(T) How To Review Books ng Matiwasay?

13 3 0
                                    


Paano nga ba mag-review ng mga libro sa school ng matiwasay lalo na't papalapit na ang mga test at exams waahh!! Diba parang nakakasakit ng brain cells. Char! Sana all may brain cells hahaha.

Well worry no more dahil nandito na naman ang isa pang panibagong tips sa mga masisipag na mag-aaral ( like me haha ) para tulungan kayo sa pag-aaral niyo gamit ang mga tips na ito. Kung may problema ka rito eh problema mo na yan!

--++--

First tip: Maghanap ng tahimik na lugar para magbasa

Syempre eto ang pinaka-importante. Alam naman natin kung anong mangyayari kapag sa tahimik na lugar tayo magre-review at iyon ay para hindi ka ma-distract sa mga maiingay na bagay.

Do'n ka sa sariling kwarto mo, o 'di kaya sa tambayan mo na ikaw lang ang nakakaalam, pwede din sa library niyo o ng school. Kung wala ka talagang mahanap na tahimik na lugar eh gawin mo na lang ang susunod na tip.

--++--

Second tip: Use ear plug

Kung hindi mo alam ang ear plug eh ito siya.

Kung hindi mo alam ang ear plug eh ito siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Iba't ibang hugis at color siya. Para siyang earphones pero pangtakip lang talaga siya ng tenga. Gamit nito eh walang makaka-distract sa pagre-review ng kahit anong ingay. Talasan mo na lang ang pandinig mo kapag inutusan ka ng mama mo hahaha.

--++--

Third tip: Use earphones and listen to music

Kung wala kang earpods eh pwede mo namang gamitin ito. Alam mo yung feeling na kahit na hindi maingay eh hindi ka pa rin maka-focus sa pagre-review. Malamang may iniisip kang iba o 'di kaya nadi-distract ka sa cellphone mo. Well gawin mo na lang eh ikabit mo ang earphones mo sa cellphone at makinig sa music na walang lyrics o kumakanta iyon bang music lang ba siya.

Kung wala kang music na walang lyrics eh recommend ko itong app na ito.

Maganda siyang app at nakaka-help talaga itong maka-focus ka sa pag-review mo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Maganda siyang app at nakaka-help talaga itong maka-focus ka sa pag-review mo. Tip ko lang ito at ikaw ang bahala kung gusto mong gawin ang third tip dahil sa ibang tao eh nakaka-distract din ang music para sa kanila.

--++--

Fourth tip: Read your books aloud

Alam mo ba na kapag binasa mo ng malakas ang librong binabasa mo eh nakakapag-boost ito ng memory? Now you know.

Study says, from the University Waterloo in Canada, report that the “dual action” of speaking and hearing yourself speak helps the brain to store the 
information so that it becomes long-term memory. This process is called the “production effect.”

Meaning kapag pinagsabay mo ang pagbasa ng malakas at pagkinig mo sa sarili eh maraming information ang makukuha ng utak mo at maii-store ito ng matagal upang hindi mo makalimutan kaagad. Diba parang ang ganda no'n? Try mong gawin ang tip na ito at mag-memorize ng maraming words at isa-isahin mong i-memorize lahat ng iyon. I-comment mo din dito kung ano ang resulta pagkatapos hehe.

--++--

Iyon lamang ang maibabahagi ko sa inyong mga tips na natutunan ko sa iba hahaha at sana nakatulong man lang ako sa inyo kahit konti. Mga mag-aaral man o hindi welcome na welcome tayong lahat na matuto at i-share ang ating mga kaalaman basta may puwang na katotohanan.

BORED Ka? PROBLEMA Mo Na Yan!Where stories live. Discover now