakanya.

AUSTYN
'I Love You'.

Simpleng mensahe lamang iyon ngunit sobrang lakas na ng epekto nito saakin. Malawak ang ngiti ko habang nagtitipa ng mensahe pabalik sakanya.

AKO
'I Love You Too, Goodluck sa game'

"Ehem, iba na yan ahh" pang aasar saakin ni Sue habang dumudungaw sa cellphone ko. Binigyan ko lamang siya ng isang masamang tingin bago ko tuluyang i send ang mensahe.
Pagkarating namin sa bahay ay nakakalat ang mga kasambahay namin halatang halata na sobrang abala sila sa pagdating nila Mommy. Dali dali agad akong pumasok sa double doors ng aming bahay upang salubungin sila. Pakarating ko sa sala ay naabutan ko si Kuya Theo na busy sa phone niya.

"Princess your home, akala ko ay may klase ka pa. I miss you." sinalubong agad ako ni kuya ng mahigpit na yakap.

"Tita called us dumating na daw kayo at kaya pinauwi agad kami" paliwanag ko sakanya.

"Si Mommy talaga, so you guys have your lunch yet magpapahanda ako kay manang" alok niya saamin. Umiling lamang kami ni Sue bilang pagtanggi.

"Where si Mom and Dad?"tanong ko sakanya.

"Office." simple niyang sagot. Agad akong pumanhik pataas pagkarating ko sa may hagdan ay bumaling ulit ako sakanya.

"Kuya yung gift ko?" tanong ko sakanya. Binigyan niya ako ng isang ngiti bago sumagot.

"Check your room, pinalagay ko na kay Manang kanina. And I'll give your birthday gift sa birthday mo mismo." sagot niya saakin. I smiled widely.

"Thank you Kuya, I love you your the best" Sigaw ko sakanya bago tuluyang umakayat sa second floor. Pagkarating ko sa office nila Mom at Dad ay naabutan ko sila na may kanyang kanyang ginagawa si Mommy ay busy sa kanyang laptop at si Daddy naman ay busy sa ilang mga papel na nakalatag sa kanyang mesa. Kumatok ako sa pinto para makuha ko ang atensyon nila.

"Come in" sagot nila ng hindi man lang ako tinapunan ni kahit isang tingin. Kaagad akong pumasok at dumiresto kay Mommy.

"Hi My, I miss you" sabay halik ko sa pisngi niya. Kaagad naman siyang tumingin saakin at binigyan niya ako ng isang ngiti.

"Hi sweetie I miss you too." Pagkatapos nun ay balik ulit ang atensyon niya sa laptop niya. Tumigin ako kay Daddy at binigyan niya naman ako ng isang ngiti kaya kaagad akong lumapit dito at binigyan siya ng isang yakap.

"I miss you Princess" yumakap siya saakin pabalik at hanalikan ako sa pisngi ko.

"I miss you too dad" sagot ko sakanya.


"Are you excited for your Debut?" tanong niya saakin.

"Yes dad I am." ngumiti naman siya saakin.

"That's good, invite your friends" aniya at agad namang sumagot si Mommy.

"I hear you got a boyfriend" ngumiti at tumango ako sakanya.

"That's good, anak ba yan ng mga Sanchez o ng mga Alv I hear they wanna invest in our company and that will be good" napawi ang ngiti ko sa sinabi ni Mommy. Paano ko sasabihin sa kanila na isang Simpleng tao lang ang boyfriend ko he got no car and no expensive things hindi rin siya galing sa isang kilalang pamilya but his the one I love and his the one who makes me happy.

The Chasing Game (Game Series 1)Where stories live. Discover now