(H) Patama Sayo

49 5 6
                                    


***

Sana sinabi mo, para di na umasang may tayo pa sa HULI.

***

Kung di ka rin naman pala sigurado sana hindi mo na ko MINAHAL at PINATULAN.

***

Mas gugustuhin ko pang masaktan sa KATOTOHANAN kaysa sa maging maligaya sa KASINUNGALINGAN.

***

Ang puso ko ay parang salamin. BUO sa una pero nung winasak mo eto ako ngayon pilit ulit itong binubo kahit na nasusugatan na.

***

Ang pag-ibig ay parang alon sa dagat may UPS and DOWNS pero pagdating sa buhanginan mawawala na lang bigla.

***

Sana yang SORRY mo nababagay sa salitang SECOND CHANCE at di na sana inuulit pa.

***

Minsan nakakaiyak talagang pumasok sa eskwelahan dahil sa subject na Math na may X and Y's, subject na AP na palaging binabalikan ang nakaraan, subject na Science na may chemistry, at subject na Filipino na di ko alam kung bakit may Noli Me Tanghere na ang ending ay di rin pala magkakatuluyan hanggang sa huli ang mga bida. Lols.

***

Minsan naiiyak ako na kung bakit ang saya saya mo diyan na wala ako, na bakit nagagawa mo pa ring ngumiti at magpangiti sa iba, na minsan ang sakit-sakit na.

Ang sakit-sakit na team bahay lamang ako at walang perang pambili ng concert niyo kaya eto ako ngayon umiiyak habang kaharap ang tv.

***

Ang matagal ng may lihim na pag-tingin sayo ay parang pera na 100,000. Magugulat ka na lang na meron pa palang ganun na itinago sa matagal ng panahon.

***

Ang pag-ibig ay parang ruler. Sinusukat ka kung hanggang saan ang kaya mong magmahal.

***

Ang mga mata ko ay parang ikaw. Sa una malinaw pero unti-unti ring lumalabo.

***

Ang crush ay crush lang dapat, pero bakit ako nasasaktan sa tuwing may kasama kang iba?

***

Hindi na sana ako nag-TAKE ng RISK kung di ka rin naman pala WORTH IT na MAHALIN.

***

Tayong dalawa ay parang naglalaro lamang ng TAGUAN. Ako ang taya ikaw ang magtatago. Nung nahanap kita bigla na lang AYAW mo na.

***

Kung maibabalik lang sana ang oras. Yung hindi para balikan ang masasayang ala-ala natin kundi kunin ang lahat ng oras na sinayang at ginugol ko para sayo.

***

Sana ang utak ko ay parang memory card pwede kong tanggalin lahat ng ala-ala natin at bigyan ulit ito ng bagong ala-ala para sa sarili ko.

***

Ang luha ay may 99% feelings and 1% na liquid na sana yung 99% ay liquid at ang 1% ay feelings. Para isang porsyentong iiyak ako ng dahil sayo.

***

Siguro nung nagpa-ulan ng katangahan si God nasalo lahat naming mga umaasa habang kayo namang mga paasa ay di nababasa dahil nakikinabang kayo sa payong na dala namin para sa inyo.

***

Sana ako ang kahawak kamay mo, sana ako ang dahilan ng mga ngiti mo, sana ako na lang mahalin mo. Pero hanggang SANA lang nga pala ako.

***

Kung nakaya mong kalimutan ako mas doble kong kakayanin ang burahin ka sa mundo ko. Kung walang batas siguro baka nabura na rin kita sa mundong ibabaw ngayon. Lols.

***

Ang bagoong ay bagay sa mangga, ang champorado ay bagay sa tinapa. Sana sa susunod tayo naman ang bagay sa isa't isa. Pweee!!!🤢😂

***

Dear Crush,

Ang saya ko ngayon dahil nakita kong masaya ka sa piling ng iba.

***

Dear EX,

Alam mo kung kuto ka lang, ang sarap mo sigurong patayin sa kuko ko.

***

Sana sa pag labas ng mga luha ko kasabay nun ang lahat ng pagmamahal ko sayo.

***

Minsan sa buhay mas mabuti pa ang pigilan ang sariling EMOSYON

Kaysa sa makulong sa sariling ILUSYON.

***

Kung may kakilala kang pala-ngiti at masaya na halos wala ng prinoproblema. Samahan at kaibiganin mo dahil gusto niyan ng atensyon at pagmamahal na minsan ipinagkait na sa kanila.

#TheSadTruth

***

Uuyy helloo!! Mga readers akala niyo patay na ko noh. Well akala niyo lang yun dahil buhay pa rin ako ngayon hindi katulad noon na patay na patay sa kaniya. Charot! Mag-comment naman kayo diyan at mag vote para maramdaman ko rin ang pagmamahal niyo sa akin. Charot! Assuming. Basta kung ma-bored kayo basahin niyo lang ang book na ito para sa inyo. Dahil mahal ko kayo. Yuucckk!! Hahaha. Basta kakalimutang ngumiti and be positive always kahit na nahihirapan na.

Until next update!!

BORED Ka? PROBLEMA Mo Na Yan!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon