(H) Hugot Shop ni Aling Tin (Sari-Saring Hugot)

59 7 5
                                    

🔰Hugot Shop ni Aling Tin🔰
"Sari-saring Hugot"

'Open in 24 hours'


Yassi Presswoman: Hello Aling Tin!

Aling TINdera: Oh!? Ano yun day?

Yassi Presswoman: Pabili po ng dark chocolate

Aling TINdera: Ah okay hindi ko akalaing mahilig ka pala sa dark chocolate

Yassi Presswoman: Hindi naman aling Tin. Titikman ko lang naman, titikman ko lang kung pareho bang kapait ng dark chocolate ang buhay pag-ibig ko. Kasi sabi daw nila just like the taste of dark chocolate is the taste of my fallacy in choosing him


"♪I'm way too good at goodbyes, (I'm way too good at goodbyes)
I'm way too good at goodbyes, (I'm way too good at goodbyes)♪"

"I'm Way Too Good At Goodbyes"

(By: Sam Smith)

Boy-Bay Tambay: Ay! Ganun teh? Kung gusto mo palang tikman ang dark chocolate dahil lang dun mas mabuti nang white chocolate na lang dahil alam kong may natitira pang tamis diyan sa puso mo.

All: HUGOAT!!!

***

Coco-nut Martin: Musta aling tin?

Aling TINdera: Eto buhay pa rin! Anong bibilhin mo Coco?

Coco-nut Martin: Uhmm.. Coke po nauhaw kasi ako sa taping sa probinsyano eh.

Aling TINdera: Ah ganun ba anong size?

Coco-nut Martin: Yung sakto lang, katulad ng pagmamahal ko sa kaniya. Kasi kapag ibinigay ko sa kaniya ang lahat wala nang matitira sa akin at kapag dumating sa puntong magkasakitan lamang kami hindi ako talo kasi may natitira pang pagmamahal dito sa puso ko.

"♪I want you to stay never go away from me, Stay forever♪"

"Stay"
(By: Darrel Ong)

Boy-Bay Tambay: Alam niyo po kuya tama ka pero hindi rin naman masama kung ibigay mo ang lahat dahil kung gagawin mo yun hindi mangyayari ang magkakasakitan kayo at maghihiwalay dahil tapat at taos puso mo siyang minamahal na higit pa sa sapat.

All: AAAAWW!!

***

Luis Manzanas: Pabili nga po ng hopia Aling Tin!

Aling TINdera: Ah wait lang *sabay hanap sa garapon ng mga hopia*

Aling TINdera: oh eto oh *sabay abot sa hopia* Ay! Hopia de mane pacqauio! *nahulog ang hopia sa sahig* sorry dong! Nahulog yung hopia sa sahig.

Luis Manzanas: okay lang po aling Tin alam ko po ang feeling na mahulog pero hindi sinalo. Dahil nakikita ko ang sarili ko sa hopia nung panahon na umasa ako pero pinaasa lang pala ako.

"♪Pinapaasa mo lang ako kasi alam mo nang crush kita,
Oo na crush kita, Di bihira nung dati pa♪"

"T.A.N.G.A"
(By: Yeng Constantino)


Boy-Bay Tambay: Alam mo brad! Hinding-hindi talaga maiiwasan ang mga paasa. Kung ipagpapatuloy mo pa ang pagiging tanga. GANOWN!!

All: GANERN????

***


Anne Kutis: Hello! Aling Tin! What you gawa?

Aling TINdera: Pwede ba iha! Wag ka ngang magsalita ng ganiyang lenggwahe! Dudugo ilong ko ng wala sa oras nito eh!


Anne Kutis: Ay sooorry aling Tin! Nasanay na kasi akong ganun magsalita eh

Aling TINdera: Sorry? Ayan na naman ang salitang yan. Nakakasawa na. Magsosorry tapos gagawin ulit ang kamaliang nagawa. Sawang-sawa na ang puso kong magpatawad at maging tanga sa sorry niya na parang lesensya na paulit-ulit niyang ginagawa. Huhu.


Anne Kutis: Yan aling Tin... Idaan mo yan sa hugot. Sa wakas naka-hugot ka na rin. Shhh... Shh... Magiging okay lang ang lahat. Ilabas mo ang sakit at poot na iyong nadarama at idaan ito sa hugot at pagdradrama. Shh...

Aling TINdera: HUHUHUHUHU!!!!!!

Boy-Bay Tambay: Lahat ng taong sawi sa pagibig may pinaghuhugatan talaga ang mga yan. Dahil ito ang paraan nila upang ilabas ang sakit na idinulot sa kanila ng pagibig. Ano pa mang hugot yan sama-sama natin paghuhugutan dito sa sari-sari store na kung bibili ka rito dapat may hugot na kalakip. At ako si Boy-Bay proud to be tambay at..... Expert sa pagibig. JOKE!!!

All: MAY GANOWN!?

Boy-Bay Tambay: Pwede ba! Magsilayas nga kayo wala ba kayong mga trabaho!? Tsupe! Tsupe! Alam nang may pinaghuhugutan rin ang tao eh. Tss..


ATTENTION!

Hi! May hugot ka ba? Sawi ka ba sa pagibig? Kung ganun halika i-share mo sa iba ang kinikimkim mong sakit!

Dahil open na ang hugot shop ni Aling Tin sa lahat ng mga may pinaghuhugutan diyan. Bili na!!

Kung gusto niyong mag-share i-PM niyo lamang ako. Nasa baba ang halimbawa kung paano niyo ishashare ang hugot niyo.

Tatlo lamang ang kailangan

1.Pangalan mo o kahit anong random names ang nasa isip mo

2. Bibilhin mo (kahit ano)

And lastly

3. Hugot mo

So ano na HUGOAT na mga kambing!!! 😜

P.S. Sorry mga readers kung hindi tumutugma sa mga hugot yung mga kanta ah. Problemahin niyo na yan kasi problema niyo.

BORED Ka? PROBLEMA Mo Na Yan!Where stories live. Discover now