CHAPTER 23

4K 105 13
                                    

"Oh my gosh.." napatakip nalang ako sa bibig ko.

Sa loob ng dalawang sasakyan, kahit basag basag na yung windshield, naaninag ko pa rin yung mga tao dun. Bali tig isa lang naman ng tao yung dalawang sasakyan. Parehas puro dugo yung mga ulo. Di gumana yung parang bilog na may hangin na lumalabas pag nababangga yung kotse. Ahy sorry, nakalimutan ko lang yung tawag dun.

Ginamit ko nalang yung x-ray vision ko para maaninag ko ng maayos. Pero di ko din kinaya yung nakita ko! Napangiwi nalang ako nang makitang ang daming baling buto sa katawan nila. Pero tumitibok pa naman ang puso. Takteng ambulansya naman yan! Bat ang tagal?!

Pinateleport ko yung sarili ko sa rooftop ng building na nasa tapat lang ng pinangyarihan ng aksidente. Tumingin ako sa baba at nang makita kong may ambulansya nang paparating, nabuhayan ako ng loob. Pero malayu-layo pa yun kaya naman gamit ang telekinesis, pinabilis ko yun at agad na pinahinto sa tapat ng mga tao.

Umupo ako sa edge ng rooftop at pinanuod nalang ang nangyari. Nang maisakay na nila sa ambulansya yung mga pasyente gamit ang stretcher, saka na pinag iimbestigahan ng mga pulis yung mga kotse. Umalis din agad yung ambulansya kasabay ng pagdating ng mga reporters.

Wait.. parang... ahy nevermind =_= . Bakit ganun? Kung kelan umalis yung mga pasyente, saka lang nagkuhanan ng pictures yung mga tao at dumating yung reporters. Ganito na ba talaga ang ekonomiya sa mundo? Kung kelan kelangan na ng tulong, dadating lang sila kapag masyado nang malala yung mga pangyayari? Haist =_= dadating lang sila kung kelan tapos na yung insidente? Wtf?

"Miss? What are you doing there?" Narinig kong may magsalita sa likod ko kaya napatalikod ako.

Nakakita ako ng isang lalaking, Amerikano, na nakasuot ng pormal, yung sa mga businessmen, tapos nakasalamin. Mga kaedad lang siguro to nila mommy.

"Oh, I'm sorry. I'm just watching the people down there.." sabi ko at humarap ulit sa mga tao.

"Oh. sorry. Maybe I disturbed you."

"Oh. No! It's okay!" Sabi ko at saka tumayo.

"Excuse me." Sabi niya at tumalikod.

Napansin kong parang may hinugot yung kanang kamay niya sa may bulsa at saka dalidaling humarap sakin at sinaksak ako.

Syempre pagsinaksak ako matutulak ako diba. Edi ang ending, nahulog ako. Tapos nakarinig ako ng sigawan sa baba. Pero ako, nakatayo lang ako habang nahuhulog. Kaya nung nakababa nako, nakatayo lang ako.

"Oh my gosh, how did she do that!"

"She's not even injured!"

"Oh my gosh, she's a monster"

Narinig kong sigawan nila. Eh kung patayin ko kaya yung nagsabi ng monster ako. Gaguhan tayo?

Nagulat ako nang makakita ako ng flash ng camera. Paktay! Nandito pa nga pala yung reporters. So nakuhanan ako?! Wattdapak!!

Tumakbo ako paalis dun at saka tumakbo ng tumakbo at nabanggit ko na bang tumakbo ako? Oo tumakbo ako. Habang tumatakbo sa daang tinatahak ko, alangan naman tumatakbo sa upuan diba, may nadaanan akong tindahan ng TV. Eh kapag dito sa America alam niyo naman yung itsura nun diba?

May malaking salamin na dingding para makita yung magkakapatong na TV sa loob. Edi nakinuod muna ako. Hanggang sa may ipalabas sa balita. Wattda! AKO YUN AHHHH!! nakakainis naman di ko marinig yung sinasabi! Wala ding caption! Anong klase bang balita toh!

Tapos pinakita dun yung mga taong nagsisigawan tas nilipat yung camera sakin habang nahuhulog ako ng nakatayo parin, hanggang sa bumagsak ako nang nakatayo na parang walang nangyari. Paktay.

The Ability UserWhere stories live. Discover now