CHAPTER 12

5.7K 169 19
                                    

"Mind telling us what your dream is?" Tanong ni MM matapos kong mahimasmasan at uminom ng tubig. Nandito parin kami sa dorm.

"Wag nalang nating pag usapan yon." Sabi ko at ngumiti ng mapait.

"Sige. Kalimutan na natin yon. Pati ikaw." Sabi ni Andie kaya tumango ako.

"Ano nga palang nangyari sa creature na yun kanina?" Tanong ko. Nagkatinginan naman silang lahat.

"K-kahapon pa yun." Napatingin naman ako kay Nicco habang nanlalaki ang mga mata.

"K-kahapon?" Di makapaniwalang tanong ko. Ang tagal naman ng tulog ko?

"Yah. Ang himbing nga ng tulog mo eh. Pero ang problema..." di muna tinapos ni Bianca yung sinabi niya at tumingin kay Izzie na parang nagtatanong kung itutuloy niya ba. Tumango naman si Izzie. "That freaking creature left a mark on you again." Dagdag niya kaya nagulat ako.

"What mark?"tanong ko. Binigyan naman ako ni Andie ng salamin at kinuha ko yun at tinignan ko yung reflection ko dun.

"Pakshet" yan nalang yung nasabi ko nang makita ko yung itsura ko.

Well maganda parin naman ako. Pero yung marka sa leeg ko, mas lumaki, parang ginilitan yung leeg ko tapos sobrang pula pa. Yung pisngi ko naman, parang napaso. Parang nalapnos yung balat pero gumaling na.

Bwisit na halimaw na yun. Kailangan kong malaman kung kanino ka galing at kung sinong nagmamay ari sayo.

"Alam niyo bang nabiktima nako ng parehong creature na yun dati." Nakangiting sabi ni Ayumi kaya napatingin kami sa kanya. Napansin ko naman na nanlaki yung mga mata nila Nicco at Bianca.

"Ako din" sabay na sabi nung dalawa.

"Tayong apat?" Gulat na tanong namin ni Ayumi. Sabay sabay din kaming tumangong apat na Loots. W-wait.

"Loots" sabay na sabi ni Izzie. Uso ba ang Glee ngayon at nagsasabay sabay kami magsalita? Echos. Loot ang ability naming apat. What the hell.

"So kayong mga Loot ang pakay niya?" Tanong ni Allen.

"What the hell." Sabay na naman kaming apat na Loot.

"Nagulat nga ako nung ikwento mo samin kahapon sa van kung pano mo nakuha yung sa leeg mo. Kasi yung dati sakin, sinakal niya din ako." Sabi ni Ayumi.

"Ako din nagulat. Sinakal niya din ako dati." Sabi naman ni Nicco.

"Me too." Sabi naman ni Bianca kaya mas lalo akong naguluhan.

"BAT AKO MAY KASAMANG SAMPAL?!?!" galit na tanong ko kaya naman napatawa sila.

Nagulat kami nang may marinig kaming ingay sa may bandang likod nila. Humarap kami dun ng sabay sabay at nakita naming parang naiba yung pwesto nung maliit na lamesa. Napangisi ako.

"So someone's listening to us?" Nakangisi kong tanong kaya napatingin sila sakin. Tumayo ako at naglakad papalapit sa lamesa. Ginamit ko yung xray vision ko at may nakita akong tao sa may paanan nung kama ni Andie.

"Hey kiddo" sabi ko at humakbang papalapit sa kanya. Nakita ko namang may hawak siyang kutsilyo kaya dali dali siyang tumakbo papalapit sakin at sinaksak ako. Nagulat yung SC members pati si Beth pero ako tinanggal lang yung kutsilyo sa tiyan ko.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa taong yun. Muka siyang babae kasi mahaba yung buhok.

"Sino ka?!" Narinig kong pasigaw na tanong ni Beth kaya naman ginawa ko nang normal yung paningin ko. Nagpakita na pala yung babae.

"Napag utusan lang ako!!!" Sigaw nung babae at nagsimula nang tumulo yung luha niya.

Nakita kong tumayo si Andie at pumunta sa pinto at hinarangan yun. Ako naman tinapon sa sahig yung hawak kong kutsilyo. Haist . Sirang damit na naman. Yung ibang SC naman tumayo at pinaikutan yung babae. Si Beth nakaupo lang at nakikinig samin.

The Ability UserDonde viven las historias. Descúbrelo ahora