CHAPTER 27

3.7K 105 4
                                    

Nang maka 20 push ups na sila, tumayo sila at tinignan ako ng masama.

"Bat mo ba kami pinaganon!?!" Sigaw nung isa.

"Para matauhan kayo!! Nagsusuntukan pa kayo jan! Eh ano ba kasing dahilan kung bat kayo nagsusuntukan?!"

"Eh natalo sila sa pustahan namin tapos di naman pala magbabayad!!" Nagulat ako sa sinabi nung isa,

"Puta! Bat ang babaw niyo?! Nang dahil lang sa pustahan eh mag aaway na kayo?! Hindi lang nagbayad eh sisirain niyo na yang pagkakaibigan niyo?! Hala!! Anong nangyare?! Asan ang hustisya?! At kayo naman!! Bakit ba di niyo binayaran?! Natalo pala kayo tas di pa kayo nagbayad! At sa inyong apat! Bat kayo nagpupustahan!! Di niyo ba alam na masama yon?!"

"Aba! Eh bat kasi nangingialam ka?! Eh away namin to diba?!"

"Bawal na bang tumulong sa iba?! Bawal na bang pigilan ang away ng iba?! Ano?! Kelan naging bawal yon?! May batas na ba?! Nasan?! Sinong gumawa?! Kelan inaprubahan?! Puta! Tumigil na kayo sa pag aaway hangga't di pa lumalala yan!! Pag di kayo tumigil bubugbugin ko kayo!"

"Ha! Ikaw?! Mambubugbog?! Samin? Hahaha! Tawa nalang tayo! Puta! Oo nga sexy ka! Pero babae ka paren!" Sabi ng isa kaya napangisi ako.

"Talaga. Then can you do this?" Sabi ko at kumuha ng isang malaking bato at saka yung dinurog ng isang kamay.

"H-how..."

"See? Ngayon, kung di kayo titigil sa pag aaway niyo, malilintikan kayo saki---"

"T-tol sorry na, di ko naman sinasadya! Sorry ang laki naman kasi ng pinusta ko. Akala ko mananalo ako pero hindi pala. Sorry na tol!!" Sabi nung isa at niyakap yung kasama niya.

"Oo bro sorry din, okay lang samin kahit di niyo na bayaran. Wag na tayo magpustahan!" Sabi naman ng isa at yumakap din sa kasama niya.

Nagpalitan sila ng yakapan hanggang sa mayakap na nila ang isa't isa kaya napangiti ako.

"Yan, bati na kayo. Oh siya, mauna nako ha."

Inalis ko na sa ilusyon yung iba at saka ako naglakad paalis.

Sana wala akong ma encounter na halimaw ngayong araw, di ko trip pumatay ng halimaw ngayon eh. Haist.

Naglalakad lang ako hanggang sa bigla akong tumilapon. Ehh?

Bumaba akong nakatayo at tumingin sa likod ko. Nakita kong may kotse na red na yupi yupi yung harap. Wait, nabangga yata ako neto!

Naglakad ako papalapit dun at saka kinatok ng marahan yung bintana. Nagbukas naman yun at nakita ko... nakita ko si... si...

"Beth!!!" Napasigaw nalang ako nang nakita ko si Beth na pawis na pawis at gulat na gulat na nakatingin sa harap, at nanb marinig niyakong sumigaw, napatingin siya sakin.

Binuksan niya yung kotse at saka bumaba duon. Dali dali naman niyakong niyakap kaya walakong nagawa kundi yakapin din siya pabalik.

"Ate Haruna!!!!!" Nagulat ako nang sumigaw siya at napahagulgol.

"B-Beth... what happened?" Hinaplos ko yung buhok niya.

"Ate... buti okay ka lang!! Lagi kitang hinahanap!! Nagulat ako nang malamang nakakulong ka na pero di ako naniwala. Hinanap kita ng hinanap dito sa buong Pilipinas dahil hindi ako naniniwalang masama kang tao!! Ate!!! Sorry kasi ngayon lang kita nakita at di kita naipagtanggol sa iba!!!" Napaluha at napangiti nalang ako dahil sa kanya.

"Salamat. Wag ka mag alala, wala nang bisa yung kaso ko at nakalaya nako nung isang araw pa."

"Thank God!! Ate alam kong hindi ka na madsling magtiwala sa mga tao.. pero promise ate di ako katulad nila!!! Mabait ako ate at ganun parin ako sa datiiiiii!!!!!" Umiyak siya lalo. She looked at me with pleading eyes.

The Ability UserWhere stories live. Discover now