CHAPTER 44

2.7K 79 1
                                    

3RD PERSON's POV

"Mag-asawang bigtime drug pushers, nagkalat ng illegal drugs sa bansa kaya naman dumarami na din ang gumagamit ng mga pinagbabawal na gamot..."

Narinig ni Haruna ang balita sa telebisyon. Nandito siya sa isang Laundry shop at pinapalabhan lahat ng madumi niyang damit. Tinatamad daw kasi siyang bumili ng bago.

"Mga pushers na naman. Hindi na bago yan. Wala din namang nagagawang pagbabago ang mga pulis eh. Sa pangalan lang sila magaling." Pangre-realtalk ng isang crew nitong laundry shop.

Napatango naman sa sarili si Haruna dahil sa sinabi ng babae, kahit alam niyang hindi naman siya ang kinakausap nito.

Umalis na si Haruna sa laundry shop dahil wala din naman siyang magagawa kung hihintayin niya pang matapos yung pinapalaba niya.

Naglalakad siya sa may tabi ng highway nang makita niya sa isang eskenita ang kumpol ng mga lalaki.

Dahil sa kyuryosidad ay walang ibang nagawa si Haruna kundi lumapit upang malaman kung anong ginagawa nila.

Dahan dahan lang siyang naglakad habang ginawang invisible ang kanyang katawan upang hindi mapansin ng mga lalaki ang pagdating niya.

Pinalutang niya din ang sarili niya para makita ang nangyayari sa gitna. At duon niya na kita na nagpapalitan ng marijuana, shabu, ecstasy, etc., at pera ang mga lalaki.

Sa sobrang inis ng dalaga ay pinaapoy niya ang mga pera at drugs na hawak ng mga lalaki na labis na ikinagulat ng mga ito.

"AHHHHHHHHHH!!!" ganun na lamang at nagsigawan ang mga lalaki at nagtatatakbo paalis.

"Mga duwag naman pala eh. Bakla." Sabi ni Haruna sa kanyang sarili.

Naglakad nalang ng normal si Haruna at kumakaway kaway pa nga sa mga taong kanyang nadadaanan.

Napatigil si Haruna nang makakita ng dalawang bata na naghahabulan. Hindi ito normal na habulan. Nanlaki pa nga ang mga mata ni Haruna dahil sa nasaksihan.

Habang nanghahabol yung isang bata ay kasabay nito ang pagpapalabas niya ng malilit na apoy sa kanyang kamay.

Umiilag naman ang batang hinahabol niya kasabay ng pagpapalabas naman nito ng tubig sa kamay niya.

WHAT THE ACTUAL FUCK IS HAPPENING.

Nasabi na lamang ni Haruna sa isip niya. Hindi siya makapaniwala. Bakit nila pinapakita sa mga tao ang kapangyarihan nila?!

Ang daming taong nagkalat na kinukuhanan ng video ang mga batang naglalaro.

"Ang galing ng kapangyarihan natin!! Ang bait talaga nung maliit na mama na ang pangit noh!!" Gulat na gulay si Haruna sa kanyang narinig.

HARUNA's POV

Hindi man halata pero natataranta nako! Di ko alam gagawin ko! Fvck!

The lives of those kids are in danger! Pano kung hindi nila alam na may nakakakita na pala sa kanila na halimaw?!

Fvck. Fvck. Fvck.

What should I do?

Kung ako ang tagapahligtas ng mga batang yan, anong gagawin ko?

Uhhhmmmm. Isippppp

Shoot!

May nakita akong tindahan ng cotton candy sa may di kalayuan kaya dali dali akong nagteleport duon at bumili ng dalawa.

Tumakbo naman ako papunta sa may mga baga at saka inilahad ang kamay kong may cotton candy.

Napahinto naman ang mga bata sa paglalaro at napatingin sakin. Maski yung mga tao ay napatingn samin.

The Ability UserOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz