(S-S) Lotto Winner Who?

27 5 0
                                    

" Emeghed! HAHAHAHA! " malakas na tawa ng isang babae ang umaalingawngaw sa isang munting bahay na malapit sa siyudad. Nanonood kasi ito ng comedy movie kaya ganun ito makatawa ng wagas.

Naaaliw ito sa panonood ng biglang kumulam ang sikmura ni Señorita Madame literal na pangalan ng babae. Lol. Na sanhi na gutom na siya kaya tinawag na niya ang nag-iisa niyang katulong na si Inday ( literal ring pangalan nito ).

Para ipabili ito ng ingredients ng favourite niyang adobo. " Bakit puh Señorita? " mahinhin itong lumapit sa Señorita. " Bumili ka nga ng ingredients pang-luto ko sa adobo " sabay lahad ni Señorita Madame ng pera kay Inday.

Agad naman itong tumango at gumayak na para bumili ng pang-luto. Nag-hintay si Señorita Madame ng isang oras. Oo isang oras na paghihintay at grabeng gutom na ang nararamdaman ni Señorita Madame.

At sa wakas mga ilan pang menuto nakadating na si Inday. Agad naman siyang pumeywang sa harap nito.
" Aba parang isang segundo ka lang yata nawala Inday ah " sarkastiko nitong saad. Ikaw ba naman paghinatayin ng isang oras na gutom na gutom ka pa sinong hindi mahi-high blood.

" Eh kasi po Señorita mahaba kasi pila sa lottohan kaya po natagalan " napapakamot pa ito sa tengang sabi. Agad namang napa-nganga si Madame Señorita na may bored-disbelief sa mukha nito. " Akala ko malinaw sayo yung sinabi ko. Pang-luto yung ipinabibili ko sayo hindi pang-lotto. Juskelerd! "

" Eh kasi po Señorita, baka manalo na po ako ngayon " muntik ng masabunutan ni Madame Señorita si Inday. Alam naman na niyang high blood na siya at gutom pa yung nais pa talaga nitong manalo sa lotto ang iniisip nito.

" HOOOYYYY!! Inday umayos-ayos ka ah. Amo mo ko dito kaya sundin mo lahat ng utos ko ng maay--" di pa natatapos ang sasabihin niya ng tumili itong lumapit sa telebisyon na kasalukuyang ina-announce na pinagtayaan nitong lotto.

" Hoy! "

" One na lang kulang, plss " kulang na lang tawagin ni Inday ang lahat ng santo ng huling numero na lang ang kulang. Lahat ng numero niya at tsek na tsek sa nakukuha ng machine. " One! " agad siyang tumili ng pagkalakas-lakas ng manalo ang lotto ticket niya.

" WAAAHHHH!!! PANALO AKO!! " Sigaw pa nito. " Hoy! Anong panalo ka diyan aber " natigil naman si Inday sa pagsisigaw at masayang hinarap ang amo niya. " Nanalo puh kasi ako
Señorita " walang pasisidlan nitong saya sa mukhang sabi.

" Huh, aking pera yung ipinang-lotto mo diyan. Kaya kung akala mo ikaw ang nanalo pwes hindi. Dahil ako yun Woooooohhhhh Yeeeeeyyyy!!!!! " sabay tumalon-talon pa si Madame Señorita.
" No, no, no, no Madame Señorita ako po yung pumila at nag-lotto kaya ako po ang panalo " mahinahong pagpapa-intindi ni Inday.

" Aba't-- " di nanaman naituloy ni Madame Señorito ang sasabihin nito ng may umeksenang isang ale. " Narinig kong nanalo ka Inday kaya wag kang magpakasaya-saya diyan dahil magiging akin na ang one million prize Bwahahhahaha!! " sabay kumulog ng malakas.

" Hoy! Sino ka naman? Paano ka nakapasok sa bahay ko aber? " nagtatakang sambit ni Madame Señorita. Saan kayang butas sa bahay niya lumabas ang mukhang palakang aleng ito? " Ehem! Ako lang naman ang tindera na pinag-lottohan ni Inday " sabi nito at ibinukad nito ang dalang kulay pulang pamaypay sabay tiklop ulit. Ayos rin ang trip nito eh noh?

" At kung di mo mamasamain akin na ang prize na yun " naka-irap pa nitong pagpapatuloy. " Excuse me, Aling TINdera ako po ang nanalo dahil aking mga numero yung isinulat ko dun sa lotto ticket " di papatalo si Inday. Kaloka!

" Ehem! Baka nakakalimutan niyong nandito rin ako. At Inday aking pera yung ipinang-lotto mo at dahilan kung bakit gutom na gutom na ko ngayon. Kaya akin na ang prize na yun " naka-irap ding sabi ni Madame Señorita. " Ehem din! Narinig ko ang usapan niyo mga binibini na nanalo si Inday. Siguro naman deserving ako na kunin ang prize " singit naman ng isang lalake.

BORED Ka? PROBLEMA Mo Na Yan!Where stories live. Discover now