(R) Happy Family

44 7 4
                                    

Riddle #2 : Happy Family


Excited si Ashley na umuwi ng bahay. Nang makarating ang bata sa tahanan nito nakita nito ang lolo niya na as usual nakaupo pa rin sa rocking chair nito. Binati naman niya ito at dali-daling pumasok sa bahay.



Pagpasok niya dumeretso siya sa kusina at nakita niya ang nanay niya na nagluluto ng meryenda. "Hi mama!" Bati ni Ashley sa ina. "Hello anak! Sige magbihis ka na sa kwarto mo ng makakain ka na ng meryenda" sabi ng ina niya na ikinatango naman niya. Kaya dali-dali naman siyang naglakad patungo sa kwarto niya na nasa ikalawang palapag. Nadaanan naman niya ang auntie at tiyo niya na nakaupo sa sofa.



Binati naman niya ito at naglakad pa papuntang kwarto papaakyat. Nang makarating sa kwarto nagbihis na siya at kinuha ang isang spray. Nakita naman niya ang pinsan na si Bea na nilalaro pa rin ang manika nito. Binati naman niya ito at nagspray siya sa kwarto.


Bumaba siya ng hagdan at nang mapadaan siya sa tiyo at auntie niya. Nag-spray ulit siya at tinungo ang daan papuntang kusina ng makapagmeryenda na.


"Oh anak! Pupunta muna ako sa bahay ng tita at tito mo ah" sabi ng kaniyang ina na bihis na bihis. Tumango naman si Ashley at kumain na ng meryenda. Pero bago makaalis ang nanay niya may sinabi pa ito.


"Nang makasama na rin natin ang tito at tita mo sa bahay at maging happy family na tayo"



+++

Hi Bored-Mates! Char! May pangtawag na ako sa inyo noh! Haha.

Ang unang-una na makakasagot ng riddle na ito ay ifofollow ko ang profile niya at may dedicate sa isang chapter rito plus may flood votes sa story niya

So answer na DALIII!!!!

BORED Ka? PROBLEMA Mo Na Yan!Where stories live. Discover now