CHAPTER 43

2.6K 77 5
                                    

"Oh ano nang gagawin natin ngayon?" Tanong ko kay Allen habang nakakapit sa braso niya. Wala, ayoko siyang mawala eh.

"Gawa tayong baby." Mahinang sabi nito pero dahil malakas ang pandinig ko, narinig ko siya.

Wait, di muna maano ng utak ko ehh..

Processing..

10%

45%

77%

99%.....

FVCK!

"WHAT THE HELL KAIRO?!" Hinampas ko siya sa braso dahil sa gulat.

Feeling ko para nakong carrot/kamatis dahil dito!

"Ahahahahahha" tawa lang ng tawa si Allen.

Hmp! Ang loko talaga nito.

Habang naglalakad paalis at papunta sa kotse ni Allen, bigla akong nakaisip ng idea kung saan kami pupunta.

**

"Hi AC, hi Angelo!" Bati ko sa puntod ng mga kapatid ni Shena.

Naaalala niyo pa ba sila? Sila yung mga kapatid ni Shena na pinatay ni Marvin na kami ang gumawa ng kabaong at kami din ang naglibing.

At kung hindi ako nagkakamali, nagpromise ako sa dalawang to na babalik ako para dalawin ulit sila.

Hmm. Ang ganda parin dito. Ang daming puno at mga halaman. Malinis at malinaw parin ang tubig ng ilog. Pero medyo maalikabok na yung dalawang krus na itinayo namin.

Gamit ang kapangyarihan ko, nagpalabas ako ng tubig at paunti unting ibinuhos yun sa may krus habang pinupunasan ko ito ng kamay ko.

"Ayan malinis na." Sabi ko habang pinapahpagan ang kamay ko.

Tinignan ko si Allen na kasalukuyang nakahiga ngayon sa may damuhan sa ilalim ng isang puno. Pinagmasdan ko siya at nakita kong ang himbing ng tulog niya.

3RD PERSON's POV

Pinagmamasdan lamang ni Haruna ang natutulog na si Kairo. Nakita niyang merong mga tuyong dahon na nakakalat sa damuhan kaya naman dali dali siyang nagpalabas ng walis tingting sa kanyang kamay.

Winalisan niya lamang ang damuhan upang maalis na ang mga tuyong dahon. Nais niyang mapanatiling malinis at mapayapa ang lugar na ito dahil gusto niya itong alagaan. Gusto din niyang mapasaya ang mga kapatid ni Shena.

Shena.

Naalala ni Haruna ang pangalan na yan. Isa na si Shena sa mga naging kaibigan nito.

Ngunit mistulang kumirot ang puso ng dalaga ng maalala niyang isa din si Shena sa nangtraydor sa kanya. Buong akala niya'y makakahanap na siya ng tunay na kaibigan, pero wala iyon dahil tinraydor siya ng mga ito.

Di namalayan ni Haruna na umiiyak na pala siya habang nagwawalis. Habang nag wawalis ay iniisip at inaalala niya lahat ng masasayang ala-ala niya kasama sina Izzie, at ang buong SC.

Hindi siya naiinis sa kanila, lubos siyang naaawa sa mga ito.

Naaawa siya dahil nalamon sila ng galit at inggit.

"Alam kong may dahilan naman sila kung bakit nila ginawa iyon." Sabi ni Haruna habang patuloy parin sa pag iyak.

Lingid sa kaalaman ng natutulog na si Kairo, at ng magwawalis na si Haruna, na may dumating na isang van sa may di kalayuan, at pinagmasdan sila ng mga sakay nito.

Ang buong SC.

Dahil malakas ang presensya ni Haruna, naramdaman niyang may mga nakatitig sa kanya kaya naman huminto siya pansamantala upang tignan kung san nanggagaling ang presensyang iyon.

The Ability UserWhere stories live. Discover now