Chapter 11

50 1 0
                                    

I Don't Want

Monday na ngayon at pasukan na ulit, kahapon ay sobrang nag enjoy ako bukod sa nakilala ko ang parents at kapatid ni Austyn ay nakakilala rin ako ng mga bagong kaibigan, i felt like after 17 years of existence ko sa mundong ito ay kahapon lang ako naka meet ng mga totoong tao yung walang arte at walang pakialam sa kung ano man ang estado mo sa buhay. Papasok ako ng school ng salubungin ako ni Sue ng nakataas ang kilay.

"Good Morning Sue" I greeted her. Mas lalo niya lamang akong tinaasan ng kilay.

"Where have you been this weekend?" mataray na tanong niya saakin.

"Sa tabi tabi lang nag mall lang ako kahapon tapos nanood ako ng contest sa kabilang baranggay nung Saturday" paliwanag ko sakanya. Mas lalong tumaas ang kilay niya sa sagot ko kulang na lang ay sakupin nito ang buong noo niya.

"Nag mall ka kahapon ng hindi nagdadala ng Driver? saan ka naman sumakay aber taxi?" natataka niyang tanong saaakin.

"Nag Jeep ako" sagot ko sakanya kaya mas lalong di maipaliwag ang itsura niya.

"What? Nag Jeep ikaw, I can't believe you Ela you have tons of car and driver sa bahay niyo tapos makikipagsisikan ka lang sa maduming Jeep na yun dont you know it's dangerous" pagalit niya saakin.

"Wala namang masama Sue, I'm just curious kaya trinay ko wala namang masamang nangyari saakin. Grabe ka naman manghusga they are not like what you think hindi naman lahat ng tao ay masama" sagot ko sakanya. Mas lalo niya lamang akong tinarayan. I'm just stating a fact I've seen it ang pamilya ni Austyn ay exemption doon they are the kindness and genuine people I've ever meet.

"Do you know what would Tita and Tito's reaction if I tell this to them lalo na kaya ang Kuya mo mayghad they will be hysterical. Their only princess riding a cheap Jeepney I can't believe you" di makapaniwala niyang sabi saakin sabay walk out. Sometimes Sue is like this Over Acting, well I can't blame her were totally opposite she loves her life while I totally hate it.

Buong araw akong di kinausap ni Sue kahit break time ay hindi siya sumabay saakin. Ganyan siya kapag may bagay siyang hindi nagustuhan na ginawa ko it's like she's sending me message na "I won't talk to you until you realize what you did was wrong" pero in the end ay papansinin din ako niyan. Hanggang sa matapos ang klase ay hindi nga talaga niya ako kinausap mukhang galit nga talaga siya saakin. Pagkalabas ko ng School ay nakita kong nakaabang si Austyn sa parking lot kung saan nakapark ang kotse namin kausap niya ngayon si Manong Rene. Pagkakita niya saakin ay agad din siyang tumayo para salubungin ako.

"Austyn anong ginagawa mo dito?" nagtataka ko tanong sakanya. Bigla naman siyang sumimangot sa tanong ko.

"Aray ayaw mo ba akong makita?" patampo niyang tanong saakin. Natawa nalamang ako sakanya.

"Hindi naman sa ganoon, nagtaka lang talaga ako" paliwanag ko. Kumamot muna siya ng Batok niya na para bang nahihiya kaya nagtatanong ko siyang tinignan.

"Ano kasi, gusto sana kitang yayain kumain sa labas jan sa street food alam ko kasing di mo pa na tatry yun. Wag kang mag alala malinis yun at saka libre ko" nahihiya niyang sabi saakin. Ngumiti na lamang ako. That sounds a good idea actually kaya pumayag ako pero may condition kailangan naming sumakay ng Jeepney pauwi nung una ay hesitant pa siya pero ng huli ay pumayag din siya. Pagkarating namin doon ay agad siyang binati ng isang matanda na sa tantsa ko ay nasa 60+ na ito.

"Aling Nita si Ela nga po pala... " pinutol agad ng matanda ang sasabihin niya.

