(T) Magpapansin Kay Crush

78 8 12
                                    

Heto ang tips para mapansin ka ni crush! Sundin mo ang sumusunod kung gusto mong mapansin ka niya.


FOR GIRLS & GAYS



Tip #1: (Dapat may hawak kang mga notebook o libro para maisagawa mo ang tip na ito) Kung papalapit na si crush sayo maglakad ka rin papalapit sa kaniya at kung malapit na malapit ka na talaga sa kaniya magkunwari kang natapilok, nadulas, o naihulog ang mga dala mo sa sahig.
(Dito sa tip na ito masusubukan kung may pagmamalasakit ba ang crush mo o wala. Dito mo rin malalaman kung ano ang personalidad na meron siya. Kung matulungin ba siya o hindi. Ganern.
Swerte ka na lang kung tulungan ka niya kung hindi... Iiyak mo na lang yan girl) Kung sakali mang tulungan ka niya mag-thank you ka at ngumiti sa kaniya ng matamis. Yung ngiting hinding-hindi niya makakalimutan. Hindi yung pabebe o kung ano pa man dapat yung ngiting magpapatulala talaga sa crush mo. Ikaw na ang bahala kung paano mo gagawin yun.



Tip #2: Kung hindi ka tinulungan ng crush mo sa tip #1 pwede mo ring gawin ang tip na ito. (Dapat may kasabwat ka sa tip na ito. Atsaka may pagka-harsh ang tip na ito. Kung ayaw mong gawin ito wag mo na lang gawin. Problema ka ba yan? Problema mo yan eh) So eto na.
Kailangan maghanap ka ng kasabwat (mas maganda kung lalaki) at paawayin mo sa crush mo at kung nagawa mo nang paawayin ang kasabwat mo at ang crush mo mag-hintay ka muna bago ka umeksena.
Kung sa tingin mo malapit ng magkasakitan ng pisikal ang crush mo at kasabwat mo umeksena ka na at paawatin ang dalawa at senyasan mo ang kasabwat mo na patigilin na.
At humingi ng tawad sa crush mo at ngumiti ng ubod ng tamis. Yung ngiting hinding-hindi rin makakalimutan ng crush mo. Ganern. At magpakilala ka sa crush mo at ilahad ang kamay mo (Chance mo na rin na mahawakan ang kamay ng crush mo) kung ganun rin ang gagawin niya. Aba maswerte ka! The best day ever mo na yan.


FOR BOYS & TOMBOYS


Tip #1: Eto ang tip para sa mga boys diyan na gusto magpapansin sa mga crush nila. (Kailangan dapat sporty ka at kasali ka sa mga sports para maisagawa mo ang tip na ito) Kapag may laro o practice kayo at kapag nakita mong nanonood ang crush mo. Syempre dapat magpa-impress ka. Dapat wag mong ipahalata na nagpapa-impress ka dapat chill-chill lang at wag kang tumingin sa crush mo. Parang yung normal lang. Ganern!
Kung hindi ka naman sporty at may iba ka pang talent. Edi sumali ka sa mga contest. Isa rin yun na way para mapansin ka ng crush mo kung mapapansin ka nga niya. Dapat galingan mo sa contest na sinalihan mo para humanga sayo ang crush mo sa anking talento mo. Odiba!


Isa lang na tip sa mga lalaki kasi madali lang sa kanila magpapansin kay crush lalo na't kung gwapo sila. Lol.


So yun na ang mga tips kung pano magpapansin kay crush. Nasa sayo yan kung gusto mong sundin ang tips kung hindi edi okay lang. Problema ko ba yan! Swerte ka na lang kung gumana ang mga tips na yan sayo. Good luck na lang!

BORED Ka? PROBLEMA Mo Na Yan!Where stories live. Discover now