✔️(S-S) Ang Bunga Ng Pag-Ibig

11 4 0
                                    

Ginawa ko ang short story na ito nung grade 9 ako. Para ito sa group performance namin sa MAPEH and naperform din namin ito ng maayos. Gusto ko lang i-share sa inyo 😊

[Narrator]  Mag-isang umiinom sa isang bar si Zayver. Naka-sampu na itong bote na tila walang balak tumigil. Baog kasi ang asawa ni Zayver na si Amanda at di sila magkakaanak kahit na anong gawin niya. At ngayon nga ay nagka-away silang mag-asawa dahil dun. Lumalagok-lagok si Zayver ng isang bote ng alak nang may tumabi sa kaniyang babae.

[Shaira] Hey handsome! Are you alone?
( sabi nito sa malanding boses )

[Zayver] ( Tiningnan yung babae ) Yeah, why?

[Shaira] ( Lumapit ng husto kay Zayver sabay bulong sa tenga nito )  If that so, wanna have some fun?

[Narrator] At dun nagsimula ang mainit na tagpo nina Shaira at Zayver. Dahil na rin sa kalasingan ni Zayver ay pumayag kaagad siya sa gusto ng dalaga. Hanggang sa di nila alam ay magbubunga pala ang kanilang ginawa. Lumipas ang mga araw ay nalaman na lamang ni Shaira na buntis siya. Palagi siyang nagsusuka, at nahihilo sa di malamang dahilan hanggang sa malaman na lang niya ito sa pregnancy test na positive siya. Ngayon nga ay ipapa-alam na niya ito sa nag-iisa na lamang niyang magulang. Ang kaniyang ina.

Natatakot siya sa magiging reaksyon ng kaniyang mama pero mas pinili niyang tatagin ang kaniyang loob at sabihin dito ang totoo.

[Aling Maggy] ( Nag-aayos ng kubyertos sa lamesa ) Oh! Shaira anak, kumain ka na dito. Ipinagluto kita ng paborito mong ulam.

[Shaira] M-ma ( kinakabahan ) m-may dapat kang malaman..

[Aling Maggy] Ano yun anak?

[Shaira] B-buntis ako ma ( napaiyak na lang bigla matapos sabihin iyon )

[Aling Maggy] ( Nagulat pero nakabawi din at agad na niyakap ang anak bago sila umupo sa upuan) Sabihin mo.. Sino ang ama ng dinadala mo?

[Shaira] ( Napatigil sandali at natakot na malaman ng mama niya na di niya kilala ang nakabuntis sa kaniya. Ayaw niyang magalit ito kaya napilitan na lang siyang magsinungaling ) S-si Ralph po nakabuntis sa akin. Y-yung ex-boyfriend ko po..

[Aling Maggy] ( Bumuntong-hininga bago niyakap ang anak ) Dapat malaman din niya yan at panagutan ka.

[Narrator] Lumipas ulit ang mga araw ay dumating din ang pagbubuntis ni Shaira. Dun din niya nalaman na may sakit siyang cancer at di na siya tatagal pa. Kaya pinaki-usapan niya ang ex-boyfriend niyang si Ralph na alagaan ang anak niya na pinayagan naman ng huli at nangakong aalagan nila ng asawa niyang si Erin ang anak niya. Lumipas pa ang mga araw ay maayos na lumaki ang anak ni Shaira na si Max at ngayon nga ay masaya ito sa pangangalaga nila Erin, Ralph, at ng lola nitong si Maggy.

[Max] Mommy! Daddy! Look po oh! Perfect po ako sa test ni teacher Amanda. ( Sabay bigay ng test paper nito kayla Erin at Ralph )

[Erin] ( Kinuha ang test paper ni Max ) Wow! Ang galing naman ng baby namin ( Habang tinitingnan ang test paper )

[Ralph] Nag-mana yata sa katalinuhan ni Daddy eh. ( Sabay kiliti kay Max )

[Max] ( Kinikiliti ni Ralph sa tagiliran ) Hahaha! Tama na po Daddy! Nakakakiliti hahaha!

[Aling Maggy] ( Dumating at napangiti na lamang sa nakita ) Oh! Tama na yan. Mag-meryenda na kayo. Alam kong gutom-gutom na kayo lalo na ang apo kong si Max. ( Sabay buhat kay Max at pinaghahalikan ang mukha nito )

[Narrator] Tila masaya at payapa ang pamumuhay nila Ralph at Erin na tila wala na silang hihilingin pa. Pero sa kabilang dako ay tila namromroblema naman si Zayver. Kanina kasi habang binibisita nito ang asawang si Amanda sa school nito ay biglang kumuha ng pansin niya. Isa kasi sa mga estudyante nito ay may pagka-hawig sa kaniya. Parang batang bersyon niya. Nakaramdam pa siya ng paglukso ng dugo habang tinitingnan ang batang iyon. Kaya hanggang sa pag-uwi ni Zayver ay nasa isip pa rin niya ang batang estudyante ni Amanda. Parang may nagsasabi sa kaniya na kailangan niyang makilala ang batang iyon. Kaya naisipan na niyang kumuha ng private investigator at ipina-imbestiga ang batang iyon. Mabuti na lamang ay may mga birth certificate ang asawa ng mga estudyante nito at may picture pa. Kaya di siya nahirapang malaman ang pangalan ng batang iyon.

BORED Ka? PROBLEMA Mo Na Yan!Место, где живут истории. Откройте их для себя