✔️(S-S) Me With You

11 4 0
                                    

Ito naman ay sa english na subject namin pag-grade 8. Kaya tinagalog ko na lang dito dahil alam kong marami akong wrong grammar sa english version nito. Haha.

***


Ang tunog ng pagtama ng alon sa buhanginan at ang kalamadong ihip ng hangin mula sa dalampasigan ang nagpa-gising sa walang malay na dalagita na nasa buhanginan. Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata bago niya inilibot ang paningin sa kung saan man siya.


Doon na lamang siya nagulat ng malaman niyang nasa isang isla siya. Agad siyang bumangon at pinagpagan ang buhangin na nakakapit sa kaniya. Ang huling naalala niya ay nasa maliit na barko siya kasama ang isang taong kinaayawan niya. Tapos bigla na lang naging masama ang panahon at lumakas ang alon.


At eto nga nasa isla na siya kasama ang isang sirang barko at ang taong kinaayawan niya. Wait! Si Vincent? Agad niyang nilapitan ang isang lalaking nakahandusay di kalayuan mula sa pwesto niya.


At tama nga siya dahil si Vincent nga ito. Ang worst enemy niya at ang pinaka-ayaw niyang makasama habang buhay. Oo in-arrange marriage sila ng kanilang mga magulang at sila ang nagplano na ipasakay sila sa isang maliit na barko. Agad siyang napaface-palm sa naisip na silang dalawa lang ang nasa isang di kilalang isla at kapwa di gusto ang isa't isa.


Agad siyang napalayo ng biglang nagising si Vincent bago ito napatingin sa kaniya. " Great! Gising ka na. Perfect na oras ito para sabihin ko sayo na congratulations! Dahil sayo na-stuck tayo sa isang di-kilalang isla na tayong dalawa lang at di ka nakinig sakin na bumalik na lang. Porket marunong kang magpagana ng barko eh magyayabang ka na. " inis na inis niyang sabi.


" Are you done? Cause I'm gonna find someone to help us instead na makinig na lamang sa mga reklamo mo " sabay tayo nito at nilibot ng tingin ang paligid. Agad naman siyang napa-rolyo ng mga mata at napabuga ng hangin. ' I can't with this guy ' sa isip-isip niya.


Agad siyang napatingin kay Vincent ng pumunta ito sa kagubatan ng isla. " Hoy! San ka pupunta? Akala ko ba hihingi ka ng tulong. Mr. Mayabang " sigaw niya. Agad namang tumigil sa paglalakad si Vincent. " It's none of your business Ms. Rants " sabay patuloy nito sa paglalakad.


Naparolyo ulit si Santy ng mga mata ng marinig iyon. Agad siyang napatingin sa isang di katangkarang coconut tree at biglang kumalam ang sikmura niya. Agad naman siyang lumapit sa punong iyon habang di pa rin naaalis ang tingin sa mukhang hinog ng mga buko.


Kung cartoon pa lang siya baka nag-lalaway na siya ngayon. Agad siyang naghanap ng mahabang kahoy na ipangkukuha man lang sa buko. Nang makakita ng isa ay agad niya itong sinubukan pero kahit na anong kuha niya sa buko ay di man lang ito nahulog.


Napahinga na lamang siya ng malalim bago inilapag ang mahabang kahoy na iyon. Hindi naman ganon kataas ang punong iyon at pwede naman itong akyatin. Natatakot siyang mahulog at magasgasan pero wala siyang choice kundi akyatin ito.


Sobrang nahirapan pa siya nung una dahil hindi naman siya pala-akyat ng puno lalo na nung bata siya. Overprotected kasi ang mga magulang niya sa kaniya. Mga ilang ulit niyang sinubukan ang pag-akyat at sa wakas ay nasa bunga na siya ng puno.


" I got you now my coconuts " sabi niya at kukunin na sana niya ang isang buko ng may nag-salita. " Hindi pala ako na-inform na may unggoy pala akong kasama dito " agad siyang napatingin ng masama kay Vincent na naging dahilan ng pagka-out of balance ni Santy.


" Woah waaahhh!! " sigaw niya ng mahulog siya at bumagsak sa buhanginan una ang mukha.
" HAHAHAHAAHAHA!! " tawa ng tukmol niyang kasama na di man lang inagapan ang pagkahulog niya. Agad niyang itinaas ang kamay at minidle-finger niya ito bago tumayo at naglakad sa dagat at naghilamos ng mukha doon.


BORED Ka? PROBLEMA Mo Na Yan!On viuen les histories. Descobreix ara