⭕️SHORT STORY ZONE⭕️

22 4 0
                                    

Yung mga story dito is gawa ko sa school like para sa role play, drama, etc. namin ng mga classmate ko noon. So naisip ko lang i-share dito sa wattpad. 😊

Table Of Contents:

1.) Ang Bunga Ng Pag-Ibig

2.) Me With You

3.) The Midnight Game

***
Iaa-update ko din toh soon pag di na busy. 😚

" Now I See You "

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

" Now I See You "

" Mukhang maganda nga ang tanawing ito " nakangiti kong sabi habang pinapakiramdaman ang ihip ng hangin. Mga ilang segundo din bago siya nagsalita. " Oo nga "

Medyo na-guilty naman ako dahil pinilit ko talaga siyang samahan ako ngayong mamasyal kahit na mukhang busy siya. Narinig ko naman siyang tumikhim at naramdaman ko na lang na hinawakan niya kamay ko at mukhang nanginginig ito.

Kaya bigla akong nagalala. " May problema ba? " tanong ko. " W-wala " sagot niya. " Enjoyin na lang natin tong moment na toh " at naramdaman ko na lang ang pag-akbay niya sa akin kaya isinandig ko na lang ang ulo ko sa balikat niya at inenjoy na lang ang moment.

3 months later...

Di pa rin ako makapaniwala na may magdo-donor na sa akin ng mga mata. Papasalamatan ko talaga siya.

Pagkatapos ng operasyon laking tuwa ko talaga na nakakakita na ako. Walang pasisidlan ang tuwa ko kaya tinawagan ko ang nobyo ko. Matagal-tagal na rin since hindi kami nagkausap dahil busy kaming dalawa.

Ilang ring rin ang narinig ko bago may sumagot pero di ko inaasahan ang sumagot sa tawag at ang sinabi nito tungkol sa nobyo ko. Kaya dali-dali akong pumunta sa kanila at dun gumuho ang mundo ko.

Nagsisiunahang tumulo ang mga luha ko habang papalapit sa kaniya na nakahilata sa kabaong niya. At dun ibinuhos ko ang sakit at kalungkutan.
Iniyak ko lahat at marami akong tanong na nabuo sa isip ko, kung bakit ganon? kung bakit siya pa?

" Jadie, ipinamimigay ito sayo ni Kit " sabi ng kaniyang ina na namumugto din ang mga mata na galing sa pag-iyak. Lumuluha kong kinuha ang nakatuping papel na inaabot sa akin ni tita at tiningnan kung ano ang meron dun.

At mas lalo pa akong napa-iyak ng makitang letter niya ito para sa akin.

Para sayo Love,

Siguro habang binabasa mo ito nakahiga na ako sa kabaong ngayon. Di ko sinabi sayo na may malubhang sakit ako at bilang na lang ang araw ko sa mundo dahil ayaw kong magalala ka. Pero bago ako mawala sa mundong ito ibibigay ko sayo ang mga mata ko bilang regalo ko para sa susunod na monthsary natin. Wag ka nang malungkot dahil magiging okay lang ako.

From your love, Kit

Niyakap ko na lang ang letter na iyon at humagulgol sa pag-iyak. Ngayong nakita na kita hindi na kita makakasama pa.
Goodbye my love..

***

Sana all may jowa.😢🤧

BORED Ka? PROBLEMA Mo Na Yan!Where stories live. Discover now