CHAPTER 25

3.8K 101 5
                                    

Nadala ako ng galit ko kaya nasabi ko lahat yon. At di ko alam na umiiyak na naman pala ako. Pati yung babaeng pinapagalitan ko umiiyak na din.

Buti konti lang yung mga tao sa paligid kaya wala masyadong nakakakita sa amin.

"Pasensya na.. di ko na talaga kasi kaya..." pag hagulgol niya pero naintindihan ko naman yung mga sinabi niya.

"Hindi mo kaya?! Bakit ako kinakaya ko?! Oo magkaiba tayong tao at magkaiba din ang problema naten.. pero mas maganda kung ilalabas mo lahat ng sama ng loob mo!! Magkaiba tayo ng problema pero parehas tayong may solusyon para sa mga yon! Akala mo ba madali lang na iwan ka ng mga kaibigan mong pinagkatiwalaan mo ng sobra?! Yung mga kaibigan mong binigyan mo ng second chance pero wala! Sinayang lang nila yon!!

3rd chance doesn't exist!! Akala mo ba madaling kalimutan yung mga ginawa nila sakin?! Yung mga pagsisinungaling nilang lahat?! Yung masasayang muka nila nung makita ulit nila ako?! Hindi!! Hindi ko yun makakalimutan!! Ang sakit sakit!!!!

Ikaw?! Yang problema mo! May itatapat ba yan sa problema ko?! Sa problema ko na lahat ng tao galit sakin?! Lahat ng tao iniiwasan ako na para bang isa akong nakakadiring nilalang?!?! Lahat sila ang turing sakin kriminal!!

Wag mong itago sa sarili mo yung problema mo!!" Pagwawala ko at napaupo nalang sa sahig habang humahagulgol. Pati yung babae humahagulgol na din.

Magkaharap kaming nakaupo sa sahig habang umiiyak. Parehas sawi. Parehas malaki ang problema. Gusto nang sumuko pero hindi pwede. Hindi pwede dahil alam naming kaya pa namin.

"S-sorry.. I'm sorry, Haruna..." sabi niya. napatakip nalang ako sa muka ko dahil sa sobrang pag iyak.

Hindi nako makahinga. Tapos may sipon pako. Wow naman eh noh. Putspa. Syete ang hirap pala huminga pag umiiyak ng sobra.

"Don't be. You don't need to apologize to me. Apologize to yourself. You need to stand up and live your life. Stay strong and never give up. Dapat tandaan mo na lahat ng bagay kaya mo at lahat ng problema masusulusyonan mo. Tandaan mo yan..." mahina kong sabi sa pagitan ng paghikbi ko habang patuloy na umiiyak.

"I promise. Thank you, Haruna. And... goodbye." Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

Sakto pagkaangat ko ng ulo ko'y nakatayo na siya at isasaksak na sana sa ulo ko yung hawak niyang kutsilyo pero pinigilan ko yon gamit ang telekinesis ko. Nanlaki ang mga mata niya at hindi siya makagalaw kaya naman I took the advantage to stand up and run.

Mas lalo akong naiyak habang tumatakbo...

.

.

.

.

.

.

Nagtiwala na naman ako....

"PUTTTTTTTAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" ubod na lakas kong sigaw para mailabas naman yung galit ko... "AYOKO NAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Buti nalang walang tao dito sa part nato. Medyo mahaba haba na yung natakbo ko kaya huminto muna ako at isinandal ang mga kamay ko sa mga tuhod ko. tumalikod ako at wala akong nakitang kahit anong tao. Kaya napaluhod ako at saka mas lalong umiyak..

"G-gusto ko *sob* lang naman na... na *sob* matulungan sila... bakit *sob* bakit ako pa ang masama?" Umiiyak kong sambit sa pagitan ng mga hikbi ko.

Bakit ba ang daming gustong pumatay sakin? Ganun ba talaga ako kasama sa paningin nila? To the point na dapat nila akong patayin?!

K-kaya ko to.

The Ability UserWhere stories live. Discover now