(S-S) Tuna Casserole

59 8 14
                                    

Hindi ka ba marunong makinig sa mga bilin ng mga magulang mo? Pasaway ka rin ba? Magbabago pa kaya ang ugali mong yan kapag nabasa mo na ito?

***

"Nak! Aalis na ko ah. Matulog ka na" saad ng ina ni Jeff sabay bukas ng pinto. "Opo ma!" Sabi ni Jeff sabay halik sa pisngi ng ina. "Ay! Nga pala muntik ko nang makalimutan wag mong kakainin yung tuna casserole na niluto ko ah. Para bukas pa yun. Sige ka magkakabangungot ka kapag kinain mo yun ngayong gabi" paalala ng ina na ikinatango lamang ng bata.

"Oh sige anak, aalis na ako" huling paalam ng ina sabay halik sa pisngi ng anak at lumabas na. Isinarado naman ni Jeff ang pinto at agad naglakad patungo sa kaniyang kwarto.

*Sa Kwarto*

'Isang babae na nagngangalang Rose ang nakitang pinatay sa ilog

Mumultuhin ka ni Rose kapag hindi mo ipinasa ang nabasa mong post'

Napailing na lamang si Jeff sa nabasang post at ini-scroll ito. Kung ano-ano na ang pinopost sa facebook kahit walang kwenta. Bigla na lang nakaramdam ng gutom si Jeff. Kaya agad siyang lumabas ng kwarto at bumababa sa sala papuntang kusina. Upang maghanap ng makakain.

Pagkarating niya naamoy niya kaagad ang amoy ng bagong nilutong tuna casserole ng ina. Mas lalo pang kumalam ang sikmura ni Jeff sa gutom dahil don. Napatingin siya sa tuna casserole na nasa lamesa. Kahit na parang naguudyok ito na kainin niya ito ay naalala niya ang bilin ng ina kaya naghanap na lamang siya ng ibang makakain.


Pero matapos niyang maghanap wala siyang mahanap na pagkaing magpapatigil sa pagkalam ng sikmura niya. Kaya napatingin na lamang siya sa tuna casserole na nakalagay sa isang lunch box na nasa lamesa. Kumalam ulit ang sikmura niya. 'Wala namang masama kung kumuha lamang ako ng konti  diba?' saad ni Jeff sa isip at napangiti kaya kumuha siya ng kutsara at sumubo ng tuna casserole.

Agad namang napawi ang gutom ni Jeff dahil sa sarap ng kinain. Napatingin naman ulit siya sa tuna casserole at nagulat siya ng halos maubos na ang tuna casserole na niluto ng nanay niya. Dahil siguro sa gutom. Inilagay na lamang niya ang lunch box sa ref at naglakad na pabalik sa kwarto niya.

Pagkapasok niya sa kwarto agad siyang humalata sa malambot nitong kama at mabilis na nakatulog.

Napamulat na lamang ng mata si Jeff ng makarinig siya ng ingay sa kusina. Na para bang may kumakain doon. Agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto upang tingnan kung sino o ano ang nasa kusina. Bumaba siya ng hagdan at tumungo sa kusina.

Nagulat si Jeff sa nakikita ng makarating sa kusina. Doon sa kusina may isang babaeng nakaupo sa isa sa mga upuan at kinakain ang natitirang tuna casserole. Hindi lamang ito ordinaryong babae dahil isa itong multo!

Napaatras naman bigla si Jeff ng biglang tumingin sa kaniya ang multo. Nanginig sa takot si Jeff ng makita ang mukha ng babae. Basang-basa ito at duguan. Tumayo ang babaeng multo at unti-unting lunapit sa kaniya hawak-hawak ang matulis na tinidor.

Unti-unti rin namang umaatras si Jeff hanggang sa bigla na lang siya nadulas. Nagulat na lamang siya ng mawala ang babae at sumulpot na lang bigla sa harap niya at akmang sasaksakin na siya gamit ang tinidor. " Waaag poo!!" Pagmamakaawa ni Jeff at ginawang pangharang ang kamay kaya ito ang nasaksak. "Aaaaah!!!" palahaw na sigaw ng bata ng maramdaman ang pagtusok ng tinidor sa buto at laman ng kamay niya. "HA HA HA!!" nakakakilabot na tawa ng babae sabay diin pa sa pagkakatusok ng tinidor sa kamay ng bata kaya unti-unti ng nakikita ang dulo sa likod ng palad ng bata.

***

Napamulat na lamang si Jeff ng kaniyang mga mata at napabalikwas ng bangon. Hingal na hingal siya at napatingin na lamang siya sa kabuuan ng kaniyang kwarto. Nakahinga naman siya ng maluwag ng mapagtantong bangungot lang pala yun.


BORED Ka? PROBLEMA Mo Na Yan!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora