Chapter 7

70 1 0
                                    

Angelic

Lunch time ng magkita ulit kami ni Austyn pinaalalahanan niya ulit ako tungkol sa usapan namin mamaya sa Rooftop. Mabuti nalang at hindi ko kasama si Sue dahil paniguradong katatakot takot na naman na sermon ang aabutin ko sakanya.

"What took you so long Ela kanina pa kita inaantay dito" mataray na salubong saakin ni Sue. Sa di kalayuan ay nakita ko Terry na mukhang disappointed at hiyang hiya habang nakatingin sakanya. I smell something fishy here.

"Anong nangyari?" tanong ko sakanya.

"Wala" pasigaw niyang sagot, Sabay walk out. Kawawang nerd alam niya namang allergy si Sue sa lahat ng klase ng Lalaki ay lapit pa siya ng lapit dito. Binigyan ko nalamang siya isang apologetic look saying sorry for what my cousin did to him, bago tuluyang umalis.

Hanggang matapos ang klase ay badmood si Sue. Kayat pahirapan tuloy ako magpaalam sakanya para umuna na siya sa pag uwi. Pagkarating ko ng RoofTop ay nandun na si Austyn may dala siyang gitara at pagkain at may nakalatag ding matt sa sahig, mukhang pinaghandaan yata niya ito.

"Uy, anjan ka na pala tara kain muna tayo."alok niya saakin.

"Sorry, kanina ka pa ba nag aantay saakin?" tanong ko sakanya.

"Hindi ok lang. late ka lang naman ng five minutes and five seconds" pangaasar niya saakin kaya agad ko siyang sinimangutan.

"Joke lang ito naman, lika upo ka dito" sabay tapik niya sa may tabi niya para doon ako umupo.
Habang kumakain ay marami kaming napagusapan naikwento niya saakin na pinapaaral lang pala siya ng bestfriend ng tatay niya kaya pala lagi siyang top sa lahat ay dahil nahihiya siya dito. Nalaman ko din na may isa pa siyang nakababatang kapatid na babae ang tatay naman niya ay isang pulis at ang nanay niya ay isang housewife lamang, nakakamangha kung gaano ka simple ang buhay niya hindi kagaya ng saakin na sobrang komplikado minsan tuloy iniisip ko na sana kagaya nalang niya ang buhay ko. Pagkatapos noon ay inaabot niya saakin ang pares ng earphone na kadugtong ng sakanya, sari saring kanta ang pinakinggan namin sa dami ng magaganda ay mahirap pumili. Sa huli ay napili ko ang isang kanta mula sa bandang SUD sobarang nadala kasi ako sa emosyon at ganda ng meaning ng kanta at dahil ito rin ang kantang madalas niyang kinakanta. Kinuha ni Austyn ang kanyang gitara at nagsimula na siyang tumugtog unang buka pa lang ng kanyang bibig ay nanayo na kaagad ang mga balahibo ko.

🎶Matagal-tagal din nawalan ng gana
Pinagmamasdan ang dumadaan
Lagi na lang matigas ang loob
Sabik na may maramdaman
Di ka man bago sa paningin
Palihim kang nasa yakap ko't lambing
Sa bawat pagtago
Di mapipigilan ang bigkas ng damdamin🎶

Dati ay lagi ko lang siyang lihim na pinapakinggan sa Music Room, ngayon ay nasa harap ko na siya at kumakanta. He's voice is really angelic, bawat bigkas niya ng mga lyrics ay damang dama mo ito para bang ikinukwento niya sayo ito habang kinakantahan ka niya. Direkta siya saakin nakatingin paminsan minsan ay pumipikit siya at kasabay noon ay sumusulyap ang dimples niya.

🎶Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo
Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila🎶

"Ayos ba?" tanong niya saakin.

"Oo naman ang galing mong kumanta" puri ko sakanya. Umangat ang gilid ng kanyang labi sa sinabi ko, kayat tinaasan ko siya ng kilay dahil paniguradong magyayabang naman tong isang to.

"Halata nga sa expresyon mo kulang na lang ay ngumanga ka sa sobrang galing ko" pagmamayabang pa niya. Napairap nalang ako sa hanging dahil sa kayabangan niya, samantalang siya ay ngiting ngiti sa harap ko. Kadugtong na yata ng Austyn Caleb Mata ang salitang kayabangan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Song Used: Sila by SUD

The Chasing Game (Game Series 1)Where stories live. Discover now