(S-S) Letter (Kinuha Pa Sa Isang Story Ko XD)

32 4 0
                                    


***

12:00 A.M.


To: You

Alam mo bang palagi akong naka-masid sayo. Nakikita ko lahat ng bawat pag-kilos at pag-galaw mo. Alam ko kung saan ka naka-tira. Alam ko rin ang pangalan mo. Alam ko lahat ng tungkol sayo.

Alam ko lahat ng sikretong tinatago mo. Kabisado ko na ang lahat ng emosyon mo. Kilalang-kilala kita. Pero magbabago na yun balang araw sa pag-labas ko at di mo iyon mapipigilan.

Alam kong binabasa mo ito. Balang araw kukunin na kita. Kahit saan ka man mag-tago, tumakbo, o kahit humingi ka man ng saklolo hindi ka paniniwalaan ng lahat. Palagi akong naka-bantay sa mga kinikilos mo.

Hindi mo ko makikita at di mo ko mahahanap. Pero alam kong malapit na ang takdang panahon para makilala mo ko. Pero hindi pa ngayon.
Ihanda mo ang sarili mo dahil nandito lang ako naghahanap ng tyempo.
Hanggang dito na lamang.

From: You

BORED Ka? PROBLEMA Mo Na Yan!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon