CHAPTER 11

6.2K 171 3
                                    

Kinuha na nung cashier yung pera at saka ako bumalik sa pwesto namin. Nilagay ko sa bulsa ng palda ko yung wallet ko.

"Tara na Allen?" Tanong ko kay Allen. Tumayo naman siya at tumango habang nakangiti.

"Una na kami" sabi ko at saka hinawakan yung kamay ni Allen.

"Sige ingat kayo." Sabi ni Bianca kaya ngumiti ako.

"Deretso kayo sa dorm pagkatapos ha." Sabi naman ni Izzie kaya ngumiti din ako at tumango.

"Byebye" sabi ni Ayumi at saka na kami nagteleport. Sa may parking lot kami ng mall pumunta. Tinignan ko yung mall. M-MOA? Eto ba yung Mall Of Asia? Ang laki pala.

Tumingin ako sa paligid at nakita kong ang dami png tao. Hawak kamay kaming naglakad ni Allen papunta sa entrance. Nang makarating kami dun pinagtitinginan npkami ng mga tao, bukod sa nakapaa ako, sira pa yung damit ko at may dugo pa. Di nalang namin sila pinansin at pumasok na.

Pagkapasok palang, pinagtinginan na naman kami ng mgatao. Haisttt ano ba yan. Kairita naman. Hinanap nalang namin yungbbilihan ng damit kasi baka may scarf dun. Wala kasi akong scarf eh haisttt.

Nang may makita kaming bilihan ng damit sa di kalayuan pumunta na agad kami dun.. habang naglalakad, nagsalita si Allen.

"Grabe yung kanina. Di ko akalain na sasaksakin ka nung lalaking yun" napatango naman ako sa sinabi niya.

"Oo nga. Nakakainis siya. Ang ganda ng pagkausap ko sa kanya. Buti nalang talaga agad kong nakuha yung kapangyarihan niya nung nakipagtitigan ako sa kanya."

"Buti na nga lang. Tas alam mo ba, di ka nakapaghugas. Tignan mo yung baba mo may dugo pa. Pffft~ para kang bampira" sabi niya habang natatawa. Pabiro ko naman siyang sinamaan ng tingin.

"Nakalimutan ko lang. Ehh hindi ko nga maalala na may dugo pa pala sa bibig ko kasi halos mahimatay nako ss gutom. Haha" atbsaka kami nagtawanan. Pagdating sa shop, pumasok agad kami.

Binitawan ko na yung kamay ni Allen at saka ako naglibot. May nakita naman agad ako sa dulo na maraming mga scarfs na nakapatong sa lamesa tas yung iba nakasabit sa may sabitan. Waaaah ang damiiii tas ang kukyutttt.

Agad agad akong lumapit at saka namili ng pwedeng bilhin. Hmmm. Kinuha ko lahat ng nakasabit. Mga lagpas siguro ng sampu yun. Hehe ang gaganda kasi iba ibang kulay. Dala dala ko yung mga scarf habang naglalakad papuntang counter kaya pinagtitinginan ako. Pagkarating ko sa counter nilapag ko agad yun sa desk.

Mukang nagulat pa yung cashier pero inpunch naman na niya yung mga tag sa puncher.

"1,275 pesos po lahat miss." Sabi nung babaeng cashier habang nakatingin sa tiyan ko. Tinignan ko yung tiyan ko at nakita kong nakikita pala yun kasi butas yung damit ko. Hehe gomennasai.

Kumuha agad ako ng pera sa wallet ko at saka binigay sa kanya. P2,000 yung binigay ko kaya sa unang pagkakataon sa buhay ko, hinintay ko yung sukli. XD

"725 pesos is the exchange. Thank you ma'am." Kinuha ko na yung sukli at nilagay sa wallet ko. Hehe. Kinuha ko na yung dalawang malaking paper bag na pinaglagyan ng mga scarf na binili ko. Matatanggal pa kaya yung marka sa leeg ko? Haist. Ipinasok ko yung kamay ko sa loob ng scarf ko sa leeg at nakapa ko pa rin na nandun yung marka.

Tinanggal ko na yung kamay ko sa scarf at saka ko hinanap si Allen. Nakita ko siya sa may labas ng shop at mukang naghihintay sakin. Natawa nalang ako kasi pinagtitinginan siya ng mga babae at mukang kinikilig pa. Nilapitan ko siya at kinalabit. Napatingin naman siya sakin.

"Uy. Hehe tara na?" Tumango ako. Kinuha niya yung paper bag at siya na yung nagdala.

Naglakad lakad kami at naghanap ng lugar na walang tao. Nang makita ko yung isang sulok dun na walang tao, tas may hagdan sa gilid, agad agad kong hinila si Allen dun. Pagkadating, tumingin muna ako sa paligid.

The Ability UserWhere stories live. Discover now