CHAPTER 41

2.8K 78 6
                                    

"OKAJIMA-KUN!!! NANISHITERUNO?!?!" napasigaw nalang ako at tumakbo papalapit sa kanya. (What are you doing?)

Si Taiga Okajima. Naalala niyo pa ba siya? Siya yung nakilala namin sa mall na tinawag din akong halimaw na niligtas ko sa mga bumaril sakin at kasama sa hospital saka naghatid samin sa tenement. Hooo!

Napatingin sakin ang lahat, including Taiga-kun, of course.

"Huh? S-sino ka--- wait, kilala kita ah! S-Sandali, wait~--- HARUNA-SAN!!!" nilapag niya sa may ibabaw ng coffee machine yung yung kape niya at saka ako niyakap ng mahigpit. Teka... close ba kami?

"Okajima-kun... alisin mo nga yung bus mo dun!" Sabi ko kaya humiwalay siya sakin.

"Sandali nga! Hindi pako tapos magkape eh! Nilalamig na sikmura ko!" Inubos na niya yung kape niya at nagtaka ako nang tumingin siya sa likod ko.

Tumalikod ako at nakita ko si Aina na nasa likod ko nakatayo habang nakayuko.

"Daijobu desu ka?" (Are you okay?)

"M-Mochiron! It's just that I--- uhmm... t-the people are staring at us." Napatingin ako sa mga tao at galit silang nakatingin samin.

"Ano ba?! Wala ba kayong balak alisin to dito?!?!" Sigaw nung isa na sinang-ayunan naman ng iba.

"Gusto niyo sumama sakin?" Nakangising sambit ni Taiga.

Tumingin ako kay Jaxxy at ngumiti naman siya sabay tumango. Muli akong humarap kay Taiga sabay sabing, "Tara!"

Sabay sabay kaming tatlo tumakbo papasok sa bus. Nakita kong walang tao sa loob.

Sa labas ng bus, dark blue yung kulay at tinted yung bintana. Tas dito sa loob, medyo madilim dahil may mga kurtina pero malamig naman dahil sa aircon.

Pumwesto ako sa may pinakalikod at tumabi naman sakin si Aina. Nagsimula nang magdrive si Taiga at umalis na kami sa lugar na yon.

"Almusal muna tayo!" Narinig kong sigaw ni Taiga kaya sumang ayon kami. Gutom na gutom na din ako eh. :(

Inihinto niya yung bus sa may tabi ng hotdog stall.

"Ako nalang bababa!" Sigaw ni Taiga at bumaba na nga.

***

After 10 mins siguro bumaba na siya nang may dalang dala2ang pastics na puno ng hotdog sandwich.

"Ang dami naman yata?" I asked.

"Sabi mo gutom ka na eh." At saka niya samin binigay yung dalawang plastic na puno ng hotdog sandwich matapos kumuha ng dalawa.

"H-How did you know?"tanong ko ulit.

"Mind reader yata ako." Pagmamayabang nito habang nakangisi, tumango nalang ako. "San ng pala si Rio?"

Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Hahanapin niya pala talaga.

"Hala! W-Walang malisya, Haruna! I just want to know where she is!" Napangisi ako dahil sa pagiging defensive niya.

"Sus. Ayun nandun siya sa tenement nila. Don't worry. She's fine." Pagsagot ko nalang. Bumalik na siya sa driver's seat at nag drive.

"Haruna kumain ka na din." Inabutan ako ni Aina ng isang hotdog aandwich na nalagyan na ng toppings.

Kinuha ko na yon at nagpasalamat sa kanya.

**

Ubos na namin yung pagkain at kasalukuyang umaandar ang bus ni Taiga ngayon.

Kunuha ko ang Pistole_38/Walther 38 ko sa bag na ikinagulat ni Aina at umusog ng konti palayo sa akin.

"W-what is that? B-B-Bakit ka may ganyan?" Nauutal niyang taning at pinagpapawisan na. Bahagya akong natawa na mas ikinagulat niya. Now I regret that I laughed~

The Ability UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon