CHAPTER 3

11.6K 300 20
                                    

Napatingin sila nakin nang makababa ako sa puno. Nakagawa kasi ako ng ingay. Yung isa namang pulis, nakatutok pa yung baril sakin. Tumingin ako sa kanya.

"Sige barilin moko." Sabi ko at ibinaba naman niya yung baril.

"Miss, isa ka ba sa mga residente na nandito kanina sa park? Anong nangyari dito?" Sabi nung isang pulid habang nakatingin sa akin at yung isa niyang kamay nakahawak sa bulsa niya.

Tinignan ko yung laman ng bulsa niya gamit yung x-ray vision at nagulat ako nang may nakita akong hawak niyang folding knife. Gago pala to ehh. Nakatapat na yung hinlalaki niya sa pindutan pero syempre nagulat lang ako. Di ako natakot. Tumingin ako sa kanya ng seryoso at sinuri yung ability niya. Ohh..

.

.

Isa siyang illusionist. Siguro alam na nito kung pano gamitin yung kapangyarihan niya kasi nararamdaman kong pilit niyakong pinapatingin sa mata niya. Sinuri ko yung pulis na katabi niya at kung sinuswerte ka nga naman..

WA-HA-HA!! *evil laugh*

Isa lang naman siyang ability blocker. Basta yung hinfi naaapektuhan ng kahit anong ability, pero syempre maliban nalang sa Loot at kung ano mang ability ang pwede niyang paganahin sa katawanan niya. Kahit illusion kaya niyang pigilan, pero alam kong hindi niya pa alam gamitin yun.

Nakipagtitigan ako sa pulis na yon at nang dumaloy na sakin yung kapangyarihan niya, bigla nalang siyang napaluhod at hingal na hingal. Hehe sorry kuya.

Nakipagtitigan na ako dun sa illusionist at nakita kong umilaw ng pula yung mata niya. Well I know, every illusionist's eyes change into color red everytime they uses their power. At yung mga target lang nila ang nakakakita na nagiging pula yung mata nila.

Kumunot naman yung noo niya nang hindi tumabla sakin kaya naman naglakad ako papalapit sa kanya, at dahil sa pakikipag titigan niya sakin, ako na yung kumuha ng kapangyarihan niya.

Pagkalapit ko sa kanya, napaluhod din siya dahil nga nkuha ko na yung ability niya. Well of course he don't use it right.

Tinignan ko yung dalawa pang pulis at nakita ko yung isa na hawak yung walkie talkie niya at nakatapat sa bibig. Mukang may kinakausap ah.

"Back up sir. ASAP" sabi niya ibinalik na sa bulsa yung walkie talkie. Natawa nalang ako bigla kaya napatingin silang apat sakin, syempre kasama na dun yung mga nakaluhod.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong nung isa at tinapat na yung kamay sa lalagyan ng baril niya.

"Back up? Haha. How pathetic. Do I look like an enemy? Pano kung sabihin ko sa inyong ... ako yung pumatay sa tatlong halimaw na yan?" Sabi ko habang nakangisi.

Bigla namang natawa yung dalawang pulis na nakatayo. Napataas naman yung kilay ko.

"Ikaw?!pfffft~ sa payat mong yan?! Ikaw tatslo sa tatlong to?! Hahahahaha!! Joke time pala ngayon! Hahaha" tawa sila ng tawa. Bsisit. Edi wag kayong maniwala.

Maya maya nakaramdam ako ng bagay na tumusok sa tagiliran ko at tumalikod ako bigla. ANG SAKIT PUTAAAAAAA!!!!! Nakita ko yung pulis na former illusionist (na sa kin na kasi yung ability niya kaya FORMER na). Nanggigigil ako. Ang sakit nun ha.

Nakita kong ngumisi yung pulis at saka ako binelatan. Aba isip bata. Ano siya monggoloid? Muka siyang shimpanzee. Bwisit. Kaurat yung muka. Wala nadin akong naririnig na tawa mula sa dalawang pulis. Tinignan ko yung former Ability Blocker at nakatayo na siya na mukang gulat.

Pero nagulat silang lahat nang bigla kong hilain yung kutsilyo. HAHAHAHA!! ano kayo ngayon! Nagsara agad yung sugat ko at saka ko tinapat sa muka ko yung knife na may dugo ko. Hehe. Bwisit talaga na pulis yun, ang haba nung kutsilyo! Grrrr

The Ability UserUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum