(P) Ang Halimaw

41 8 4
                                    

ANG HALIMAW

Nandiyan siya sa madilim na sulok ng iyong kwarto


Na tila parang kumukuha ng tyempo


Pakiwari mo'y hindi ito sino kundi ano


Sa kaniyang mga mata, kita mo ang gutom at pagkasabik


Pilit na iyong iniisip na sana ang iyong mga magulang ay magbalik


Dahil sa madilim na sulok na yun ay may halimaw na nagtatago


Tumayo ka man o gumalaw hindi ka makakakibo


Tila parang naparalisa na ang iyong katawan mula paa hanggang ulo


Tanging mata na lang ang magtuturo


Kung ano ang itsura ng halimaw na ito


Sa pagikot mo ng iyong mata bigla na lang ito nawala na parang bula


Hindi mo malaman kung saan ito nagpunta

Nang mas lalo pang dumilim at nawala ang sinag ng buwan

Na tanging ilaw na sa iyo'y maggagabay

At iyong narinig ang ingay ng sirena ng kotse ng mga pulis


Ang tibok ng iyong puso ay bumilis

Nang pagbukas ng ilaw tumambad sa iyo ang salamin


Duguan siya at may hawak na kutsilyo na tila isang salarin


Ipinapakita na ang itsura ng halimaw

At yun ay ikaw

BORED Ka? PROBLEMA Mo Na Yan!Where stories live. Discover now