CHAPTER 24

3.6K 103 3
                                    

Dinala ako ng mga pulis sa pinakamalapit na Police Station at saka ako pinapasok sa interrogation room.

May lamesa sa harap ko tapos may pulis sa kabila. Ano to? May kasalanan ba ako? What is it? May laptop na nakapatong sa lamesa at nakaharap yun sa pulis na katapat ko. Sinuri ko siya at wala akong mabasang ability niya. So it means... what the hell? Pero bahala siya. Interviewin niya muna ako bago ko siya dispatsahin.

"Please explain this." Hinarap niya sakin yung laptop habang may nagpeplay na video dun. May isang babae at lalaki ang nakukunan na nakaupo sa waiting area ng NAIA terminal 1. Maya maya nakita na yung babae ay may kinuha sa kaharap nitong upuan.

Parang may pinutol siya at saka niya yun tinapon sa sahig sa kanan nila. Sa parte ng airport kung saan walang taong dumadaan. Maya maya nagcrack ang sahig na pinagtapunan nung bagay na yun at saka nagsimulang lumindol. Lahat ng maraming tao nagkagulo at nagtakbuhan palabas.

Lumaki yung basag ng sahig at kumalat yung sira. Masyado nang magalaw yung footage dahil nga lumilindol. Hanggang sa tumigil yung paggalaw. Eto yung part na ginamit ko na yung telekinesis ko para ipahinto yung lindol.

Pero maya maya lang bigla ulit lumindol at may mga debris nang nahuhulog galing sa kisame o dingding. Eto na siguro yung part na umalis na kami ni Allen. At saka namatay yung video kaya napatingin ako sa officer na halimaw na nakatingin sakin.

"Ano pong ieexplain ko?" Walang emosyon kong tanong.

"This." May pinindot siya sa laptop at lumabas dun yung close up picture ko na in-screenshot lang dun sa footage na nakunan. Malinaw na malinaw yung picture at halatang ako talaga yan.

"How can you say that it's me?" Masungit kong tanong.

"Because of your face." Maikli niyang sagot.

"Oh. Good job. You have good eyes. Well it's me. There's no need to explain any further details because as you can see, I'm the one who did that to YOUR airport. Ngayon, anong gagawin niyo sakin? Ikukulong niyoko? Papatayin? Pag eeksperimentuhan? Kukunin ang ability ko? Ano?" I stated and questioned.

"tama ka, papatayin ka lang naman namin. Salamat nalang sa mga mabubuti mong kaibigan. Dahil kung di dahil sa kanila, hindi namin malalaman kung nasaan ka. At alam mo ba, sikat ka na din sa America. At mas lalo kanh sisikat, dahil yung pinaniniwalaan nilang halimaw, ay nahanap na nila." Nakangisi nitong sambit.

Nagulat ako sa sinabi niya.. sila Allen ang nagsabi sa kanila kung nasan ako? Sila ang nagpahuli sakin? What the actual fuck.

"Y-you're kidding, right?" Di makapaniwala kong saad.

"Sana nga eh. Pero hindi. As if I care." Maarte nitong sabi. Hala? Bakla to?

"Pero sila Allen. Hindi nila magagawa sakin to." sabi ko hanggang sa may mamuo nang luha sa dalawa kong mata.

"Kawawang bata. Ang babait ng mga kaibigan mo noh? Sa sobrang bait nila, tinraydor ka na nila. Ano? Gusto mo pa bang bumalik sa mga traydor mong kaibigan o sasama ka samin at kukunin namin yang kapangyarihan mo."

"Ano ako? Tanga? What makes you think na sasama ako sayo?" Walang alinlangan kong sagot hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko dahil hindi ako makapaniwalang tinraydor nila ako.

"Sumama ka sakin," tumayo siya at dumiretso sa pintuan.

Sumunod ako sa kanya at lumabas kami ng interrogation room. Nakita ko sina Allen. Ang buong SC, na nakaupo sa may gilid at nakayuko. Nang makita nila ako, tumayo sila at lalapit sana sakin pero yumuko ako kaya napahinto sila. Saka naman tumulo ang luha sa mga mata ko.

The Ability UserWhere stories live. Discover now