"Nobya mo Iho, abay napaka ganda bagay na bagay kayo dahil napaka gwapo mo rin" nakangiti saamin ang matanda na para bang kinikilig saaming dalawa. Samantalang ako ay hiyang hiya sa complement ni Lola.

"Hindi ko ho siya Nobya Aling Nita, mag kaibigan lang po kami dinala ko po siya dito para matikman niya yung mga specialty niyo" paliwanag ni Austyn sakanya. Ngumiti ulit ang matanda saamin bago sumagot.

"Ayy naku sayang kung ganoon, bakit di mo pa ligawan itong si Ineng ay napakagandang bata at bagay na bagay kayo" panghihinayang na sabi ni Lola. Hindi ko alam kung may mas pupula pa na sa pisngi ko ngayon, napansin naman ito ni Austyn kaya agad niya akong inasar.

"Aling Nita naman sinisira niyo naman diskarte ko e, baka layasan po ako ni Ela tignan niyo po nahihiya na siya" sabay turo niya saakin na ikinatawa naman ng matanda. Inirapan ko na lamang siya samantalang kinindatan pa ako ng loko. Pagkatapos nun ay nagpaalam na ang matanda para ipaghanda kami ng specialty niya. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik ulit ang matanda dala dala ng dalawang paper plate at anim na plastik cup.

Pagkalapag niya dito ay halos wala akong nakilala sa mga pagkain na linagay niya sa mesa. Sa paper plate ay may nakastick na parang intestine at yung isa ay paa ng manok na naka stick, kinakain ba yun. Samantalang sa mga cup naman ay may lamang bilog na kulay orange at yung isa naman ay kulay white na bilog. Sa inumin naman ay may parang coke na may parang gelly sa loob. Nag tignan ko si Austyn ay nakatitig siya saakin at pinag aaralan ang ekspresyon ng mukha ko.

"Ito ang tawag jan ay Isaw at ito naman ay Adidas" turo niya sa mga nakapaper plate.

"At ito namang sa cup ang tawag diyan ay Kwekkwek at ito naman ay Fishball, yung inumin naman ang tawag jan ay gulaman." turo niya doon sa mga pagkain sa cup. Pagkatapos niya iexplain saakin kung paano ito kainin ay nagumpisa na kaming kumain. Nung una ay nag hehesitate pa akong kumain pero ng natikman ko na ito ay masarap pala mas masarap pa nga ito kesa sa mga nakakain ko sa mga sosyal na restaurant.

"Ano nga palang nangyari sainyo ni Sue, nakita ko kayo kanina nagaway ba kayo" bigla niyang tanong saakin.

"Hindi, sadyang ganon lang talaga si Sue" sagot ko sakanya.

"Dahil ba saakin?" nag aalinlangan niyang tanong. Ngumiti ako sakanya bago ko sinagot ang tanong niya i don't want him to think na masama ang ugali ni Sue. She's mean at times pero mabait iyon.

"No, nalaman niya lang na nag Jeep ako nung Sunday kaya yon nagalit" paliwanag ko sakanya habang kumakain.

"Because your the only Princess of the Cohen's family kaya dapat ay laging red carpet ang tinatapakan mo." sagot niya saakin.

"No its not like that, sadyang OA lang si Sue akala niya kasi masasama lahat ng tao because in our world malimit lang ang mapagkakatiwalaan mo you have everyone besides you because of our name" paliwanag ko sakanya.

"Ang hirap naman pala sa mundong ginagalawan niyo, pero balang araw magiging ganyan din ako para naman pantay na ako sayo maisasakay na kita sa magarang kotse at hindi na tayo magtatago kay Sue." sagot niya saakin. Bumababa ang lebel ang tingin ko sakanya. I'm I that bad for making him feel like that. Ayoko ko lang sabihin kay Sue ang lahat kasi pag nalaman niya ito ay paniguradong papalayuin niya ako kay Austyn, at ayoko ko nun I'm enjoy myself when I'm with him nararanasan ko maging normal kapag kasama ko siya, I became happy by his presence and I don't want to loose it.

The Chasing Game (Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon