CHAPTER 26

3.8K 114 23
                                    

Hinablot ko yung pagkalaki niyang paa at saka ko binuhat. Tumayo ako at saka siya hinagis sa may gilid. Tumakbo ako ng mabilis papalapit sa kanya at saka siya pinagsusuntok sa tiyan, dahilan para madurog siya at tumalsik ang mga laman laman at dugo niya.

Pero pinigilan ko yung mga pupunta sana sakin na dugo't laman niya gamit ang telekinesis ko. Sakto naman may humablot na naman sakin at kinulong ako sa kamao niya.

Naramdaman kong humihigpit yung pagkahawak niya sakin kaya naman kumawala nako at nadurog yung kamao niya. Pinalipad ko yung sarili ko at saka siya in-flying kick sa muka. Boom durog. Syempre pinigilan ko din yung mga dugo't laman na papunta sana sakin. Ayokong madumihan noh. Ew.

Bumaba nako at saka sinugod yung isa. Nagpalabas ako ng maraming apoy mula sa kamay ko, paderetso sa kanya kaya maya maya lang ay nalusaw na siya.

Tumingin ako sa paligid at nakita kong ang daming mga pulis at saka mga taong nagvivideo o nagpipicture.

Nang matalo ko na yung mga halimaw, tumingin ako sa sarili ko at wala manlang akong bakas ng karahasan. Yosh!!! Success. Di ako magapaplit ng damit. XD

Lumabas nako ng park ng walang emosyong pinapakita sa muka ko. Nang makalabas nako, saka naman sabay sabay na lumapit sakin yung mga pulis habang nakatutok sakin ang mga baril nila. Susuko na ba ako? O hindi? Dapat bang magtago nalang ako? O tutuloy ako sa kanila dahil sa ginawa kong pagsira sa airport?

**

Nakasakay kami ngayon sa private plane na exclusive para samin lang. Pauwi kaming Pilipinas. Kasama ko yung mga pulis dahil nga sumama nako.

Kumakanta lang ako ng kantang Chipokke Na Ai No Uta ni Koeda Riko dun sa Japanese movie na Liar and His Lover. Panuorin niyo yuuuuun! Ang gandaaaaa! Kakilig powtekkk!

"Miss Haruna, please low down your voice. All of us are quiet but you're the only one who's talking." Sabi nung isang pulis. Aba pinagalitan pako.

"That's it! Yan ang hirap sa inyo! Ako na nga tong sumuko at sumama sa inyo, ako patong kinagagalitan niyo! Buti nga kumakanta lang ako eh! Buti sana kung sinira ko na tong eroplanong to, alam niyo namng kaya ko diba?!" Sigaw ko at tinaas pa ang isang paa at bumirit pa lalo.

Nakita kong namutla yung pulis na kumausap sakin. Pa english english pa kasi, halata namang Pilipino to.

"CHIPOKKE NA AI NO UTAAAAA!!! AHHHH! AI NO UTAAAAA!!!!!" birit ko kaya napapapikit nalang yung mga pulis at yung iba tinatakpan yung tenga. Luh? Ang galing ko kayang kumanta.

"BOKU NO SONZAI GA---" naputol yung pagkanta ko dahil sa pagsigaw ng isang pulis.

"Miss Haruna tumigil ka na!!" Inirapan ko lang siya at kumanta paren pero yung normal na at hindi masyadong nilakasan pero alam kong sapat parin yun para marinig nilang lahat.

"Tangina niyo ah. Baka gusto niyong magteleport ako paalis para habulin niyo ulit ako?!"

"A-ano? S-s-sige k-kumanta ka na pala!"

Natawa ako ng bahagya dahil sa sinabi ng pulis na ngayon ay pinagpapawisan na. Pinagod ko ba sila sa kakahabol saken? XD

Imbes na kumanta, natulog nalang ako ng mahimbing.

**

"Miss Haruna, gumising ka na. Nandito na tayo." Naramdaman kong may umaalog sakin kaya inis kong minulat ang mata ko.

"Gago ka ba? Alam mo bang pwede akong magka-brain damage ng permanent dahil jan sa ginagawa mo? Ginigising moko ng biglaan?! Sana binuhat niyo nalang ako! Buwisit!!" Sigaw ko at saka natulog ulit. Bahala sila ah.

The Ability UserWhere stories live. Discover now